LMBTO - 19

1.4K 21 1
                                    

                                       19: Missing Her, Forgetting Him.

DJ:

4am palang. Napabangon agad ako. Biglang sumakit yung ulo ko.

Ano ba meron ngayon?

Oh sht.

Oo nga pala, anniversary dapat namin.

Binagsak ko ulit yung katawan ko sa kama tapos pinilit pumikit ulit. Pero di pa rin ako makatulog.

Nagf’flashback yung mga memories sa utak ko.

Yung mga ngiti nya. Yung mga ngiti namin.

Yung mga tawa nya sa corny kong jokes.

Yung mga pagtatampo nya sa’kin kapag di ko sya pinapayagang magmall mag-isa.

Yung mga mood swings nya.

Yung pangbubully nya minsan sa’kin..

Lahat yun. Nakakamiss.

Lalo na sya. Lalo na si Chandria Bernardo...

“Jerk!” Sigaw ko sabay talukbong ng kumot ko.

Di ko akalaing masasaktan ko si Chandria. She’s so fragile, yet I still broke her heart.

I hate myself. I hate myself for hurting her. She doesn’t deserve that.

Yung dapat ngayon, nagpaplano at nag-aayos ako ng pangsusurprise mamaya para sa kanya. Pero ngayon, wala na yung isusurprise ko at wala nang dahilan para mangsurprise..

Di ko namalayang may luha na pala sa mata ko. Ahhh! Ayoko sabing naiiyak eh.

Iiyak man ako si Chandria lang ang dahilan...

Miss na miss na kita Chendeng ko.. Kahit alam kong hindi mo na ulit ako kilala ngayon..

***

*tok tok tok*

*tok tok tok*

Ano ba! Panira ng tulog. Buset.

*tok tok tok*

Anak ng. Balak ba netong gibain yung pintuan ko?

*tok tok tok*

Asar kong binuksan yung mata ko at binato ng unan yung pintuan. Istorbo masyado eh!

“Pumasok ka na nga!!!” Irita kong sabi.

“Tsk. Mga lalaki talaga, ayaw paistorbo kapag natutulog.” Abay sino ba namang hindi maasar sa pambubulabog sa magandang tulog ha?

“Magui.. Bakit ba?”  Tinakpan ko ng unan yung mukha ko.

“Kuya, she’s here.”

“Chandria?” Wala sa katinuan kong sabi.

“Duh. Ulyanin ka na ba? Sus. Sino ba yung pinili mo sa kanilang dalawa? Malamang yung pinili mo ang dadating.” Inirapan nya pa ako sabay alis na ng kwarto ko.

Sino ba yung pinili mo sa kanilang dalawa? Malamang yung pinili mo ang dadating.

Sino ba yung pinili mo sa kanilang dalawa? Malamang yung pinili mo ang dadating.

Sino ba yung pinili mo sa kanilang dalawa? Malamang yung pinili mo ang dadating.

Paulit-ulit na nagpeplay sa utak ko. Shet tagos kasi sa puso mga pinagsasabi ng kapatid ko eh. Halata namang ayaw nya rin kay Zee.

Let Me Be The One. ( YSTO Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon