Chapter 2 - First Past

29 2 0
                                    


First Past



"Oo.... pero may one last wish ako." 

 "Ano yun?" 

 "Ayoko munang umalis. Pwede bang dito muna ako sa mundong ito? Gusto ko muna makita kahit sandali yung mga kaibigan saka pamilya ko." napatango nalang siya sa sinabi ko. 

"Teka sino ka ba?" 

 "Ako si Alexander. Ako ang nakatakdang sunduin ka mula sa mundong ito papunta sa langit." 

"Alexander? hmmm... parang familiar. Ako nga pala si Lilianne Cadence Ciera-- ay! kilala mo na pala ata ako. Papunta talaga sa langit haaaaay~"


 May pumasok sa kwarto.. sila Papa at Laizelle 

 "Lilianne.." napatingin nalang ako sa nagsalita na si Alexander. "Aalis muna ako. Babalik din ako." tumango nalang ako. Bigla siyang naglaho. 

 "Ate tignan mo oh tapos na recognition namin may medal ako." tapos pinakita niya sa akin na nakahiga yung tatlo niyang medal. "Champion in math contest, Most worthy saka 5th honor lang. Sa 4th year tataas din honor ko. Kelan ka ba gigising ate?" 


 "Wag mong i-lang yung 5th honor saka sorry kasi hindi na ako makakabalik." 


 "Ma tara na. Uwi muna tayo." Inaya naman ni Papa si Mama para umuwi na sila kaya wala ng naiwan dito sa kwarto ko kundi ako na lamang. 


 Tinititigan ko nalang yung sarili ko na nakahiga habang naririnig ko lang ay yung life machine na dahilan kung bakit pa hindi tuluyan na bumibigay yung katawan ko . Hindi ba talaga pwedeng dito nalang ako at mabuhay muli? Hindi ko pa kasi kayang iwan silang lahat. Maya maya biglang may pumasok sa kwarto. 



Si Nicolas

Tumabi siya sa akin at hinawakan yung kamay ko. "Lilianne pwede bang gumising ka na? Pwede bang dito ka na lang at wag mo kaming iwan. Di ko kasi kayang mawala ka eh." hinalikan niya yung kamay ko at yumuko. Maya maya bigla nanamang may mga pumasok. 


Sila Axiel, Cleigh at Seneree

Agad namang napatayo si Nicolas at lumapit si Axiel sa akin na nakahiga. Gaya ng ginawa ni Nicolas, naupo siya, hinawakan niya rin yung kamay ko. "*sigh* Kelan ka ba gigising. Miss na miss na kita. Paggising mo papakainin kita kasi alam kong gutom na gutom ka na. Tagal mo ba naman natulog. I love you.."tumayo siya at hinalikan yung noo ko. 

 "Yiiiieee ang sweet naman talaga. Naalala ko nung nagdate kami ni Nemone yiiiee mas sweet pa siya." sabi ni Cleigh sabay tulak kay Seneree na nagcecellphone. Kinikilig ang bakla. Tama. Kami nga ni Axiel. 

 "Nicolas ano nga palang ginagawa mo rito magisa?" biglang tanong ni Seneree. 

 "Wala. Binisita ko lang si Lilianne." napatango naman sila. 

"Gabi na pala, sige uwi na ako hinahanap na ako sa bahay eh." sabi ni Nicolas at umalis na. Luh? Kakadating niya lang ah? Anong problema nun? 

One Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon