Nothing's perfect kahit gaano pa kayo katagal na nagsama
Sa relasyon hindi naman basihan ang taon
Tiwala sa isa't-isa ang kailangan para magtagal kayo
"Truth hurts but Lies are worse"
Walang lihim na hindi nabubunyag kahit anong tago mo nito
Pero kahit gaano kayo katatag, kapag tadhana at panahon na mismo ang namamagitan sa inyo mahirap tuparin ang pangako niyo na hanggang wakas ay kayo parin
Sa pag-ibig parte na dito ang paglelet go sa isang tao kahit gaano kasakit
Mahirap ngunit dapat
Farr's POV:
I'm Kathryn Farr Allana .
23 yrs old , graduate ng Accountancy
I'm currently working sa isang sikat na bangko dito sa Pilipinas
Para sa akin perfect na ang lahat at wala na akong hihilingin pang iba
Kontento ako kung anong meron ako ngayon
My family, friends and my boyfriend Keith Rafael Muñez are always there to support my decisions
6 years ko na nang kilala si Kieth at 2 years pa lang kami
Pangako ko kasi sa parents ko at sa sarili ko na magboboyfriend lang ako pagkatapos ko sa kolehiyo
Magkaklase na kami ni Keith simula nang nagkolehiyo ako
We become friends then sooner we become bestfriends
Gusto ko na siya noong 3rd year college na kami kaso bestfriend lang ang turing niya sa akin kaya't tinago ko nalang sa sarili ko
Minsan kasi "may lalaking biniboyfriend at may lalaki ding binibestfriend"
Di ko inaasahan na may nararamdaman din siya sa akin at nagtapat siya noong 4th yr college na kami
Alam niya ang pangako ko sa sarili ko at sa parents ko kaya't naghintay siya hanggang makapagtapos kami
Ako na guro ang pinakamasayang babae sa buong mundo
He was my first boyfriend
I'm so lucky having him in my life
I almost know everything about him as well as he knows a lot about me
But that happiness was just temporary
Di ko inakala na mangyayari sa akin/amin ito
Pero I won't let this one para masira ang ano man ang pwedeng mangyari sa mga susunod na araw
Ginawa kong normal ang lahat para walang makapansin pero hindi nila alam na hindi na normal ang lahat para sa akin
Nag leave ako sa trabaho at nagbakasyon muna ng saglit ng mag-isa
Nag isip-isip muna ako doon
Sa mga panahon yun naisip ko na ayokong masaktan at mahirapan sila, lalong-lalo na si Keith dahil mahal na mahal ko siya
Kaya't kailangan kong gawin ang bagay na alam kong hindi ganun kadali
Madaling sabihin ang salitang maglet-go pero ang hirap-hirap gawin lalo na't mahal niyo ang isa't-isa at pareho niyong ayaw bumitaw pero sa kalagayan ko ngayon kailangan kasi tadhana na mismo ang kumakalaban sa amin
Kung nagtataka kayo kung bakit ako nagkakaganito may sakit kasi ako at may taning na ang buhay ko magulang ko lang ang nakakaalam tungkol dito , walang kaalam-alam si Keith sa sakit ko ayoko siyang mahirapan at masaktan