Oneshot
"Hindi ka pa rin natitigil diyan sa pagpapantasya mo sa ex mong gago, e, ano?" Nicole, my best friend, rolled her eyes as she saw me browsing through my ex's Facebook profile.
I'm used to this. Ayaw na ayaw niya kasing nag-oobsess pa ako kay Arkin Zandre de Marcos kahit na obvious na obvious naman nang wala na kami.
Tiis lang kasi. Alam ko namang sooner or later ay matatauhan rin ako sa kabaliwan kong ito. Naniniwala akong mawawala na rin ang pagka-obsess ko sa kanya in time. Wag naman sana nila akong madaliin.
"Hindi naman ako nag-oobsess sa kanya. Grabe naman ito!" I denied pero I kept looking at his latest status.
"Body is in so much pain."
Malamang sa malamang ay galing na naman siyang gym. I know. Alam kong laging sumasakit ang katawan niya pagkatapos niyang mag-gym. Duh? Hindi naman naging kami for a year nang hindi ko siya nakikilala nang husto.
Basketball player iyang si Arkin at alam kong fitness is the first thing in his mind. Isa naman kasi talaga siya sa magagaling. Well, one reason why I was attracted to him in the first place. Masyado akong humanga sa galing niya sa bola. Nakakainis pero ganun ata talaga.
"Tama na. Ano ba?" Ani Nicole sabay hablot sa phone ko. "Hindi ka pa ba nadadala? Wala na siyang gusto sa'yo!" Tumataas na ang boses niya. Sa tingin ko ay gusto na rin niyang sumigaw nang sa ganun ay marinig ko nang mabuti ang sasabihin niya.
"I love him, Nic. I still do." I replied without thinking. Ganito kasi ako. I must always speak my mind. Kaya siguro hindi ko magawang magsinungaling. Lagi kasing pag nabibigla ako ay naisasaboses ko ang totoo.
"Tangina naman, Blesselle! Ano na ba ang gagawin ko para matauhan iyang sarili mo?" Nicole's really frustrated. Naiintindihan ko naman kung bakit ganito na lang ang galit niya kay Arkin. Siya ang nakahuli sa kanyang may kinakasamang ibang babae. Take note, kinakasama. They're living together!
Kaya pala hindi niya ako pinapapunta sa apartment niya! Iyon pala kasi may ka-live in siya!
Sure, masakit. Pero mahal ko siya, e. Hindi ko naman maintindihan ang rason na ito dati ngunit ngayon, alam ko na kung bakit may mga taong hindi kayang bumitaw sa taong mahal nila kahit na ang sakit-sakit na.
Iba pala talaga kapag mahal mo. Kayang-kaya mong patawarin ito kahit anong gawin niya. You'd rather hurt than be separated from him. It's like that.
It's frustrating but aren't most truths really frustrating?
"Itigil mo na iyan." Ani Nicole sabay may pinindot sa phone ko bago niya ito binigay sa akin. "Ayan. Wala nang stalking incident from now." Aniya at ngumisi.
Nanlaki ang mata ko at saka tiningnan kung ano ang ginawa niya sa phone ko. Shit! Bakit hindi ko na makita ang profile ni Arkin sa Facebook?
Tumingin ako kay Nicole.
"I blocked him." Aniya. "Naiirita na talaga ako sa kabaliwan mo sa tarantadong iyon. You should be moving on, not obsessing. Pero anong ginagawa mo? Minu-minuto mong binibisita ang profile niya. It's not good anymore." Tumikhim siya. "Can't you really see? He's bad for you, Bles! Too bad for you!"
Kabisado ko na ang litanyang ito. Three weeks na kaming wala ni Arkin (take note, siya pa ang nakipagbreak sa akin dahil hindi ko raw siya maintindihan) at wala pa rin akong ibang ginagawa kung hindi ang iistalk siya sa lahat ng social networking sites na mayroon siya.
"Mother fucker! Siya na nga ang nangaliwa at nanloko, ikaw pa ang sinisi niya sa break up niyo? Tangina, maglaho na siya sa mundong ito!" Ito ang eksaktong mga salita ni Nicole noong nalaman niya kung ano ang nangyari sa huling pagkikita namin ni Arkin. I mean, huling pag-uusap.