Chapter 1

6 0 0
                                    

Behind every stories

"tori, magpahinga kana nga muna diyan sa ginagawa mo, aba'y bata ka magtanghali kana na nadiyan sa initan!'

Sigaw ng matandang si delfin sa dalaga

"wag ho kayong magalala sakin, gusto ko lang naman po na masigurado na makakapag-ani na susunod na araw"

"hamo na at may magaasikaso naman ng trabaho na iyan"

"hayaan nyo na ako mang delfin, alam nyo naman po na mahal na mahal ko ang farm na ito, ito nalamang ho ang meron kami ng itay"

"mapilit kang bata ka, ay mayamaya ay pumasok kana sa loob at sigurado na nakaluto na si lagring, hinahanap kana rin ng itay mo sa loob."

"maraming salamat po mang delfin, segi po"

Habang nakatitig si kalay sa malawak na bukid, unti-unting bumalik sa kanyang alaala nung siya ay munting bata pa lamang.

"mama, bakit po kailangan magtrabaho ni papa sa bukid?"

"mahal ko, kailangan ng papa na magtrabaho sa bukid sapagkat ito ang ating kayamanan, kailangan ng papa na pagyamanin ang kung ano ang meron tayo sa ngayon para narin sa bukas"

"pero mama.."

"shhh.. maiintindihan mo ito ng lubos anak, pero sa ngayon ang kailangan lang namen ng papa mo ay maging isa kang mabuting bata na may takot sa diyos at mapagmahal sa kapwa"

Mula noon ay hindi na nagtanong si tori, sapat na sakanya ang pagmamahal na nararamdaman niya mula sa magulang.

Ngunit isang malaking trahedya ang nagpabago sa buhay niya.

Habang nasa byahe ang mga magulang niya patungo ng maynila upang mag hatid ng mga ani nilang gulay, bumaligtad ang sinasakyan nitong trak, namatay ang kanyang ina at nakaligtas naman ang ama ngunit kinailangan putulin ang isang binti nito na nadurog sa pagkaipit.

Nung una ay hindi niya naiintindihan ang mga nangyari sa buhay niya, gusto niyang sisihin ang ama sa pagkawala ng ina ngunit sa nasaksihan niya na paghihirap ng ama na halos isang taon na hindi makausap nakatulala lamang ito. Alam ni kalay na hindi nito ginusto ang nangyari sa ina. Dahil dito nalugi ang taniman nila at kinailangan niyang tumigil sa pagaaral. Siya ay katatapos lamang sa highschool. Marami si kalay pinasok na trabaho, hanggang isang araw may dumating na biyaya sa buhay niya, dumating ang kanyang ninong at inako ang pagpapaaral niya sa kolehiyo ayon sa mga ito maging ang kanyang mga magulang ay napakalaki ng naitulong sa kanya, kaya ito lamang daw ang naiisip nitong paraan upang makabawi sa lahat ng kabaitan ng kanyang magulang.

Nakatapos si tori ng kursong bachelor of elementary education sa Mount Carmel College Baler, Aurora. Ngunit mas pinili parin niya ang mamahala sa kanilang farm dahil narin sa kalagayan ng ama. Kung weekends naman ay nagtuturo siya sa mga bata.

Victoria Clarrise Bejo ang totoo nyang pangalan ngunit tori ang madalas tawag sakanya ng kanyang mga magulang at iba pang tauhan sa farm nila. Ang kanyang ina ay isang thai at ang papa naman niya ay Filipino. Nagkakilala ito noong nagtrabaho ang papa niya sa Thailand. Mas pinili ng dalawa na mag settle sa pilipinas.

"aba bata ka narito kapa pala, pumasok kana sa loob"

"ah, Oho segi po"

Natinag si tori sa malalim na iniisip..

"pa, bakit hindi kapa kumakain? Ang papa talaga oh, diba sabi ko naman sa inyo na wag nyo na ako hintayin sa pagkain"

"anak, alam mo naman na hindi makakain ang papa kung alam ko na hindi kappa kumakain"

"sweet naman ng papa, segi napo kakain na ako. Halika na po sa dining at ng makakain na tayo"

Habang kumakain ang magama..

My Shining StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon