PANIMULA

8 1 0
                                    

ERRORS AND WRONG GRAMMARS AHEAD.

Bagong umaga, bagong buhay. Yan na lamang ang masasabi ni Vianica Meren Jaquez sa bawat pag gising niya sa umaga. Ano nga bang magagawa niya eh sa edad na 27 ay single parin ito at walang pamilya.

Ngunit ng araw na iyon ay hindi na ganoon ang motto niya. Bagong umaga bagong pakikipag sapalaran. Dahil sa isang rason na sila lang Ang  nakakaalam.

Ulila na siya simula noong dalaga siya, namatay sa isang aksidente sa pinagtratrabahuan nitong pabrika ang kanyang papa noong sampong taong gulang siya. Lumipas ang limang taon ay sumunod ang kanyang mama na inatake sa puso.

Maaga man siyang naulila ay puno naman siya ng determinasyon at lakas upang makapag tapos sa pag aaral at makahanap ng magandang trabaho.

Nagtapos siya sa kursong Business Ad. Na hindi niya nagamit, dahil mas ginusto niyang mag trabaho sa kompanya ng kanyang ninong.

Kilala ang pinapasukan niya dahil sikat itong kompanya ng mga makabagong gadgets. Personal na Sekretarya siya ng bagong CEO ng kompanya.

Hindi rin niya alam kung bakit napunta siya sa ganung trabaho eh dati ay isa lang siyang simpleng empleyado ng kompanyang iyon.

Matapos mag muni muni ay tumayo na siya upang mag unat at mag simula sa araw na iyon. Kadalasan ay dapat nag aayos na siya sa umagang iyon dahil papasok na siya sa trabaho. Ngunit ang araw na iyon ay iba.

Iyon ang unang araw niya bilang Personal na Asawa ni Gabrielle Castril Montezor. Ang Boss niya noon na asawa na niya ngayon.

Lumabas siya ng kwarto niya pagkatapos na pagkatapos niyang mag ayos. Dumeretso siya sa kabilang kwarto upang kumatok roon. Pagka katok niya ng tatlong beses ay bumungad ang busangot na mukha ng asawa niya, na halatang nabulabog ang gising.

"Good morning, get ready, for you have a long schedule today, dear husband"   bungad niya rito.

Napansin niya ang pangangasim ng mukha nito siguro dahil sa pag tawag niya. May sumilay na miming ngiti sakanyang labi.

"Ill be there just give me 1 hour" habol nito.

"No, get ready NOW" sabi niya sa pinal na boses.

Wala namang magagawa ang kanyang asawa dahil siya ang masusunod sa araw na iyon. Napapangiti siya sa tuwing naaalala niya ang araw na iyon.

FLASHBACK√

"Let set rules" sabi nito pagka pasok namin sa mansyon nila. Kakatapod lang ng reception ng kasal at anong oras na den.

"Ok" walang ganang sagot niya. Inalis niya ang 4 inch stilleto na suot niya kanina pang umaga. Itinabi niya iyon sa tabi saka siya umupo sa sofa.

Umupo naman sa tabi niya si GC na halata ang pagod sa mga mukha. ~Hindi ko siya masisisi nakakapagod talaga ang mag raos ng kasal.~ sabi niya sa isip.

"Anong gusto mong ilagay na rules?" sabi niya pagkatapos ng mahabang katahimikan. Humugot siya ng papel at ballpen sa side table sa tabi ng sofa.

" This is plain work only no other feelings attach" anas nito habang nakapikit. Alam naman niyang makakaya niya iyon kaya sinulat niya agad sa papel.

"We must set schedule for who is gonna take in charge with each other, we are living in the sane roof so we need to be organized" sabi nito pagkatapos ng ilanh segundo. Napataas ang kanyang kilay, anong kineme nito?

"Ikaw wla kang sasabihin?" sabi nito saka nagmulat ng mga mata.

"Curfew in this house will be 10 pm, kapag na late ng uwi at walang valid reason malalagot. Bahala ang isat isa kung anong kapanagutan ang haharapin." sabi niya. Nakita niyang nagtaka ito sa sinabi niya kaya tinaasan niya ito ng kilay.

Matagal na silang magkakilala kaya ganoon nalamang ang pagturing nila sa isat isa para na nga silang magbarkada kaya madami ang nagulat nang malaman nilang ikakasal na sila. Dahil ang alam ng mga ito ay plain workmates lang sila.

Marami ang nagtatanong kung paano nangyare ito ngunit ngiti lamang ang isinasagot nila. Mahigpit ang bilin ni GC na sila lamang dalawa ang makakaalam sa rason ng kasalang iyon.

"Hmmm... Put there. No bringing of women/men inside the mansyon even in the subdivision it will be a big chaos if my parents will know about it" sabi nito. Sang ayon siya roon, may tiwala naman siya kay GC dahil halos araw araw ay sila naman ang magkasama at ni minsan sa 5 taong pagtratrabaho niya rito ay wala siyang nakitang babae nito. Ni nailink nga na pangalan ng babae ay wala. Nakakapag taka. Kapag tatanungin naman niya ito ay ang karaniwang sagot nito ay "no time for that" o di kayay "none of your business"

Isinulat nalamang niya iyon at nag isip.

"Physical touch is allowed but not too much touchy and this rules is just for show" sabi niya na tinangu tanguan ng lalaki.

*Marami pa silang ginawang rules, na isa isa nating malalaman sa bawat pahinang ating bubuklatin.*

END OF FLASHBACK

"Ok, ok im coming" sabi nito at hinayaang bukas ang pinto. Pumasok na siya sa kwarto nito at napailing.

Ang mga damit nito ng nagdaang gabi ay hinubad lang sa sahig at iniwan na roon. Habang ang kama naman nito ay hindi pa ayos.

Hindi niya alam kung saan nanggaling ang udyok na ayusin niya iyon. Nasa loob naman ng banyo ang lalaki kaya gagawin nalamang niya iyon.

Pagkatapos sa kama nito ay sinunod naman nito ang mga damit nitong nagkalat. Pinulot niya iyon at iniligay sa laundry basket nito na nasa tabi ng bukana ng cr.

Pinakeelaman na din niya ang mga damit nito dahil isa iyon sa rules ng lalaki. Ang pagsilbihan niya ito bilang asawa. Pumulot siya ng polo at slocks nito sa walk in closet. Kinuha rin niya ang blazzer at neck tie nito. Nasa labas ang sapatos nito kaya kinuha pa niya ito sa ibaba upang balikan ang hitsura ng lalaking nakatayo sa harap ng kama at hindi alam kung ngingiti ba o ngingiwi.

"Bakit may problema ba?" tanong niya rito.

"Wala hindi lang ako sanay na may naghahanda ng damit ko" saad nito at pinunasan ang basang buhok. Nakatapi lang ang twalya sa ibabang parte ng katawan nito at may hawak itong isa pang twalya.

Napalunok siya. Dahil nakita niya ang hubad baro nito.

"Staring is bad" saad nito sa nang aakit na tono. Nag taas siya ng tingin upang makita ang mukha nitong naka ngisi. Inirapan niya ito.

"Magbihis ka na, sumunod ka sa baba ipapahain ko na ang agahan" saad niya.

"Yes , dear wife" pang gagaya niya sa tono niya kanina. Napailing nalamang siya.

🌷

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MONTEZOR CLAN: GAB MONTEZORWhere stories live. Discover now