Prologue

16 1 0
                                    

Padabog akong umupo  sa harap niya habang pinapanood ko siyang kagat kagat ang pang ibabang labi. Ang sipag sipag niyang mag aral, sa ganong akto lang ay alam kong apektadong apektado ako.

Kababata ko siya kaya alam kabisado ko na ang mga ditalye sakanya. simula bata ay mag kasama na kame at hindi napapaghiwalay, ayaw niyang may ibang lumalapit sakin dahil hindi raw siya sanay doon.

Our journey toward healing wasn't easy.

"Anong iniisip mo, Chi?"

Napaayos ako ng upo at mahinang kinurot ang tagiliran ko, dahil nahuli nanaman niya kong nakatitig sakanya at malalim ang iniisip.

"Wala naman," sagot ko.

Isinara niya ang notebook niya at buong atensyon niya ay ibinigay sa 'akin. Pinanliit pa ko ng mata na para bang inuusisa ang laman ng utak ko.


Nag iwas ako ng tingin at marahan umubo. Nang tumingin ako sakanya ulit ay naka tingin pa ito, kaya pinandilatan ko na siya ng mata.

"Ano nga 'yon, Chiara?"

"Wow, first name basis ah? Koa Palmer" ani ko, sabay irap dito.


Nasa unahan ang upuan ko, dahil Alvarez ang last name ko, at ang kanya naman ay Palmer medyo nasa hulihan.


Hindi ko nga alam kung bakit Architecture ang kinuha niyang course dahil ang hilig niya ay instrument, at pag kanta.

Nag mag uwian ay sabay kameng mag lakad papalabas at nag iintay ng jeep. Habang nag iintay ay pinagmasdan ko ang mukha niya, kahit dala dala niya ang gamit ko ay parang wala lang yon sakanya. Naka suot ng grey na slacks at white na polo. Amoy presko pa rin siya kahit andami namin ginawa kanina, in fairness sakanya, kahit ganon ay malinis ito sa katawan.



"Ano nanaman nasa isip mo? parang chinachapchap mo na ko sa isip mo. Pag uugali mo sakin." Sinamaan nya ko ng tingin nang nakitang nakatitig ako sakanya.


Inirapan ko nalang ito at hindi na pinansin dahil may huminto nang jeep. Siksikan kaya ang hirap humanap ng uupuan, si Koa ay siniksik pa niya talaga ang sarili nya sa tabi ko!



"Ako na ang magbabayad," mayabang na sabi niya sabay labas ng wallet para mag abot ng 30 pesos sa driver. "Dalawa ho! estudyante! Diyan lang ho sa kanto!" Sigaw niya pag kaabot ng bayad dahil sa ingay ng tambutso.


Tahimik lang ako habang pinag mamasdan ang paligid sa labas habang si Koa ay naka sandal sa balikat ko.

"Para ho!" sigaw niya nang nasa tapat na kame ng kanto.

Bumaba kameng dalawa at sabay na nag lakad pauwi. Hindi naman kase kalayuan ang tinitirhan ko sa bahay nila. Nang nasa tapat na kame ng apartment na tinitirhan ko ay nag bilin pa itong i lock ko ang pinto at i check lahat ng ilaw. Napangiti ako dahil sa concern niya.

"Koa....."

"Bakit?"


"I..... i found myself falling in love with you."

"Hmm..."

:))
________________

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Whispers of the Forgotten Where stories live. Discover now