Enrollment Day

17 1 0
                                    

Lumipas ang maraming araw, hindi na nakita ni Jaden ang babaeng iyon, hindi nga niya alam kung saan nag-aaral at hindi niya din alam kung paano niya ibabalik ang panyo. 

Malapit na naman ang pasukan, enrollment ng mga freshman sa Saint Mary's University. Sa ibang Unibersidad na mamasukan si Jaden sa Manila, kolehiyo na siya at ang kanyang kurso ay Architecture, pero napilitan itong mag transfer nalang sa Saint Mary's University dahil sa nahihirapan mag commute at pag umuulan palaging mayroong baha.

Kahapon lumipat na si Jaden sa apartment nilang magpipinsan, inayos na rin niya ang kanyang bed, study table, drawing table, tools, at ang computer desk with computer, kumuha lang siya ng konting mga damit pang isang week at uniporme dahil uuwi naman ito every weekend, dinala din niya ang kanyang isang gitara at laptop kung saan siya nag mimix ng mga music at nag rerecord ng kanyang mga cover na kanta. Hindi na ito nagdala ng plantsa at bola ng basketball dahil may dala ng plantsa at bola ng basketball ang pinsan niya.

Ngayon.....

Kasama ni Jaden ang kuya niya para mag pa-enroll sa Saint Mary's University, pagkatapos mag pa-enroll, nilibot siya ng kuya niya sa lahat ng mga buildings para alam ni Jaden kung san siya pupunta.

Biglang tumunog ang cellphone ng kuya niya......mayroong nagtext.....

(Where are you bro? 1 Game tayo dito na kami computer shop)

"Ding, okay lang ba iwan na kita dito alam mo naman na umuwi papuntang apartment diba? At kung nagugutom ka naman tinuro ko na sayo ang mga cafeteria dito sa school." Sabi ng kuya ni Jaden.

"Opo kuya, salamat po." Sabi ni Jaden.

"Sige iwan na kita dito, magkita nalang tayo sa apartment mamaya." Sabi ng kuya ni Jaden.

"Sige kuya, ingat po." Sabi ni Jaden.

At tumakbo na paalis ang kuya niya.

Nag tambay muna si Jaden sa Patio, A Building harap ng accounting office, umupo siya roon at pinagmamasdan ang oval o field.

Biglaan namang nag-sidatingan ang mga soccer players para maglaro.

"Ayos may mapapanood na ako habang hinihintay kong lumipas ang oras." Sabi ni Jaden habang tinignan ang relo niya.

Habang nanonood siya ng soccer mayroong player na mag "free goal kick" dahil sa isang violation ng isang player.

Nakatitig lang si Jaden sa player na sisipa ng bola ng biglang may naglakad na babaeng naka eyeglasses sa may daan at na harangan ang player na sisipa ng bola, tumakbo na ang player para sipain ang bola hindi na nakita ito ni Jaden dahil napatitig na siya sa babaeng naka eyeglasses na  naglalakad, napansin niya kasi itong umiiyak, then biglang bumalik sa mga soccer players ang attention niya noong nagsigawan na sila ng "goal" then bumalik ulit sa babae.

Umupo yung babae sa sementong bench malapit sa oval o field, at tuloy parin ang pag iyak nito... Uuwi na sana si Jaden kaso...

"Hindi ako uuwi hanggat hindi ko siya napapatahan." Yan ang nasa isipan ni Jaden na sinasabi niya sa sarili niya "Pero pano ko gagawin, eh, ang duwag ko sa mga ganitong bagay." Dagdag pa niya, ayaw niya kasi na may nakikita siya na babaeng umiiyak.

"Bahala na!" Sabi ni Jaden habang papalapit siya sa babae.

"Wait, she looks familiar.....................ah! oo sakanya yung panyong kulay red, buti nalang na dala ko ngayun maibabalik ko na, perfect timing mukhang kailangan na kailangan niya." Sabi ni Jaden nung nakita niya ang side ng mukha ng babae.

"Ms.?" Sabay abot ang kulay red na panyo.

Kinuha naman ng babae at sabay sabing "thank you."  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Synchronicity FeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon