CHAPTER 2

137 3 0
                                    


"'OY yang mata mo!"

"Heto, nagpipyesta, bakit?" balewalang sagot ni Eunice sa katrabahong si Alice. Ni hindi niya nilingon ang babae sa halip ay lalo pang pinagbuti ang pagtanaw sa lalaking nagpapaganda ng araw niya.

"Hala ka! Matunaw 'yan hoy! Idedemanda ka ng mga magulang niyan."

"Hindi nila pwedeng idemanda ang magiging daughter-in-law nila, ano ka ba?" pairap na sagot niya sa kaibigan.

Wala siyang balak na ilayo ang paningin sa lalaking abala ng mga oras na iyon sa pakikipag-usap sa isa sa mga katrabaho nilang siya namang nakapuwesto sa kabilang panig ng workstation niya. Bakit ba? Eh swertihan na nga lang niyang makita ang lalaki dahil hindi naman ito madalas na naliligaw sa area nila kaya naman lulubos-lubusin na niya.

That tall and well-built body, that fair complexion and that mouth-watering smile. Napakapamilyar ng lahat ng iyon sa kanya. The guy was Ethan Alexis Monteverde. Yes, the very guy who made her heart fluttered the very first time they met.

Kung sa pag-aakala niya noong una niyang makita ang binata ay suntok na sa buwan ang makita itong muli ay nagkamali siya. Hindi niya alam kung anong kabutihan ang nagawa niya sa kapwa para pagpalain siya ng ganoon ng Maykapal dahil ilang araw pa lamang siya sa trabaho ay saka naman ito pumasok sa opisina nila. Literal pa nga siyang napanganga nang unang beses na makasalubong niya ito sa hallway. Agad ang pagbundol ng kakaibang kaba sa dibdib niya nang makita niya ito. Agad din niyang kinapa sa bulsa ng suot niyang slacks ang panyo nito na lagi niyang dala dahil nagbabakasakali siyang makikita niya itong muli. Handa na niyang iabot dito ang panyo nito ngunit matapos siya nitong nginitian ay basta na lamang siya nitong nilagpasan. Oo, nginitian naman siya nito ngunit halata sa aksyon nito na hindi siya nito namukhaan. Hindi siya nito nakilala.

Ilang araw din siyang na-depress dahil sa pangyayaring iyon. Kahit kasi isang beses lamang niya itong nakita ay umaasa siyang sa susunod na pagkikita nila ay mare-recognize siya nito. Ngunit nagkamali siya.

Ilang araw din siyang badtrip dito kahit na hindi naman nito iyon alam. Pagkalipas naman ng ilang araw ay nawala na ang pagka-badtrip niya rito. Na-realize din niyang hindi niya ito masisisi. Isang beses lang naman sila nitong nagkita. Hindi rin umabot ng kalahating oras ang naging pag-uusap nila nito. They were still strangers to each other. Nagkataon lang na alam niya ang pangalan nito. Come to think of it, ni hindi nga niya nasabi rito ang pangalan niya at hindi naman siya sigurado kung gusto din nitong malaman ang iyon.

At dahil lumipas na ang inis niya sa hindi nito pagkaka-recognize sa kanya ay naging hobby naman niya ang matiyagan ito sa tuwing mapapadpad ito sa area nila. IT support ang binata sa kompanya samantalang content editor naman siya. Madalas niya itong nakikita sa tuwing may aayusin itong computer na malapit sa workstation nila. Ganoon ang trabaho nito. Tumakbo takbo sa kung saan saang lupalop ng building na iyon para tumugon sa mga technical problems ng mga empleyado.

Hindi pa siya nakuntento sa pagsulyap-sulyap dito, maging sa tsismisan ng mga katrabaho niya tungkol sa binata ay pinapatulan na niya. Pakiramdam tuloy niya ay kilalang kilala na niya ito.

He was really a nice person, iyon ang na-confirm niya sa araw-araw yata niyang pakikibalita at paminsang pagsulyap sulyap rito. Sa tuwing may kakausapin ito ay palaging nakangiti ito. Magalang ito sa pakikipag-usap sa lahat ng empleyado roon at kahit madalas magpa-cute ang ilang empleyadong babae rito ay hindi ito snob. Ngingiti lamang ito at minsan ay sasakyan pa ang kalokohan ng mga kaopisina nila. Ni minsan rin ay hindi niya ito nakitaan ng kayabangan kahit pa sangkaterba ang babaeng nagpapakita ng pagkagusto rito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crushing On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon