Simula

29 2 1
                                    


Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ng isang munting bata habang matamang pinagmamasdan ang mga farava o mga maliliit na taong may patulis na hugis na mga tenga at kumikintab na mga pakpak na iba iba ang kulay. Dahan dahang dumapo sa kamay niya ang isang farava na may kulay pilak na pakpak at nginitian pa siya nito.

"Anak, halika na at ihahatid na natin ang ibinebenta kong gulay kay Mang Tarding." Lumipad paalis ang farava pabalik sa mga kalahi nito nang umalis na ang mag ina.

Isa lang itong normal na araw para sa mga mamamayan ng maharlikan. Ang Maharlika ay ang pinaka makapangyarihan at malaking kaharian sa mundo ng Celestoria habang pumapangalawa naman ang Astaloria, at ang mga sumunod na kaharian ay ang Arcanumia, Seraphia, Etherion, Chronosia, Zerithia, Pyroclasia, Avalonia, at Luminesca. Habang ang kaharian naman ng Verdantis ay hindi nakikisalamuha sa ibang kaharian dahil naniniwala sila na iba ang batas ng mga taga lupa sa mga taga ilalim ng dagat.


Samantala sa malaking mansiyon ng mga Celestes Guardians..

"Huwaaaaaah! Kuya kita mo ba ang pag lapastangan sa akin ni bunso?! Hindi ko na siya kilala!" naglulupasay na iyak ni Theus nang walang luha. Sapo sapo nito ang noo na namumula sa pagkakabato ni Theo sa kanya ng pakwan.

Kunot noo naman siyang binalingan ng tingin ni Thaddeus habang hawak hawak ang magazine na puno ng malalaswang larawan ng mga babae. Oo di halata na panganay siya dahil sa angkin niyang kamanyakan. "At saan naman galing yang pakwan na iyan?"

Bumingisngis lamang si Theo sa pagsusumbong ng kapatid niyang si Theus sa kanilang kuya sapagkat alam niyang di naman iintindihin ito ng kuya marahil ay nakatuon ang attensiyon nito sa mga hubad na larawan ng mga babae. "Hiningi ko yan kuya sa kusina ni Kuya Chase hehe." ngumunguyang salita pa nito.

"Ninakaw mo talaga iyan bunso."

"Shh ang ingay mo naman Kuya Theus mamaya marinig ni Kuya Chase lagot na naman ako."

Biglang marahas na bumukas ang pintuan ng kwarto ng triplets. "THEO ASAN NA ANG PAKWAN KO?"

Nanlalaking mata na napatingin si Theo sa nagaalburutong si Chase. "Nasa tiyan ko?" inosente nitong sabi habang nakangiting hinihimas ang umbok nitong tiyan.

Wala pang isang segundo bumulusok na papunta sa magkakapatid ang mainit na buga ng apoy ni Chase.

"Walanghiya ka bunso pati kami nadamay sa katakawan mo!"

"YUNG MGA MAGAZINE KO! huhu.."

Naghabulan ang apat na binata sa malaking espasyo ng kwartong iyon. Kabilang sila sa mga tinaguriang guardians ng Celeste beings o mga mamamayan na may kakayahang gumamit ng iba't ibang kapangyarihan. Sila ang mga matataas na uri ng celestes at maihahalintulad ang kanilang kapangyarihan sa kalahati ng kapangyarihan ng mga diyos at dyosa.

Marahas na tinanggal ni Luna ang pangtakip niya sa kaniyang mata. "Arghh ang mga pasaway na iyon makakatikim na naman sila sakin!" gigil na sabi nito sapagkat nasira na naman sa pangalawang beses ang kaniyang payapang pamamahinga.

"ISA DALAWA TATLO!!!"

Napatigil ang apat sa maingay na paghahabulan.

 "Uh lagot kayo mga kuya nagalit na naman ang dragon." kunot noong napatingin kay Theo ang tatlo.

"Sino bang nagnakaw ng pakwan ko?" nakataas kilay na tanong ni Chase.

"Hiningi ko iyon Kuya Chase." pangangatwiran pa nito.

"Nagpaalam ka ba sakin?"

"Ehh mabait ka naman na kaya di na kailangan niyon."

Sabay sabay na napahilamos sa mukha ang tatlo. Kasabay niyon ay ang malakas na pagbukas ng pinto at pagbungad ng namumula sa galit na mukha ni Luna.

"NAGBILANG AKO DIBA BAKIT NASA HARAPAN KO PA DIN KAYO?"

"Kasi nandito kami." nakangiting sagot naman ni Theus.

Lalong nanlisik ang mata ni Luna at walang atubuling nagpaulan ito sa mga binata ng mainit na buga ng tubig galing sa kamay nito. Lalo silang nagkagulo sa kwartong iyon. Malakas na napabuntong hininga si Avalina habang nakahiga sa sofa at nanonood ng My Demon episode 9 sa malaking tv ng kanilang salas.

"Kelan kaya ako tahimik na makakapanood ng kdrama ko?"

Malakas naman na tumatawa sila Esmere, Dwayne, at Galahad. Masaya silang nagkakatuwaan sa paglalaro ng mga baraha habang nakaupo sila sa gitna ng carpet ng salas. Tila wala silang naririnig sa kaguluhan sa kabilang kwarto.

"Aha! Sinasabi ko na nga ba ako na naman ang mananalo bwahaha akin na mga tinaya niyong runes." nakangising sabi ni Galahad habang nakalahad ang kamay sa dalawa. Malaki na ang nakukuha niyang pera sa mga ito dahil isa siyang dakilang magaling.

Nakabusangot na nilabas ng dalawa ang kanilang pera.

"Akala mo naman madali kumita ng runes ano?"

"Dahil malaki na ang iniscam mo sa amin, manlilibre ka sa Griffins mamaya Galahad."

Tinawanan lang sila ni Galahad. "Hays ang hirap talaga maging dakilang magaling tapos gwapo pa. Oo na! Hindi niyo na kailangan pang ipamukha sa akin."

Nandidiring napairap si Esmere sa sinabi nito habang walang expression ang mukhang napatayo at talikod si Dwayne paalis. Halata din ditong nandidiri ito sa narinig.

At sa kalagitnaan ng kaniya kaniyang mundo ng mga guardians, sa tahimik na silid ng kanilang tumatayong leader ay payapang natutulog si Sage. Kahit anong ingay mga mga kasama niya sa bahay ay hindi nadidisturba ang kaniyang pamamahinga. Ngunit sa di malamang dahilan biglang bumukas ang nakapikit niyang mga mata habang may matingkad na liwanag ang lumalabas mula rito.

Ang lahat ng guardians ay napatigil sa kanilang mga ginagawa sa naramdaman nilang presensiya mula sa kanilang leader na si Sage. Madali silang lahat na nagtakbuhan patungo sa ikalawang palapag ng kanilang mansiyon papunta sa kwarto ni Sage.

Napabangon bigla si Sage nang mawala na ang pangitain na kaniyang nakita kani-kanina lamang. "Bumalik na siya. At kailangan na nating kumilos para hanapin siya."

Hindi na halos makahinga ang mga guardians sa narinig at naging seryoso at malamig ang kanilang mga aura at presensiya. Sapagkat ang dahilan kaya sila binuo na mga guardians ay dumating na. Ang makapangyarihan at mahalagang nilalang na pinag alayan nila ng kanilang buhay upang protektahan.

"Maghanda kayo bukas ng madaling araw ay magsisimula na ang ating paglalakbay upang hanapin ang kamahalan." seryosong anunsiyo ni Sage sa iba pa.

Tandang tanda niya ang itim na itim nitong mahabang buhok, kayumanggi kulay ng balat na higit na bumagay sa hugis puso nitong mukha, tumitingkad na singkit nitong hazel eyes na mga mata, maliit na matangos na ilong, at namumulang manipis nitong labi. Si Soteria ang Dyosa ng kaligtasan at kapayapaan, ang pinaka makapangyarihang nilalang na mas malakas pa kaysa sa iba pang mga diyos. Nagbabalik na siya matapos ang isang libong taon ng pagkakawala.


THE REINCARNATION OF SOTERIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon