Una

2 0 0
                                    

"It's my first time in teaching gosh kinakabahan ako. Pero buti nalang talaga online class pupwede ko lang i-off yung cam ng laptop. Hays lord, bat ko ba kasi pinasok to."
"Sus. Kaya mo yan callus, kaw pa ba eh antalino mo kaya. Muntik kana ngang mag cum laude sa batch natin diba.? Tsaka ano basic lang yan sayo. Sanay ka namang makipag usap sa ibang tao eh kaw nga attorney natin sa klase noon. Kaharap lagi si Dean HAHAHAHA." Sabi ni Elaine
"Kuw! Noon lang iyon no! Studyante pa tayo nun ngayon iba na. Magtuturo na tayo. Ano itururo ko sa kanila? Mag-inom? Mag sigarilyo? Magbulakbol? Bat naman kasi ako pa inaya mo mag trabaho dito. Pahamak ka talaga eh. Hays."
"Kasi nga kailangan kita. Kailangan ko ang utak mo. Ikaw lang din ang alam kong walang problema kausap yung mga kaklase natin puro ma pride eh." Dagdag pa ni Elaine
"Si Randie pala? Eh mas close mo yun kesa sakin. Bat ako pa?"
"Andami mo namang hanash sa buhay. Ikaw na andito pandigan nalang. Don't worry alalayan naman kita tsaka sauna lang yan mahirap, sasunod masanay kana din". Sabay alis ng gaga.

Kahit kailan talaga napakapahamak nila sa buhay ko. Kasalanan ko din naman bat pa ko nag apply dito hays. Sige nalang, for experience. Pandagdag sa book of life experience ko. Buti nalang din maya pa magsimula ang unang klase ko may time pa akong mag-isip kung pano ako mag iintro sa kanila. Nakakakaba din kasi may educ akong hahawakan balita ko pa naman kay Elaine masyadong high standards at critique daw yun sila. Masubukan nga ang mga utak tingnan ko kung kakayanin nila kabaliwan ko. For now, hihingi pala muna ako ng softcopy nong class records para madali nalang mag input ng mga grado nila.

"Ahh ma'am cheb, may softcopy ka po ba nong class record po? Hihingi sana ako hehe." Ako sabay kamot sa ulo. Medjo ilang pa kasi ako sa mga kasama ko eh.
"Ahh oo. Pahingi ng email mo callus sisend ko sayo dun then download mo nalang." Sagot nya.
"Tsaka pwede paturo din po ako nong sa gclass? Di ko kasi gamay eh. First time ko talaga hehe." Oh diba, medjo makapal na mukha ko haha.
"Oh. Madali lang yun. Una punta ka sa google then click mo yung sa may gilid yung sa may account banda then hanapin mo ang gclass dun then click mo lang. Copy mo yung link at send mo sa mga students mo para makapasok sila." Sabi nya.
"Ahh okay. Medjo madali lang pala." Sagot ko pero honestly di ko naintindihan sinabi nya HAHAHA
"Oo. Jan kasi tayo magpo-post ng mga activities, assignments and quizzes na iiwan natin sa kanila." Dagdag nya pa.
"Ohh. Sige ma'am noted. Salamat po." Sabay ngiti para syempre baka sabihing ampangit ng ugali ko HAHAHA. Okay google here I come.

Inubos ko mga vacant time ko sa pag explore sa google. Doon ko din nalaman na may gform pala at ginagamit yun para sa quizzes at exams. Pero ang hirap naman jusko kapagod mag sige type doon. Ay naapo. Maling-mali talaga pinasukan kong trabaho lord. Bigyan mo ko ng lakas HUHUHUHU.

-
Saktong pagtunog ng bell para sa simula ng first class sa umaga tapos na din ako sa kakakulikot kay pareng gigolo. Chineck ko subject schedule ko kung ano una kung papasukan ngayon and good thing kasi sa mga crim. So ayun nag send na ako ng link para makapagsimula na kami. After sending  habang nag-aantay na papasok sila syempre sinubukan kong mag open ng camera ng laptop. First meeting naman so okay lang, introduction pa naman. Papakilala pa ako sa kanila eme. Syempre nagchat ako sa group chat namin na mag open cam sila para naman makita ko mga pagmumukha nila.
"Good morning. Hi! I am Callus Osmeña Mean, femal, 25 and single." Intro ko. Kitang-kita sa mga pagmumukha nila ang pagtataka kung bakit ako naging babae eh ang physical features ko is masculine. Maiksi din buhok ko. Kumbaga boycut ako HAHAHA.
"Okay, if you're wondering why maiksi buhok ko, fyi everyone I am a graduate of criminology and a registered criminologists. I passed my licensure examination last January 2019. So right after my graduation I took my examination months after it. So lucky I got it on first try." Dagdag ko pa. Lahat sila napa-wow sa sinabi ko. Syempre ako na pinanganak na hambog naka smirk. Then one student ask a question.
"Ahh excuse me po." Sabi nya
"Yes babyboy?" Sagot ko hahaha
"Ano po itatawag namin sa inyu po? Ma'am or sir?" Tanong nya
"You can call me anything you like basta wag lang ang love, honey, baby, babe, sweetheart or darling. Delikado buhay ko eh." Sagot ko sabay tawa.
"Pwede nyo akong tawaging pri, buddy, borgs, repa, o kahit ano basta nasa labas tayo. Tandaan nyo, kahit gaano pa tayo ka close dapat andun parin ang salitang respeto. Lalong-lalo na pag nasa loob tayo ng klase." Dagdag ko pa.

Pagkatapos ng medjo mahabang introduction dahil sa kadami nilang tanong nagsimula na akong magklase. Binigyan ko sila ng brief introduction sa subject namin. At napag-alaman ko na ako pala ang ikalawa nilang subject ngayong umaga. 8-9 klase namin so ibig sabihin unang subject nila ay 7am nagsimula. Grabe ang aga naman. Good luck nalang talaga dun sa prof nila.
After kung magbigay ng mga kunting information patungkol sa kanilang subject nag iwan agad ako ng mga aralin para meron silang pag-aaralan at makakasagot sila sa susunod naming pagkikita. Hindi naman ako masyadong pa pressure mga medjo lang. Ako lang naman ang major subject nila kaya good luck talaga HAHAHAHA.

-
Pagkatapos ko dun sa unang section sa umaga meron akong breaktime so emel ang ferson. Pagkatunong ng ikatlong bell simula na naman ako sa next subject ko which is ang Rizal. Jusko ko lord tinulugan ko tong subject na to nong araw pano na to. Bala na nga lang si batman lord. HUHUHUHU
Buti nalang talaga na dahil mababait ang mga studyante ko sa Rizal. Antahimik nila sobraaaa. Walang nagsasalita. Daig ko pa ngang walang kausap eh. Hays
"Okay, any questions?" Tanong ko.
"Ahh ma'am, ano po itatawag namin sayo po?" Tanong nong isa
"Kahit ano class kayo bahala basta huwag lang talaga yung mga endearment ha kaloka baka mapatay ako". Sabay tawa
" Nga pala first time kong magturo sana makisama kayo sa akin. Di ako kasing galing nong mga nauna nyong teacher pero promise gagawin ko lahat maturuan lang kayo ng maayos. So bare with me." Dagdag ko pa.
Sabay-sabay naman silang sumagot ng "opo". Buti nalang talaga mukhang mabait tong ikalawang section na nahawakan ko. Mababait pala ang mga Financial management students. For that matter goods na sila sakin.
Nagpatuloy yung kunting introduction namin and gaya nong nauna nag bigay din ako ng brief information regarding sa topic anmin at nag iwan ng takdang aralin para may pag-aaralan sila at may maisagot sa sunod naming pagkikita.

Nagpatuloy ang klase sa hapon na iyun. Pagkatapos nong sa fm meron ulit akong isang criminology pero this time hindi na major kundi minor. At minamalas ka nga naman oh Political Science pa talaga na kasama ito sa Rizal na tinulugan ko noong araw HUHUHUHU jusko ka naman lord. Ang joker mo po talaga. Buti nalang din talaga medjo mababait "pa" yung mga crim. Pagkatapos din ng pakilala nag iwan din ako ng mga aralin sa kanila para meron silang pag-aaralan. Dahil sa susunod naming pagkikita may oral agad ako para sa kanila HAHAHAHA

-
LUMIPAS ang hapon na ganun lang din ginagawa ko hanggang sa naka ikalawang huling section na ako. At ito na nga sa mga high standard na ako (Educ students). Wala namang bago ganun parin ginawa ko pakilala dito pakilala doon. And as expected masyadong mataas nga ang expectations nila sa akin kaya sinagot ko din.
"Class don't expect too much from me, okay? I'm not used to this. First time ko magturo pero gagawin ko parin ang lahat para maintindihan nyo ang mga lessons natin. If may tanong kayo go lang. Sasagutin natin hanggat kaya ng powers ko. And if may gusto kayong idagdag go lang din. I'm open to any corrections naman. Kasi dapat sa klase natin hindi lang kayo ang may matutunan. Dapat ako din. Give and take lang tayo, okay ba?" Sabi ko.
"Yes sir." Sagot nila.
"Goods. For that matter, sino pwede kong gawing sexytary sa inyu?" Tanong ko ulit.
"Si Ivan po sir." Sabi nong isa.
"Uy bat ako? Ako na dun sa isa ah si Stella nalang. Total sya din naman halos sa lahat eh." Sabi nong Ivan.
"Huuuuyyy! Ayoko ko uy. Kayo na naman. Ako nalang lahat." Sagot nito. At shit lord ang ganda ng boses nya huhuhu. Pero syempre kalma self. Teacher ka tandaan ko yan.
"Okay. Quiet na. For that matter si Ms. Sandoval na ang sexytary ko." Sabi ko. Para-paraan din HAHAHA.
"Ay sir nge!" Sagot nya.
"May reklamo ka ba Miss Sandoval?" Syempre matapang moment tayo dito.
"Wala po." Mahina nyang sagot.
"Goods. Mabuti ng nagkakaintindihan tayo." Sabi ko. Shit ang tapang ko hahaha.
"Send me the list of your attendance todays Ms. Sandoval. I-pm mo nalang sa messenger ko. Kuha?" Dagdag ko pa.
"Yes sir." Sagot nya.
After that little intro I ended our class. Syempre first meeting pa lang naman so tinapos ko ng maaga para makapag ready na din ako sa last section ko.

NAGHINTAY ako ng isa pang oras para sa huling subject ko ngayong araw. Inubos ko ang oras ko kakascroll sa tiktok at Facebook kasi kapagod na din mag emel. Tsaka hindi din nangulit yung mga kaibigan ko tsaka ex ko. Busy ata dun sa jowa nyang selos na selos sakin HAHAHAHA. At busy din sa pag-aaral yung isa ko pang kaibigan na may gusto sakin. Magtatapos na din kasi sya next year kaya hinayaan ko nalang sila. And ilang minuto ang dumaan dumating na ang huling subject ko. Gaya nong mga nauna nagpakilala lang ako at nag iwan ng ilang mga aralin para may pag-aaralan sila.
Thank you lord naka survive din ako sa first day. Pero andun pa din yung kaba ko baka magkamali ako hays. Pero laban lang parin. Let's call it a day. Maka uwi na din sa wakas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 20, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

No es una historia de amorWhere stories live. Discover now