Chapter 23: Cheers

1.8K 44 0
                                    

Naubusan na ako ng mga katagang maisasagot sa kanya. Alangan naman sabihin kong mahal ko rin siya; paaasahin ko lang siya dahil si Evo naman talaga ang gusto at mahal ko. Hindi rin pwedeng sabihing i hate you dahil aminado akong nagkakagusto na rin ako sa kanya. Si Kuya Louie kasi,eh! Kung bakit naman niya pa ako tinawag-tawag.

"Okay lang; wag ka nang sumagot. Alam ko naman eh" ang kaagad niyang sinabi sa akin. Naguiguilty ako sa hindi pagsagot pero mas nakakatakot ang mga pwedeng mangyari pa kung sasagot ako. "Pero sana naman maniwala ka na tamado ako sa'yo. Stefan, mahal kita. Hindi ko alam kung bakit nung linapitan mo ako nun; mahal na ata kita. Hindi ako makatulog dahil ikaw lang ang nasa isip ko. You haunt me in my dreams. You chase all the sanity in me. Hindi ko alam kung bakit kapag nasa paligid ka kailangan kong mag-paimpress sayo. Mahal kita at gusto kong hintayin ka; masaktan man ako' hihintayin kita."

"Darren"

ang mahina kong tawag sa kanya. Nagtapat siya sa akin. Ngayon kumbinsido na ako na seryoso siya sa akin pero hindi ba parang paspasan naman ata. Kakikita pa lang niya sa akin, mahal niya na agad ako? Ano yun? Parang mushroom lang na kusang tumutubo kung saan-saan? "Please, wag na sa akin. You deserve better"

"No can do, Stefan"

muli kaming nanahimik. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Napabuntong-hininga na lang ako. Ayaw ko ng ganito.

"Darren, iwasan na lang natin ang isa't-isa. Ayaw kong masaktan at lalong ayaw din kitang saktan"

"Bakit ayaw mo akong masaktan?"

"Cause kahit paano after all, i care for you"

"Bakit?"

"Cause-cause, basta"

ayaw kong aminin na dahil unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. Napatango na lang siya.

"Cheers, for the people who ditched me" ang malungkot niyang sinabi sabay taas ng hawak-hawak niyang can ng beer. Uminom siya and it's a mouthful. Alam kong nasaktan siya.

"Another one, for the person I love who can't fall in love with me" muli siyang uminom at inubos niya ang isang can. Kaagad siyang kumuha at bumukas pa ng isa.

"And this one is for all the hurt and the pain I'm fucking feeling right now!" muli siyang uminom at malakas niyang linapag ang lata sa mesa. Nakita ko ang pagtalsik ng beer mula sa butas ng can. Nagulat ako roon at nanlaki ang mga mata. He borrowed his face into his arms and then sobbed. Linapag ko ang hawak-hawak ko at dahan-dahan ko siyang linapitan.

Hinimas-himas ko ang likod niya. Hinila ko ang upuan at tumabi ako sa kanya. Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan yun ng mahigpit. Napatingin siya sa akin. Pinunasan ko ang mga luha sa kanyang mga mata. Pinatong ko ang aking ulo sa balikat niya. "Tama na yan. Birthday mo ngayon; dapat magsaya ka. Andito naman ako eh kung kailangan mo ako. Sorry kung nagsimula tayo nang pangit."

"Yeah"

tinuloy namin ang pag-inom ng beer. Tahimik na lang kami at nakatingala na lang kami sa langit na puno ng mga bituin. Ilang oras din kaming nasa terrace. Sinulyapan ko siya; nakatulog na pala siya habang nakaupo; malamang dahil sa kalasingan. Siya naman kasi ang nakarami. Inalalayan ko siya papunta sa kanyang kama. Medyo tamado na rin ako kaya nahiga muna ako sa tabi niya para magpaalis ng hilo. Pinagmasdan ko ang natutulog niyang mukha. Kahit na anong parte ay nagwagwapuhan ako sa kanya. Mas malayong gwapo siya kay Evo pero hindi ko mahanap sa aking sarili ang tanggapin na nahuhulog na ako sa nakakabwisit niyang paraan. Hindi ko na kaya pa; ititigil ko na ang walang kwentang pustahan namin ni Cassie para matuon ko na ang aking atensyon kay Evo. Ngayon ko lang napagtanto na maraming masasaktan kung itutuloy ko pa yun.

LOVE GAME (boyXboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon