SIXTEEN

2 0 0
                                    

SIXTEEN

"O Nela? Matamlay ka?"

Agad akong napabaling kay Nela nang punain siya ni Te Basil. Halata sa itsura niya ang lungkot. Napalapit rin si Fredo sa kaniyang tabi.

I suddenly thought of last night. Umalis si Gwen at Yugo pero sa magkaibang oras. May tumawag sa dalaga kalagitnaan ng pag-uusao naming iyon.

While Yugo stayed for about 8 minutes, he exchanged a small conversation with Penny.

"Ako bahala sa suit mo, Yuan? Ibabagay ko sa suot n-"

"Pen, pakiabot nga niyang baso sa gilid mo," matalim kong tiningnan ang natigil na kaibigan. Kaniya namang inilahad ng nakangisi.

"May mga susuotin naman ko sa ganoong okasyon kaya ayos lamang."

Penny thinks this guy has no history about parties, gatherings, formal occasions and such when in fact kapag salu-salo ng mga kapitalista, politiko at ilang tanyag na mga panauhin doon sa lugar, laging naroon sila ng pamilya niya.

"O-Oh, ikaw ang bahala basta huwag ka masyado magpa-pogi ha?" She smiled sheepishly.

Tumaas ang kilay ko sa turan niyang iyon. Tumikhim naman si Yugo.

"A-Ah hehehe okay, okay! Sandali at na-c-cr na ako eh," sabi ni Penny at umalis.

"Oh? 'Di ka pa nauwi?" Naiinip na tanong ko. Sinalubong niya ang tingin ko ng 'di ko mapangalanan na reaksiyon. Mapakla akong umiwas ng tingin pero hindi dahil hindi ko kayang labanan ang tingin niya. Inaantok na yata ako.

"Who insisted to let me stay here for dinner anyway?" Nabalik ang tingin ko sa kaniya no'ng tinuran niya. Hindi ko maiwasan panlisikan siya ng tingin. Aba talaga akala niya ginusto ko!?

"At feeling mo ginusto kong alukin kang manatili? Haa!" He withdrew his stare. I don't know what's with the grumpy mood now.

Nagmartsa ako paloob matapos paalisin ang bisita kasama si Penny.

Gano'n iyong nangyari kagabi.

"Anong nangyari Nela?" Si Fredo.

Lumabi siya at nagtatampong tingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay habang nagpupunas ng lamesa. Nagtataka namang napatingin ang iba sa akin. Tumigil ako sandali.

"May problema ba Nela?" Nagtataka kong tanong.

Nilingon niya ulit ako at siniringan nang pabiro.

"May 'di ka sinasabi sa akin!" Bigla ay bulyaw niya.

Nanlaki ang mata ko. "Anong ginawa ko?" Unti-unti at dahan-dahan kong saad. Nakalabi siya't nagmamaldita.

"Ano ba ang nangyayari, Nela?" Muli ay tanong ni Fredo. Kaming tatlo na lng ang natira dito sa may lamesa.

"Iyan si Guin, Fredo, may tinatago sa 'tin? Akala ko ba ay friends tayo rito, Guenièvre?" sabi niyang nagpakunot-noo sa akin.

"Anong tinatago, Nela? Wala akong tinatago..." Sabi ko pa na nagtataka. Anong tinatago naman ang tinutukoy nito? Dadagdagan ko pa sana ang sasabihin nang maistorbo kami ng isang boses.

"Magandang umaga ho," tinig ni Yugo ang siyang nagpatigil sa pag-uusap namin.

"Siya! O sige sabihin mong hindi Guin!" Kaniyang sambit. Napatigil si Yugo sa kaniyang paglakad dahil sa bulyaw ni Nela.

Hindi kaya...

"Nakita kita kagabi na pumunta sa bahay nina Guin, Yuan," sabi niyang nagpatigil sa akin. Nalunok ko ang laway ko ng ilang beses. Hindi naman sa may tinatago ako pero nakakagulat lang atsaka baka anong isipin nila.

He Went to TownWhere stories live. Discover now