CHAPTER 16

1.6K 29 0
                                    

Chapter 16: A new life

BASE lang sa mga nakikita ko sa kanya ay parang ang laki ng galit niya sa mga lalaki—ang matalik na kaibigan ni Joavani. Na maski sa asawa niya ay nasama rin sa kanyang galit. Curious ako kung ano ba talaga ang nangyari at kung bakit ganito siya.

“Bakit ano ba ang ginawa ng mga lalaking iyon para magalit ka ng ganyan, Elysian?” nacu-curious kong tanong sa kanya.

Humugot pa siya nang malalim na hininga at saka siya sumagot. “Misunderstanding ang nangyari sa pagitan namin ng asawa ko years ago. Ang magaling na si Jaydel ay iniwan na lamang ako bigla pagkatapos niyang makita ang eksena namin ng matalik kong kaibigan. Akala niya kasi ay may nangyayari sa amin tapos niloloko lang daw siya. Ang tarantadong iyon. Kung niloloko ko nga lang siya dahil may namamagitan sa amin ng kaibigan ko ay hindi siya ang pakakasalan ko mismo, dahil pipiliin ko ang lalaking pinaghinalaan niyang kabit ko. Psh. Kaya mas mahalaga talaga ang pagtitiwala at komunikasyon, Gotchelle,” mahabang paliwanag niya. Napatango ako sa kanyang sinabi dahil sang-ayon din naman ako.

“Halos wala tayong pinagkaiba,” ani ko.

“Mas naging komplikado lang ang nangyari sa ’yo. Mahirap ang naging sitwasyon mo. Dahil pinatapon ka ng asawa mo sa America dahil lang sa scandal na lumabas three years ago,” aniya at umupo siya sa isang couch.

“May tiwala ako sa asawa ko kahit na...hindi siya ang unang lalaking minahal ko, Elysian. Pero hindi naman niya ibinigay sa akin ang buong tiwala niya. Iyon ang mas masakit na ginawa niya sa akn. Hindi siya nagalit sa iniisip niyang ginawa ko sa kanya. Para saan pa ba ang pagmamahal mo sa isang tao kung hindi mo naman siya pinagkakatiwalaan? Ni kahit katiting man lang na tiwala ay wala. Sinubukan kong magpaliwanag noon, nakinig naman siya pero hindi siya naniwala sa mga sinabi ko. Kaya ano pa ba ang saysay ng pagmamahal mo sa isang tao kung hindi mo naman siya pinapaniwalaan?” Pagkatapos kong sabihin iyon ay napabuntong-hininga na lamang ako.

“Siguro nga dahil bago pa lamang ang relasyon ninyo bilang mag-asawa. Hindi pa talaga ninyo nakikilala ang isa’t isa pero hindi ko sinasabi ito dahil kinakampihan ko si Joavani. Naiintindihan ko kung bakit hindi ka niya pinaniwalaan noon ngunit ang hindi ko lang maintindihan sa kanya ay kung bakit ipapadala ka pa niya sa ibang bansa gayong buntis ka sa mga panahong iyon? Tama ka talaga sa sinabi mo na walang saysay ang pagmamahal kung walang tiwala sa ’yo ang lalaking mahal mo. Asawa mo siya, alam kong alam niya sa kanya ka rin kumukuha nang lakas ng loob at siya ang kakampi mo. Dapat noong una ay hindi niya rin pinagdudahan ang anak ninyo pero kasi... Ang bigat ng katibayan na mayroon sila laban sa ’yo. Kaya mas pinili niya ang ilayo ka kaysa ang alagaan ka habang buntis ka,” mahabang pahayag pa niya. Napatango na lamang ako.

Ni minsan din ay hindi ko inisip na magkakaroon ako ng anak sa ibang lalaki. Isang bagay lang naman ang ginawa kong mali noon. Ang isipin na ibigay ko ang sarili ko sa lalaking akala ko ay mahalaga ako para sa kanya.

Na sa huli ay siya rin pala ang magdudulot ng gulo sa relasyon namin ni Jov. Nang dahil sa kanya kaya naging komplikado rin ang buhay ko. Nadamay pa pati ang inosente kong anak.

“Kalimutan na lamang natin iyon sa ngayon,” ani ko. Ayoko na rin talaga maalala pa ang masakit na alaalang iyon.

Tumayo naman siya at naglakad palapit sa akin. Lumuhod siya sa harapan ko at ginanap niya ang mga kamay ko.

“Alam kong darating ang araw ay mabubunyag ang katotohanan, Gotchelle,” sabi niya na nagbibigay lang din sa akin nang lakas ng loob na may isang tao pa rin ang naniniwala sa akin. “Ayokong husgahan ang isang tao dahil lang sa mga nakita nila o ano pa man tungkol sa ’yo. Ipinanganak tayo ay hindi dahil manghusga lang sa kapwa natin,” wika niya na ikinangiti ko.

BIS#4: The Exiled Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon