Nagkamayan at nagbatian si Ama at ang gobernador-heneral."Bienvenido a nuestra casa Don Mateo." (Welcome to our home Don Mateo) Wika ng gobernador-heneral.
Si Don Emillio, ang gobernador-heneral na isang Insulares. Ang isang insulares ay purong español na pinanganak sa Pilipinas. Kaya marahil mataas ang pananagalog ng gobernador-heneral ay dahil isinilang siya sa Pilipinas . Sila ay nabibilang sa pamilya de Vera na tinaguriang pinaka makapangyarihan at maimpluwensyang pamilya sa bansa.
"Gracias por invitarnos a tu casa gobernador-heneral." (Thank you for inviting us in your house gobernador-heneral.) Tugon ng aking ama.
Pinaupo kami at inaasikaso ng asawa ng gobernador-heneral na si Doña Gabriela.
Si Doña Gabriela ay isang mestiza na nabibilang sa alta sociedad. May bilugang mata, matangos na ilong, maporselanang kutis at manipis na labi.
Umupo naman sa katapat ko si Ginoong Primo. Napatitig ako sa kanyang mukha. Matangos ang ilong, makapal na kilay, matikas na tindig, manipis na labi at kulay asul na mga mata na maihahalintulad sa dagat. Napansin ko rin na malaki Ang pagkakahawig nila ng kanyang Ina maliban sa kanyang mga mata na nakuha niya sa kanyang ama.
Napaiwas naman ako ng tingin nang magtama ang aming mata.
Samantala, abala naman ang mga tagapagsilbi sa paglalagay ng tsaa at mga panghimagas sa mesa ng aming kinauupuan.
"Inanhayan ko kayo sa aking tahanan upang pag-usapan ang kasal nang ating mga anak." Panimula ng gobernador-heneral habang humihigop ng tsaa.
Bigla naman akong kinabhan. Hindi ko naba mapipigilan ang nakatakdang kasal? Alam ko na hindi ko pwedeng suwayin ang aking mga magulang sapagkat magkakaroon ng lamat ang pagkakaibigan ng aking Ama at ng gobernador-heneral. Subalit hindi pa ako handang maging maybahay. Natatakot ako sa mga posibling mangyari kong hindi magugustuhan ni Ginoong Primo ang aking pag-uugali.
"Sa aking palagay gobernador-heneral, mas mainam na bigyan natin sila ng oras na magpalagayang loob." Tugon ng aking ama.
"Sumasangayon ako sa iyong tinuran Don Mateo. Mas tatag ang kanilang pagsasama kung sila ay magkaka mabutihan." Turan ng gobernador-heneral habang humihigop ng tsaa.
Nagpatuloy ang kanilang pag-uusap sa ibang bagay. Samantala, abala rin si Doña Gabriela at ang aking Ina sa pagpapalitan ng kuro-kuro patungkol sa pagbuburda. Sumisingit rin sa usapan ang aking dalawang kapatid.
Hindi na ako makasabay sa kanilang usapan kaya napagpasyahan kong magpahangin sa labas. Nakalimutan kong ang pakay ko sa pagtungo rito ay upang humingi ng paumanhin kay Ginoong Primo.
Naupo ako sa pabilog na mesa na may dalawang upuan sa hardin. Napakaaliwalas ng hangin at humahalimoyak ang bango ng mga bulaklak. Napapalibutan ng mga rosas ang hardin. Pumikit ako at dinama ang simoy ng hangin.
Napamulat ako dahil naramdaman ko na may umupo sa katapat kong upuan.
"Gusto ko sanang humingi ng tawad sa aking ginawag kapangahasan noong isang araw Ginoo." Panimula ko habang nakatitig sa kanyang mata.
Hindi sana ako hihingi ng tawad sa kanya kong hindi ko lang naalala ang bilin ni Ina saakin.
Nakatitig lang siya saakin pagakatapos kung magsalita. Hindi ko matagalan ang kanyang titig kaya ako na ang umiwas ng tingin. Para akong nalulunod sa kanyang bughaw na mga mata.
"Hindi naman ako hihingi ng paumanhin kong hindi lang sinabi ni Ina." Dagdag ko habang kinumpas ang aking abaniko at pinaypayan ang aking sarili.
Dumaan ang nakakabinging sandali pero nanatili siyang tahimik. Tatayo na sana ako para pumasok dahil wala man lang siyang tugon sa aking sinabi nang magsalita siya.
"Hindi mo na kailangang humingi ng tawad kung napipilitan ka lang." Walang ka emosemosyong tugon niya saakin.
Aba't sinasagad talaga ng lalaking ito ang pasensya ko. Napaka antipatiko. Akala naman niya kung sino siya. Kung hindi lang kami pinagkasundo babangasan ko na ang mukha niya.
"Hindi nga talaga tayo magkasundo. Dahil sa gaspang ng iyong papananalita. Para sa iyong kaalaman sa ayaw at sa gusto mo pinagkasundo na tayo kaya ayosin mo ang iyong pananalita, Primo."
"Hindi pa kita hinayaang tawagin ako sa aking pangalan" tugon niya saakin habang nakahalukipkip.
"Wala kana bang sasabihin. Aalis na ako dahil wala nang patutunguhan ang ating usapan."
Hindi ko kayang pakisamahan ang ganitong klaseng lalaki. Wala pakundangan kong magsalita. Wala pang Ginoong sumagot saakin ng ganito. Lahat ng Ginoo sa lugar na ito ay ginagalang at sinasamba ako dahil sa aking kagandahan at sa impluwensya ng aking pamilya.
Ang pamilya Salazar na aking pinagmulan ay isang ginagalang at maimpluwensyang pamilya. Pumapangalawa ang aming pamilya sa de Vera. Subalit wala siyang karapatan sagutsagutin ako ng pabalang.
Tumayo na ako at naglakad na nang matapakan ko ang aking saya. Matatapilok na sana ako ng biglang may pumolupot na braso sa aking baywang at hinila ako patayo. Natitigan ko ang kanyang kulay bughaw na mga mata. Biglang tumibok ang aking puso kasabay ng pag-ihip ng hangin.
---------------------------------------------------------
Author Notes:What are your thoughts about this chapter?
YOU ARE READING
Un amor Tan Imperfecto
Historical FictionIt was the year 1865 when a Spanish maiden met his long-awaited husband. Isabella was betrothed to the son of the Governor-General since she was young. She couldn't accept the fact that his father didn't ask her if she agreed with his arrangement...