Gumising ako ng maaga dahil unang araw ng pasukan ngayon. High School na ko at ito ang unang beses ko na papasok sa school na iyon. New School, New Classmate, New Teachers and New Me. Sana magkaroon ako ng kaibigan at sana classmate ko pa rin yung mga tropa ko.
~~SCHOOL ~~
Hinatid ako ni mama sa school at dahil first day at first time ko sa school na ito ay medyo naninibago ako. Di na ko nagpasama kay mama na hanapin ang pangalan ko dahil malaki na naman ako at para din matuto naman ako ng magisa.
MAMA: Anak ayaw mo ba talaga na samahan kita hanapin ang room mo?
PRINCESS: Okey na ako mama kaya ko na ito. (sabay ngiti sa kanya)
Umuwe na si mama at ako naman ay nagumpisa na maghanap ng aking room. Di na ako nahirapan dahil nakita ko yung classmate ko dati at sinamahan ako kaso di kami magkaklase sa ibang section siya pero okey lang atleast nagkita kami kahit papaano.
Lumipas ang mga araw nagkaroon ako ng mga kaibigan. Di na rin masama sa gaya ko na INTROVERT dahil masaya na ko na may nakakausap at nakakasabay pauwe.
Isang araw nagkaroon ng tryout sa school. Nagpalista ang mga tropa ko dahil mahiyain ako ay di ako naglakas loob na magtaas ng kamay kahit gusto ko sumali. Buti nalang katabi ko ang isang tropa ko at pinalista ako kaya naging masaya ako dahil makakasama ko sila.
Nakuha kami lahat sa tryout. Naguumpisa na rin kami magpractice. At ngayon ay medical na namin masaya kami dahil pasa kami lahat. Dito rin maguumpisa ang pagbabago ng takbo ng buhay ko. Sa pagsali ko sa sport ay nakilala ko si Maam Nini.
Unang kita ko palang sa kanya ang gaan na ng loob ko sa kanya. Yung tipo na alam ko na magkakasundo kami.
~~~AT THE GAME VENUE ~~~
Nagsimula na ang laro dahil wala pa naman ako laban ngayong araw ay andito ako sa gilid nakaupo at nagbabasa ng libro. Mahilig talaga ako magbasa ng libro kaya pagumaalis ako ay lagi ako may libro sa bag kaya kahit wala ako ginagawa ay di ako nababagot. Habang nagbabasa ako ay manarinig ako na papalapit sakin.
MA'AM NINI: Ano ginagawa mo dito at magisa ka? (Tanong niya sakin)
PRINCESS: Maam kayo po pala. Wala pa po kasi ako laban kaya nagbabasa nalang po ako ng book para malibang po. Kayo po maam wala po ba kayo gagawin or pupuntahan? (Tanong ko sa kanya sabay ngiti)
MA'AM NINI: Wala naman ako gagawin kaya bumalik nalang ako dito. Bakit ayaw mo maggala-gala tulad ng iba mo ka team? Nakita ko sila kanina nagiikot-ikot.
PRINCESS: Okey lang po ako dito sanag na naman po ako ng magisa tsaka mas gusto ko po magbasa ng book kesa magikot mas nakakapagod po kasi iyon. Tsaka di naman po nila ako niyakag eh. (Sagot ko sabay balik ang tingin ko sa libro)
Nakita ko na para natahimik si maam kaya nagulat ako nung yakagin niya pumunta sa malapit na 7 eleven dahil may bibilhin daw siya at gusto niya ng may kasama. Pumayag naman ako kasi may parti sa puso ko na masaya na makasama at makausap siya. (Ano ba tong nararamdam ko tanong ko sa isip ko)
Masaya kami nakapagbonding. Lumipas ang mga araw. Naging close kami sa isat isa. Di ko nalang namalayan na masyado na pala ako malapit sa kanya.
Natapos ang school year at panibagong taon na uli masaya na ko na pumasok dahil marami na rin ako naging close dahil sa pagsali ko sa sport.
Nakaugalian ko na natumambay sa harapan ng clinic pagkatapos kumain ng lunch tahimik kasi doon at wala masyado nadaan na tao kaya nakakapag basa ako ng tahimik.
Hanggang isang araw pagpunta ko sa pwesto ko ay nakita ko si maam nini na naiyak sa loob ng clinic. Gusto ko siyang lapitan kaso may kausap siya kaya bumalik nalang ako sa upuan ko at nagbasa ng book di ko nakita kung sino ang kausap ni maam at di ko na rin nakita pa na lumabas ito dahil tumunog na ang bell.
Pabalik na ko ng room pero di pa rin mawala sa isip ko yung nakita ko na umiiyak si maam. Gusto ko tanungin kung okey lang ba siya pero nahihiya naman ako dahil baka sabihin niya chismosa ako at pakaelamera.
Kinabukasan ay napansin ko na para may iba kay maam parang may lungkot sa mga mata niya. Teacher namin siya sa science at sa unahan ako nakaupo kaya malapit ako sa kanya at nakikita ko na may problema siya dahil sa tono ng boses nito. Napapansin ko rin na tumititig siya sakin. May nagawa ba ko mali bakit nakatingin sakin si maam di mawala sa isip ko yun kaya hanggang matapos ang klase ay yun ang nasa isip ko. Wala ako gana kumain ng lunch kaya maaga ako nagpunta sa tambayan ko para magbasa ng book.
MA'AM NINI: Ang aga mo naman dito kumain ka na ba?
PRINCESS: Huh! (Gulat ko sagot)
MA'AM NINI: Sabi ko ang aga mo naman kung nag lunch ka na ba?
PRINCESS: Ah! Wala po gana kumain eh kaya po nagpunta nalang ako dito para magbasa. (Sagot ko sabay ngiti sa kanya)
Umalis siya ng wala kahit ano sinabi. Di ko nalang pinansin at bumalik sa pagbabasa. Mamaya ng konti ay nakarinig ako ng yabag at alam ko na may papalapit sakin di ko na tiningnan kung sino dahil alam ko na naman kung sino yung naglalakad na yun tatlo lang naman ang napasok sa loob ng clinic si maam nini, si maam regine at si maam mickey. Nagulat nalang ako ng magsalita ito.
MA'AM NINI: Halika sa loob kain tayo sabayan mo ko. Wala ako kasabay ngayon umuwe si maam mickey at maam Regine kaya sabayan mo na ko.(Sabi niya sabay ngiti)
PRINCESS: (Naguguluhan ako at napaisip na parang may iba kay maam) Okey po maam pero wait lang po at bibili po muna ako ng food. ( Sagot ko na may pagtataka parin)
MA'AM NINI: Wag na meron na ko nabili para sa atin ( Sabay hawak sa kamay ko)
Naguguluhan man ay sumama ako kay maam. Sinabayan ko siya kumain at sabi ko ako na ang maghuhugas ng pinagkainan namin. Pero di siya pumayag. Kaya di na ako nagsalita pa at humiga ako sa kama at doon nagbasa. Habang nagbabasa ako ay lumabas si maam para hugasan sa cr yung pinagkainan namin.
Di ko na malayan na nakatulog na pala ako habang nagbabasa. Nagising nalang ako ng tawagin ako ni maam at sabihin na time na. Bumangon agad ako at dali dali tumayo nagpaalam ako kay maam at nagpasalamat. Dahil sa pagmamadalu ko ay naundog ako sa pinto at agad naman tumayo si maam para lapitan ako. Nakita ko na tumayo siya kaya agad ako nagsalita na okey lang maam sabay ngiti at ng babye sa kanya.
Naguguluhan talaga ako sa mga kinikilos ni maam. Gusto ko man magtanong pero nahihiya naman ako dumalas ang pagkain namin ng sabay.
Makalipas ang isang linggo ay may narinig na naman ako sa clinic na para may nagaaway sa loob. Di ko nalang iyon pinansin at inilagay ko ang headset ko at nagpatugtog ng music para kahit papaano ay hindi ko marinig ang usapan sa loob.
BINABASA MO ANG
MOMMY KO SI MAAM
RandomLumaki sa isang simple at masaya pamilya si Princess siya ang panganay na anak at may roon siyang limang kapatid. Masaya ang pamumuhay nila kahit simple lang at walang material na bagay ay ayus lang sa kanila basta kompleto at masaya sila. Pero ang...