Prologue
Anubayan ang ingay. Sarap sarap ng tulog ko eh. Dinilat ko nalang yung mata ko pero wala namang ibang tao, ay meron pala isa si Mama na natutulog sa tabi ko.
Bumangon nalang ako WAIT!!!!! BAT NANDITO AKO SA OSPITAL?!!
Nagulat ako sa nakita ko. Hindi ko alam kung iiyak na ba ako o kung magiisip muna kung anong mangyayari.
Nakikita ko yung sarili ko na nakahiga sa kama. Anong nangyayari??
"Mama.. Mama.. Ma. Ma!!" kanina ko pa tinatawag si mama at nung hinawakan ko siya, di ko siya mahawakan.
"Anong nangyayari? Baka naman astral projection to."
Wow nagawa ko na, dati kasi pinapractice ko lang magastral projection pero di ko magawa at ngayon nagawa ko without effort hehe.. okay na babalik na ako.
Pero bakit di ako makabalik?
"Baka naman nananaginip lang ako. Matutulog ulit ako. Magigising din ako mamaya." bumalik ako sa paghiga sa katawan ko at pumikit. Mga sampung minuto dumilat ulit ako. Ayan na okay na. Bumangon ulit ako pero nakikita ko parin yung sarili ko sa kama at di parin ako naririnig ni mama.
"Anobayan. Baka naman bungungot to."
"Hindi to bangungot, hindi rin to panaginip at mas lalong di to astral projection."
Nagulat ako ng may nagsalita sa tabi ko. Napatakbo nalang ako palayo sakanya. Sino siya?
"Sino ka? Naririnig mo ko?? Baka naman si mama lang ang hindi nakakarinig sakin." pagkasabi ko niyan lumabas ako ng kwarto. Nakita kong may dumaan na nurse.
"Nurse nurse nurse nurse!!!!" Bat di niya ako marinig? " NURSEEEEEEE!!!!!!!!!!!!!" sumigaw na ako from the top of my lungs pero wala. Dedma.
May dumaan namang pasyente na nakawheel chair. "Ate.. Hello ate.. Wag mo ko isnobin."
"Hindi ka nga nila naririnig, nakikita at nararamdaman. Dahil ikaw ka nalang kaluluwa." nagulat ako sa sinabi niya pero...
"HAHAHAHAHAHAHAHA!!!! Oh come on. Tingin mo maniniwala ako sayo? Muntik na ako maniwala infairness.."
"Maniwala ka. Iba ka na. Hindi ka na katulad ng iba. Hindi ka na katulad ng dati. Hindi ka na buhay. Tingin mo bakit di ka nakikita ng mga iba? ako lang ang nakakakita sayo dahil isa akong anghel."
Natulala ako sa sinabi niya.. Anghel? Teka totoo ba yung mga sinasabi niya?
*******************
Hiiiiiii!! Ako'y nagbabalik sa mundo ng literatura joke! Gumana nanaman kasi imagination ko sa pagsusulat kaya eto Author mode nanaman ako. Comment naman kayo ng feedbacks niyo at mga masasabi niyo sa prologue ko oh, mas gusto ko comment kesa vote eh. Mas dama kasi ang comment alam mong may interaction. So ayun basahin niyo sana hanggang huli.
BINABASA MO ANG
One Last Wish
FantasySi Lilianne Cadence (Chorong), isang napakabait na babae na may mabuting pamilya at kaibigan. Masaya na ang buhay niya hanggang dumating ang katapusan niya. Nacomatose siya. Nakikita niya nalang ang sarili niyang nakahiga sa kama at makina nalang an...