boogsh

1 0 0
                                    

Bakit nga ba nagkakagusto ang tao??

Ano bang meron? Bakit?? Dahil ba sa katangian na taglay niya? Personalidad??

Ano ba??

Sa totoo lang, hindi rin alam ni Shouyou kung paano at bakit. Ang alam niya lang, nagkagusto siya at yun yon.

Para kay Shouyo, madali lang magkagusto at umibig sa tao. Bakit? Napakadaling magmahal. Ang dami mo naman kasi pedeng magustuhan sa tao, hindi ba?

"Madaling magmahal."

Pero mukhang iba ang naging ihip ng hangin para kay Shouyou.

Madaling magmahal.

Bakit nahihirapan siya ngayon? Bakit siya umiiyak ngayon?

Bakit ayaw niya ng iba?

Bakit siya pa?



January 6, 2023

Alas diyes. Ito ang simula ng klase nila Shouyou. At kailangan niyang gumising nang maaga para lang hindi mahuli sa unang klase niya.

Sino ba ang gustong mahuli sa klase niya lalo na't kung yong prof mo ay dinaig pa si hudas sa ugali at itsura?

Limang minuto bago mag alas diyes.

'Lagot. lagot. lagot'

Bukambibig ng ating bida, aber, sinong bonak naman kasi ang gigising ng alas dose para lang kumain at maglaro tapos matutulog ng alas sais nang umaga??

'Papa Jesus, konting help naman please. Kahit isang tulak lang diyan. Isang booster lang po, promise, magpapakabait nako'

Mukhang kahit si Lord pagod ng maniwala kay Shouyo.

Tatlong minuto bago mag alas diyes.

'Uhuhuhuu Lord, baka naman'

Marami ng pumasok na sitwasyon sa ulo ni Shouyo habang tumatakbo sa corridor. Aba baka umulit pa siya ng isang taon dahil lang dito sa isang late niya.







" Kung minamalas ka nga naman."






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

lover !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon