Unus

31 8 2
                                    

Isa akong freelance photographer. Nagsimula akong kumuha ng litrato 10 years ago at pagkalipas ng limang taon ay naging professional na ako.


Madalas kong trabaho ay product photography at libangan ko naman ang street at landscape. I don't usually take pictures of people, if I do, I make sure that their faces are not seen on any of my shots.


Bakit? Awkward akong tao lalo na sa mga bagog kilala. I don't know how to interact with people and I'm not a good conversationalist. Mabilis maubos ang energy pag nakikipagsocialize ako sa iba. 


Boring? Sure but I like it. Kontento ako sa ganitong buhay.


Mga bandang alas singko ng hapon nang mapadaan ako sa isang park. Maraming tao ang nagkalat dahil paparating na sunset. Tumigil ako saglit para kuhanin ang camera sa aking bag. Kumuha ako ng ilang shots at sinuri ang mga ito.


Pagkatapos ay binalik ko na ito. Handa sana akong umalis nang mapansin akong bata na may hawak polariod camera. Kumuha siya ng litrato at lumabas ang print nito.


Nacurious ako kaya naman lumapit ako kung nasaan siya. Hindi niya napansin ang presensya ko kaya natingnan ko ang litrato na kinuha niya. Ito ay litrato ng isang bulaklak at tinatamaan ng liwanag ng papalubog na araw.

 Ito ay litrato ng isang bulaklak at tinatamaan ng liwanag ng papalubog na araw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"That's a nice photo you got there," hindi ko na pigilan na masabi sa bata.


Nagulat ito at medyo napaatras mula sa akin. Lumingon siya sa akin at pasimpleng itinago sa likod niya ang litrato.


Nakita ko ang takot sa mata niya at nakaramdam ako ng hiya, "I'm sorry, I didn't mean to startle you." hingi ko ng paumanhin at nanatili ako sa pwesto ko. "I saw your photo and I thought it looked good," dagdag ko pa.


Tiningnan niya ang litrato pero nanatili siyang tahimik, nang bumalik ang atensyon niya sa akin ay nagsalita na siya, "Mom said not to talk to strangers." sabi nito at itinago muli ang kanyang hawak na litrato.


Sa tingin ko ay nasa pito o walong taong gulang na ang bata, "Yes, your mom is correct. However, I would like to give you something. It's inside my bag, gimme a sec," mabilis kong kinuha ang flyer sa loob ng bag ko.


Iniabot ko ito sa kanya pero tinitigan lang niya ito.


Inilapag ko ito at nilagyan ng bato para hindi liparin, "I volunteer in a photography workshop every summer. They teach kids and adults everything you need to know about taking photos. If you want to learn more, you're welcome to visit us. There's a number at  the bottom of the flyer, you can give it to your mom and she can call us."

Ad Lunam Et AstraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon