Love at First Dance~ [HyoHyuk]

848 15 3
                                    

Hi, it’s me Shakira Fuentes..or maybe let’s say after few more hours, I will be Mrs. Shakira Fuentes-Lee. Right! Today is my wedding day. Nasa bridal car pa lang ako on the way to the church. Hindi ko maiwasang isipin ang mga pangyayari noong nakaraan.. ang bagay na pinagmulan ng lahat..ang simula ng pag-iibigan naming at ang dahilan ng kasalang ito.

******************Flash Back******************

-Shakira’s POV-

3rd year college na ako nung nagtransfer ako sa Maynila,dun sa University or the Holy Rosary- U.H.R. for short. Tubong Laguna kami at ayoko sanang lumipat ng school pero para sa pangarap ko, napilitan akong lisanin ang probinsya at makipagsapalaran sa lungsod. Ayoko din naming sayangin ang scholarship na napanalunan ko sa dance contest noong nakaraang bakasyon.

Unang araw ko sa school, syempre wala pa akong kilala at wala pang kumakausap sakin noon pero di nagtagal, may naging mga kaibigan din ako. Habang kumakain ako mag-isa sa canteen,may lumapit sa aking dalawang babae.

“Hi, ikaw yung bagong lipat na student diba?” , tanong sakin ng isang maganda at matangkad na babae. Base sa kanyang aura, mukang mas matanda siya kaysa sa kasama nito.

“Oo ako nga.”

“Wow! Sabi nila magaling ka daw sumayaw! Sample muna.”  , sabat naman ng kasama niya na parang mas bata sa kanya kung titingnan. Maganda din sya, matangkad at medyo mas maputi sa kanya ng konti.

“Uy ano ka ba Chloe, ‘di pa nga nya tayo kilala tsaka ‘di pa din natin sya ganun kakilala. Mahiya ka naman kahit konti! “ , saway ng babae dito.

So Chloe pala ung pangalan nung isa?  Nice name! Bagay sa kanya.

“By the way, ako nga pala si Kirsten , 3rd year college na din and I guess we’re in the same class kasi nakita kita sa room but nahihiya akong i-approach ka kanina. Tapos itong kasama ko si Chloe. We’re cousins and she’s a year younger than me.”

“I see, ako naman si Shakira Fuentes. Galing akong Laguna. Medyo ‘di pa ako ganun kapamilyar sa pamumuhay dito sa lungsod kaya nahihiya pa rin ako.” , pagpapakilala ko naman.

“Oh wag ka ng mahiya. Sumama ka na lang sa’min kung gusto mo.” , sabi sakin ni Chloe.

“Yes she’s right pero careful na din Shakira, baka mapasobra naman ang pagka walang hiya mo kapag dyan ka kay Chloe bumarkada.” , biro ni Kirsten dito kaya naman nagtawanan kaming tatlo.

“Ay maiba ako, diba magaling ka namang sumayaw?   Members kami ng dance troup and we’re inviting you to join us. Gusto mo?”  , tanong sakin ni Kirsten.

“Sige ba! Salamat girls.” , nakangiti kong sagot sa kanya.

Simula nun, kasama ko na silang dalawa. Buti na nga lang at kaklase ko si Kirsten  samantalang kalapit lang ng room namin ung classroom nila Chloe.

Friday na, ito ang araw ng botohan para sa officers ng dance troup. Since wala pa ako ganun kakilala, ginaya ko na lang sila Chloe at Kirsten kung sino ang iboboto nila. Ibang klase ang botohang naganap dito kumpara sa ibang mga clubs kasi ang inuuna nila ay ung pinakamababang officership muna at huli ay ang president. Nang vice president na ang pagbobotohan, bigla nila akong ninominate. O___O

“I respectfully nominate Shakira Fuentes as vice president.” , sigaw ni Chloe.

“Sir! I move that the nomination be closed!” , sabat naman agad ni Kirsten habang sinesenyasan ang iba na sumang-ayon. Para wala ng tumutol, agad sumigaw si Chloe para pangunahan ung iba. “I second emotion!”

Love at First Dance~ [HyoHyuk]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon