Chapter 5: The Beginning

12 3 0
                                    

Shaira'S POV:


       KANINA pa ako nakatingin sa kapeng hInahalu-halo ko na hindi pa nababawasan. Okay naman na si Yeli, sabi ng doctor ay konting alalay lang at babalik din ang kanyang memory. Ang dami kong iniisip at ite-take consider sa nangyari. Tama ba ang sagot ko sa Papa niya na kami? Saka bakit ako? Hindi ba't si Linsey ang gustung-gusto niya?

      "Girl, sorry late," bati ni Hailee. Kailangan ko ng powers sa pag-iisip kaya dito ko na lang siya inaya sa Starbucks. Sa sulok ko napiling maupo kasama ng mga nakalap-top na customers.

      "Okay lang, ano order mo?"
      "Naka-order na ako no worries," sagot niya sabay upo sa tapat ko. Nakita ko ang mga review papers na pinatong niya sa tabing upuan.
      "So ano? Buo na ba desisyon mo?"
      "Ano ba dapat, Bes?"
      "Haaay, kung ako ang tatanugin mo? Mali na di mo tinanggihan ang Papa ni Loraile. Lalo lang lalala ang sitwasyon. Pangalawa, worth ba 'yan Shai? I-gigive-up mo ang exam kung saan malapit na?"
      "Nagkasubuan na eh."
      "Nagkasubuan na o dahil iniisip mong ito na 'yung pagkakataon mo para matupad ang pangarap mong maging kayo?"
      "Hindi naman masamang matupad ang pangarap."
       "Hindi masama oo pero iba ang pagiging tanga. Ah wait, tanga o masokista? Sasaktan mo lang sarili mo. Ni wala kang pagkapanalo eh. Una, hindi ka na mag eexam para? Para bantayan at alagaan siya?"
      "Sa poder ko nangyari Hai."
      "But it was an accident, my gosh! Hindi naman 'yan ang unang pagkakataon na nadulas o nadapa si Loraile. Second, gugugulin mo oras at lakas mo para sa recovery niya while playing her girlfriend? Then what?Etsa-puwera ka na naman pag narealize niyang si Linsey ang mahal niyang talaga? And worst of all is? She might hate you for doing so because you have all the time to tell the truth but you opt not to say it. Kagulo 'yan Shai."
      "Hindi ba puwedeng huwag ko munang isipin lahat ng 'yan? Handa ako sa lahat ng sakit."
       "Sa sakit ka ba pinag-lihi ng Nanay mo?"
       "But Tito is offering this set-up na irent niya kami ng apartment na malapit sa review center para mapag-pagtuloy ko pa rin hanggang exam. Wala na lang mapag-iwanan si Tito since palipad narin siya ng Cebu dahil mag-aasawa ng bago. Nasa ibang bansa na mga kamag-anak nila. Kanino siya mapupunta? Kina Linsey? Eh ni hindi ko nga alam ang estado nilang dalawa. Ako na lang ang mayro'n siya Hai."
      "Lam mo, nakiktita ko sa 'yo na buo na desisyon mo to be in this situation. But Tito is right, accept the offer na lang. Do'n ako sa matatapos mo pa rin ang board exam. Sayang ang oras kung pag-papaliban mo pa."
.....

      Dalawang araw pa nanatili sa ospital si Loraile pero sa dalawang araw na 'yon ay pinaubaya ko siya kay Linsey kahit masakit. Inasikaso ko 'yung apartment na lilipatan namin. Mabilis kumilos ang Papa ni Loraile at tulad ng pangako niya ay halos dalawang kanto lang ang layo ng review center sa bahay namin. May sala, kitchen, backdoor, may maliit na storage room sa baba na katabi ng CR. Sa taas ay may dalawang kuwarto naman.
      Isang tulugan at isang maliit na study room. Bayad na rin daw ito ng tatlong buwan. Bumalik ang yaya ni Loraile mula sa probinsya at aalalay sa akin sa mga gawaing bahay since nag-rereview ako. Mabuti na lang  at every other day lang ang punta ni Nana Sela. Maiilang kasi ako, hindi ako sanay. Ako na ang kasama ni Loraile pagka-discharge niya. Deep within me talaga, guilty ako. Hindi dapat ganito ang sitwasyon niya kaya gagawin ko ang lahat para maging normal ulit ang buhay nya.

       Pagdating namin sa bahay ay kinuha ni Nana Sela ang bag namin. Familiar din si Nana Sela kay Loraile. Pumasok kami ng kuwarto at binuksan ko agad ang aircon. Siya naman ay nakaupo lang sa gilid ng kama at nakatingin sa akin.
      "Okay ka lang ba Yeli? Ano gusto mong kainin? Oorder muna ako hah? Ay! Nagluto pala si Yaya Sela," sabi ko.
      "Shaira, ilang buwan na tayo? Buwan o taon na? Paano tayo nagsimula? Sinasaktan ba kita?" Iyan ang tanong niya ng sunud-sunod imbis sagutin ang tanong ko sa gusto niyang kainin.
      "Beyb, lahat ng gusto mong malaman o sa mga tanong mo ay sasagutin ko. Magbihis ka muna at kumain na tayo, okay?"
       "Nakikita ko kasi sa mga mata mong malungkot ka at nasasaktan. Kaya medyo bothered ako na baka bago ang aksidente ko ay kaaway kita o binigyan kita ng sama ng loob?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Only SunshineWhere stories live. Discover now