Pagkapasok sa bahay ay kinuwento na agad ni Mario ang naging buhay nya matapos mawala si Ka Ben.
“Bakit ngayon ka lang kasi nagawi dito?”, tagal kitang inintay wika ni kuya mario.
“Eh kuya mario, kailangan ko tuparin ang pangako ko kay lolo”, wika ko dito.
Pagkatapos namin mag usap ay itinuro na nya sakin ang tutuluyan ko. “Pasensya ka na eli, hindi ko na to naaasikaso, binabantayan ko kasi ang anak namin ng ate mo”, wika nito sakin habang nangangamot na wari ko ay nahihiya.
“Ayos lang yon kuya mario, ang mahalaga, malinis pa din dito at walang agiw”, wika ko dito at natawa din sya.
“Hindi bale eli, dito ka na ba titigil?”, tanong nito sakin.
“Oo kuya”, sagot ko dito at nagpaalam na mag aayos na ng mga gamit.
Nang matapos akong mag ayos ay nagulat ako sa pagpasok ni kuya mario. “Eli?”, tawag nito sakin sabay abot ng isang pulang tela. “Ano to kuya mario”, tanong ko dito. “Buksan mo na lang, ang mahalaga ay natupad ko na ang bilin sakin ni Ka ben”, wika nito na halatang nag aalala.
Pagbuklat ko sa pulang tela ay napaso ako. “Aray!”, sigaw ko at nabitawan ko ang hugis pilapil na parang bato.
“Nakakapaso naman yan kuya mario”, wika ko kay kuya na halatang natatawa. “Oo nga pala, hindi pa oras”, rinig kong bulong nito sa sarili.
—————————————————————Maari bang mag komento ka tungkol sa ating panimula?. Salamat sa iyong suporta!
Paalala: Ang susunod na kabanata ay sa susunod na linggo.
Maari kang mag-iwan ng boto, maraming salamat!
Ang iyong tagasulat,
EANO
BINABASA MO ANG
MUTYA NG PILAPIL
ParanormalIto ay hango sa totoong istorya ni Mang Eli. Si Mang Eli, anak ni Ka Ben, ang manggagamot at manunugis ng aswang sa Sitio Dos. Dahil sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay napatay si Ka Ben ng isang supremo ng gabunan. Ito ay hindi alam ni Mang Eli...