Chapter 1

0 0 0
                                    

"Ate Belle! Order ako mamaya ng sinigang ah!" Sigaw ko sa kabilang kalye kung saan nandoon yung karinderya ni Ate Belle.

"Sige! Tatago ko na ulam mo, kunin mo na lang sakin mamaya!" Sigaw niya pabalik. Ngumiti ako at tinanaw ang magandang kapaligiran ng Barangay Siglo, tahimik at walang ka usok-usok 'di kagaya sa Maynila kung saan magkakasakit ka dahil sa init at usok na makikita mo sa paligid.

Tama nga yung desisyon kong umalis nalang, pwede ko pa naman ihabol ang pag aaral ko kapag nakaluwag na.

"Ate pabili nga ng banana bread, isang slice lang. Tiyaka tatlo pong Sea Salt Caramel latte." May pumasok na grupo ng magkakaibigan sa cafe, mukhang mga studyante base sa suot nila.

"Sige, saglit lang. Tatawagin ko nalang number niyo." Nagbayad na yung babae at bumalik sa kinauupaan nila.

Dahil sila lang naman ang tao ngayong umaga dito sa shop ay maririnig mo agad yung pinag uusapan nila, "Huy! Tingnan niyo oh, trending ngayon sa Twitter (X) si Luigi Alarcon. May kasama na namang babae. Diba may bebe na to?" Napatigil ako sa sinabi nila.

Luigi Alarcon, kilala man siya ng nakararami, pero mas kilala ko siya.

Ang fiance ko.

Hindi na ako nagulat sa mga nakikita ko sa internet, basta magkakilala lang kami pero hindi kami close. Parehas naman kasi kaming tutol  sa kasal na gusto ng pamilya namin, lalo na ako na 12 years old palang e engaged na.

Kaya heto ako ngayon, nung malaman na ikakasal kami ngayong taon– tumakbo na ako, dala-dala ang perang naipon ko sa bigay nila Mommy at Daddy pati na rin sa patagong small business ko simula Senior High.

"Check niyo to oh, may source daw na nagsabi na last niya na daw yun kasi ikakasal na siya? Eh kanino naman? Parang walang exclusive na naging jowa yan diba?" Kita ko ang pagsang-ayon ng kasama niya.

Kung yun ang balita, bahala sila diyan sa kasal-kasal na yan. Hinding-hindi ako magpapakasal sa siraulo na yan. Besides, hindi naman nila ako makikita dito, binago ko na rin ang phone at number ko. Tiyaka matagal na akong inactive sa mga sns accounts ko.

"Table number three!" Sigaw ko dahil tapos ko nang ihanda ang binili nila.

"Thank you" After nila kuhain ang order nila ay bumalik ako sa pag aayos ng gamit dito sa cafe.

"Huy! Sunod-sunod ang release ng San Abellana Group! Hindi daw totoo yung rumors about kay Luigi pero totoo daw na ikakasal siya kay Isla Leonardo."

"Sino yun though? Hindi ko siya kilala."

"Sira, check mo yung ig niya ang ganda ni girl!"

Omg, kailangan ko magtago. Pumunta agad ako sa inventory dahil baka mapansin nila na ako yung babae dun sa pictures. Hindi ko naman agad madedelete yung photos ko dahil makikita ng pamilya ko na nag online ako, lalo na yung mga kapatid ko na hindi ko sinabihang aalis ako.

Maingay padin ang pag uusap nila kaya naririnig ko ang nangyayari.

"Bigla namang nag post si Luigi ng story! May pa 'i miss you' at stolen pic pa ni ate girl ang pinost. Kakilig!" Huh? Panong stolen? Eh matagal na kaming hindi nagkikita niyan, 8 years ago pa huling usap namin!

Ano bang gusto nila? Niya?!

Akala mo multo, e practically hindi nga kami magkakilala. Siguro sila ni Kuya Bryle, oo, kami? Never!

Agatha, is it true? Si Agatha Alarcon ay ang nakababatang kapatid ni Luigi na kaibigan ko simula nung nasa sinapupunan pa kami ng mga nanay namin. Siya ang chinat ko para makumpirma yung stunt na ginagawa ng Kuya niya.

Yes, they're trying their best to find you! I don't know about Kuya Luigi though. He's insane! Hindi ko alam kung ano yung mga story na yun!

Okay, basta keep quiet na you're contacting me hah? I don't know what I'll do if they find out where I am. Hindi pa naman alam ng mga kapatid ko kung nasaan ako.

I'll do my best Isla, stay safe. I'll chat with you if there is something going on here.

Nag log out agad ako sa account ko kahit ibang pangalan naman gamit ko

Ako ngayon si Esmeralda Gomez. Dalagang babae na may kaya at galing sa Maynila.

Nag notif bigla yung dati kong phone from an unknown number "Huwag ka na mag tago, lagot ka sakin -Luigi"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secrets UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon