CHAPTER 5: Secretly Falling

147 4 13
                                    







**




''Hoy Ash! Kumanta ka dito! Wag kang nagmumukmok diyan sa gilid. Parang kang tae diyan na pinabayaan.'' mahinang bulyaw ni yael, ''Ma'am Riva. Ano gusto mo ikanta ni Ash sa'yo?''



''Wala. Ang gusto ko lang manahimik siya'' malamig na sagot naman ni Ma'am Riva.



Nasa KTV Bar Room na kami habang ang isa'y nagmumumok sa isang sulok. Hindi pa rin sila nagkakabati ng asawa niya simula kanina pa sa sementeryo. Nagulat pa nga kami na sumunod pala si Ma'am sa kanya pagkarating namin doon, baka daw kasi may babaeng lumandi dito sa kaibigan namin. Kaya all the way from cemetery hanggang dito ay behave kaming lahat.



Habang tumatagal palala ng palala ang Mood swings pag buntis talaga 'no? Ang daling mairita tapos grabe mag overthink, magdrama, magsungit and worst umiiyak nalang bigla kahit nakakatawa ang pinapanood o nangyayari. Ewan ko paano na h-handle ng dalawang ugok na 'to mga asawa nila sa haba ng pasensya. Mantakin mo 'yon 3 buwan lang ang pagitan ng pagbubuntis nilang dalawa ni Kiara. Ma'am Riva is four months pregnant while Kiara is Seven months pregnant, tapos ako ito, nag a-asume lang na may dumating. Emz



''Pumarito kana Ash! Dali na, suyoin mo 'tong si Ma'am! Ganyan ka ba manuyo ng buntis ha?'' si kiara na ngayo'y nakatayo habang nakapamewang. Nanay mode activated na naman siya.



''Oo nga! Kantahin mo nalang yung dati mong sinasabi sa amin pag nagtatampo si Ma'am. Yung gusto mong kantahin dati sa stage noong College day natin. Dali na!''  Segunda naman ni yael.



Hindi naman siya ganon kalayo sa amin kaya kitang kita ang biglang pagsilay ng mapaglarong ngiti ni Ash nang tumingin ito sa amin at lumapit. Panigurado may naisip na naman 'tong kakaibang panunuyo sa asawa niya. Binuklat niya ang songbook at inenter ang song number na nahanap niya saka plinay ang play button. Si Ma'am Riva naman ay hindi mawari ang itsura sa pagtataka habang nakahalukipkip. Walang pagbabago, hindi nawawala ang sobrang lamig kung makatingin.



Humagikgik kaming lahat nang pumwesto si Ash sa harap habang hawak hawak ang mic. sa isang kamay tapos nakayuko pa ang ulo na akala mo'y nasa isang concert siya sa postura niya ngayon.



''Sorry na kung nagalit ka, 'di naman sinasadya''




Unang line palang hindi ko na mapigilang hindi matawa kasi sintunado talaga siya. Dahan dahan pa siyang nag angat ng ulo habang patuloy parin sa pag kanta, feel na feel ang bawat linya nang tumingin kay Ma'am Riva. Minsan iniisip ko nalang na may history to ng mental illness sa pagkasiraulo. Hindi naman siya ganito dati not until she met her wife.



Umabot nalang na natapos niya ang chorus ay saka niya lang naisipang lumapit sa kanyang asawa at linuhod ang isang tuhod na parang nag p-propose ulit. In fairness lakas ng charms niya ngayon kahit ang pangit kumanta.




''Sorry na, saan ka pupunta. Please naman wag kang mawawala. Kapag ako ay iiwan mo mamamatay ako''  linagay niya ang kamay niya sa dibidb at marahang pinapalo 'yon, umaaktong nasasaktan dahil may papikit mata effect pa gaga, ''Pagkat hawak mo sa iyong kamay.... ang puso ko. Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga. Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit, sorry na talaga sa aking nagawa''




Grabe naman ang pagka sweet sa panunuyo. Parang kahit paminta, lalanggamin. Napapa-sanaol nalang ako sa isip ko.




Hinawakan niya ang isang kamay ni Ma'am Riva at hinalikan ang ibabaw non, ''Mahal kita sobrang mahal kita. Wala na akong pwedeng sabihin pang iba. Kundi sorry talaga 'di ko sinasadya. Talagang sobrang mahal kita wag kang mawawala. Sorry na''


Forbidden Heart beats - (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon