" ate gusto ko po ng design teddy bear dito sa may hot chocolate ko"- super cute,little kid
"sige masusunod po maam" -Llana
Nagtratrabaho kasi ako ngayon sa isang coffee shop sa isang hotel,summer job ko to ngayon.Di lang ako waitress dito kundi coffee artist din yung naglalagay ng mga designs sa coffee at favorite kong customer ang mga bata.
Three weeks na ako dito sa trabaho ko pero may napansin akong isang guy sa labas.Uhhhmmmm sa tingin palang medyo malungkot siya.
Pero teka parang kilala ko toh ahh......Ba naman nakashades kaya hindi ko tuloy nakilala agad.So nilapitan ko siya to get his order.
Habang papalapit ako sa kanya unti-unti ko nang nakikilala kung sino siya....Ooooppppss!!!it's Raven. Pero anong ginagawa niya dito? Pero sa bagay pang mayaman naman itong coffee shop na ito ehh. Ba't nga ba ako nagtataka.Kinakabahan ako ngayon habang nilalapitan ko siya. Mukha kasing masama yung aura niya ngayon. Nakabusangot yung mukha niya ehh.
" excuse me sir, anong pong order nila? "
BINABASA MO ANG
The Last Words
Romance"Everybody is going to hurt you; you just gotta find the ones worth suffering for." [WARNING: the story contains violence and erotic scenes]