𝐷𝑎𝑛𝑖𝑒𝑙𝑎 𝐼𝑛𝑔𝑟𝑖𝑑
***Payapang gabi. Poste ng ilaw na patay-sindi. Bintanang nakabukas. Kurtinang pinapalid ng hangin. Sa sahig nagkalat ang mga bote ng alak. Ang telebisyon, nakabukas ngunit wala namang nanonood. Ang radyo, nakabibingi ngunit walang nakikinig. Ang aking telepono, tadtad ng missed calls nila't mga mensaheng nag-aalala, nang-uusisa, ngunit pinili kong patayin muna at pagpahingain sa ibabaw ng mesa.
Ayoko munang kausapin ang kahit na sino, masyado pang sariwa sa'kin ang mga nangyari. Nasasaktan ako, ngunit ayoko ng karamay. Ayoko ng awa ng kahit na sino.
Mag-isa sa malaking kama, nakakubli sa anino ng dilim, yakap-yakap ang mga binti, pilit kong pinigil ang aking mga hibik.
Maraming beses, sinubukan kong pumikit, ngunit s'ya lamang ang aking nakikita. Ang imahe ng kanyang mukha, ngiti sa kanyang mga labi, at kinang sa kanyang mga mata—lahat ng ito nakikita ko, tila ilog na rumaragasa sa 'king diwa at nagpasisikip sa 'king dibdib. Mistulang minamaso ang aking puso, hindi ako sanay sa ganito, hindi ko kaya...
"Dani?"
Hilam ng luha ang mukha, nasisilaw mula sa biglaang pagsambulat ng liwanag sa'king silid, pupungas-pungas, pilit kong inaninag ang kanyang mukha. Nagtaka ako nang maamoy ko s'ya. It's been weeks since he's left, posible bang maamoy ko s'ya?
"Daniela!"
At bakit kaboses n'ya ang lalaking naglalakad palapit sa 'kin?
"Roy?" Kunot-noong tanong ko pag-upo n'ya sa harapan ko.
Hindi agad s'ya nagsalita. His palms were cold and sweaty when he cupped my face. Huminga ako nang malalim.
When my sight has finally adjusted from the light, namilog ang aking mga mata!
"I-it can't be," I stammered.
Di-makapaniwala, tinutop ko ang aking bibig. Pinilit kong magpakatatag sa kanyang harapan, ngunit kalauna'y malakas din akong napahagulgol. Ang aking mga luha, tumriple ang buhos sa'king mga mata. Walang mapagsidlan ng tuwa, niyakap ko s'ya nang mahigpit saka paulit-ulit kinintalan ng halik.
"You're real! You're back, for real!" My lips squirmed.
"Of course!" He said, chuckling.
My arms snaked around his neck, pulling him for an embrace and he hugged me back. Medyo napahigpit kaya na-out balance kami't bumagsak ako sa kanya. Nagkatitigan kami't nagkatawanan pagtapos.
"I missed you," sambit n'ya, "so much!"
Nakangisi, mahinang tinampal ko ang kanyang dibdib, "Gago ka!"
"Bakit naman?" Pagak n'yang tawa.
"Tinakot mo 'ko!" Pinandilatan ko s'ya. "Akala ko iiwan mo na talaga ako, na mawawala ka na talaga sa 'kin at--"
"Puwede ba yon?"
Sumungaw sa'king mga labi ang mapait na ngiti. Ang aking mga kamay, gumalaw pahaplos sa kanyang buhok. Paminsan, s'ya'y mapapipikit habang hinahagod ko ang tuktok ng kanyang ulo.
"I missed this," 'di n'ya napigilang ibulalas.
"Alam ko," kako sabay yuko upang dampihan ng halik ang tungki ng kanyang ilong, "I love you, Roy..."
BINABASA MO ANG
Pagsamo at Paghilom
Short StoryNo matter how I avoid the unpleasant, painful, and torturous. Or what I do to change what has been written. Or how I refuse to admit to the truth. I would still end up facing the reality-our reality and destiny.