"Angelica bumaba ka na riyan apo para makapag-almusal ka na. Male-late ka na niyan." ani lola sandy na ngayong naghahanda ng almusalan."Opo La. Sandali na lamang po ito. Baba na din po ako pagkatapos ko neto."
Tinatapos ko kasi yung nalimutan kong gawin na homework. Heto'y ginagawa ko ng mabilis para may assignment ako. Ayoko kasing may ma-missed na assignment.
Pagkatapos ko naman na ay bumaba na ako at nadatnan ko si lola na nagtitimpla ng gatas. " Oh la, bakit hindi pa po kayo kumakain? Hinihintay mo na naman po ako noh? Hehe" saad ko at hinalikan si lola sa pisngi.
"Hay naku apo. Alam mo naman na gusto kong kasabay kang kumakain tuwing umaga diba? Atsaka hayaan mo na alagaan ka."
Hinawakan ko ang kamay ni lola kasi alam ko na naman ang nasa isip nya.
She's sad but i have nothing to do with it. It's a choice."La, look! i know your thinking po pero sana maunawaan nyo po ako okay? Don't worry, i am here for you kahit na hindi na tayo magkasama. Just believe what ate said ok?"
Nakita kong naluluha si Lola kaya't yinakap ko sya ng mahigpit. Si lola at lolo na lang ang meron kami ni ate ngayon kaya mas may naisip kaming ikakabuti para sa kanila.
"Kain ka na apo. Baka tuluyan ka talagang mahuli sa klase. 'wag mo na akong intindihin. Madrama lang talaga ako. Sige na, kain na tayo."
Minsan kapag naiisip ko din na iiwanan ko na sila lola at lolo dito? Naiiyak ako kasi silang dalawa ang meron kami ni ate. Pero, kelangan ko din ang desisyon ni ate para sa akin at para na din sa kanila.
~~~
"Irene nakita mo bang pumasok sa library si Kent? "Tanong ko sa bestfriend kong si Irene.
"Bakit mo tinatanong bie? May gusto ka atah kay Kent ah! Ikaw ha-"
Hindi na nya natapos yung sasabihin nya ng siniko ko sya. Sobrang daldal talaga nya ei. Hindi paawat ang bunganga. Malala pa sa sirang plaka.
"Aray ko naman bie. Nagbibiro lang ei. Makasiko naman to kala mo enemy tayo. Hmp!" Pagtatampo ni irene.
"Ikaw kasi ei. Sa dami-dami ng sasabihin yun pa? Tsaka nag-uumpisa ka na naman sa ganyan ei hindi ako nagkaka gusto sa mga taong makitid ang utak gaya ni-"
"Bakit? Ano ba? Patapusin mo muna ako Irene ha. Kanina ka pa. " Panay kasing siko ng siko sakin si irene . Kala mo naman may ano.
"Isa ka ding makitid ang utak anoh? Mas bagay kayo nung Kent na yun. Pareho makitid ang utak nyo"
Dire-diretsahan kong sabi pero itong si irene napasapo sa noo at nguso ng nguso sakin. Siguro nakita na naman neto si Jonathan na crush nya sa A section.
"Ah siguro nakita mo si bebelabs mo ano? Kaya ka nguso ng ngu-"
Naputol yung sasabihin ko ng lumingon ako sa likuran ko at guess who? Nasa likuran ko lang naman yung makitid ang utak?- oh no! Narinig kaya niya?
"Hi, Angelica."
Nakangising bati ni Kent sa akin. Jusko! Mukhang narinig nga nya. Patay naman tayo dyan. Paano na yun? Gosh.
"Hello Kent. Ahm kanina ka pa d-dyan o kadara-"
"Kanina pa. Narinig ko naman lahat ei. No need to tell everything, i heard it clear. Makitid pala ha."
Napasapo ako sa noo. Jusko!
"E? Hindi naman ikaw yung Kent na tinutukoy ko. Yung sa C section, si Kenneth Sandey yung tinutukoy kong makitid hihi. "
Sana umubra. Pano naman yung activity ko? Kung sakaling tupakin to! Naku! Naku!
"Ah ganun ba? Hindi naman pala ako yun. Akala ko kasi ako ei. Sige mauna nako sainyo. "
Lalakad na sana siya paalis samin ng tawagin ko siya. "Wait, Kent."