THEIA
"Salamat po, Miss Theia." Ngumiti ako sa isang binata habang bitbit niya ang aking libro. Sa wakas, patapos na ang aking last book signing event dito sa Cebu—bigla nalang ako nag reminisce sa mga college days ko dito. Hehe, yung panahon na introverted pa si ante niyo.
"Once again, the bestselling author, Miss Theia Celestine Castro!" I smiled once again at kumaway. I felt strange yet happy, parang may kulang. "Grabe ka, Miss Theia! Malapit na masoldout yung libro mo!" Ani kay Kaille, yung bestfriend ko na baliw, pero supportive naman so ayos lang.
Tumango lang ako kay Kaille, I didn't say a word, "Theia, alam ko ano yung nasa isip mo." Tumingin ako kay Kaille, "Gutom ka no?" Umiling ako sa kanya, "Alam mo, Kaille, mag STFU Challenge ka nalang diyan."
"May hinihintay kaba?" Kaille once again looked at me, pero ngayon, seryoso na siya. "H-Hindi no?! Sino ba naman siya para hintayin ko?" Umiling nanaman ako, ang cringe talaga tong lalaking to.
"So, arats na?" Tanong ni Kaille, gutom na gutom na ata to, "Mauna ka na lang Kaille. Pasasalamatan ko muna sina tito at tita, you know, for inviting me here para sa book signing."
"Rupok mo talaga, Theia Celestine."
"Tangina mo, Kaille Ylijah."
I gave him a sarcastic look, "O sige, mauna na ako. Meet me at Viking's dun sa 2nd floor." Umalis na si Kaille at habang hinihintay ko si tito at tita, Naglalakad-lakad ako sa bookstore, napagtanto ko na matagal na pala simula noong huli akong pumasok sa lugar na ito. Naglakad ako patungo sa fiction section habang sinusuri ko ang mga pahina ng mga libro.
I sensed someone beside me but I continued minding my own business. The smell of books fumed my senses. Somehow, I'm reminiscing about my life when I was in college. Always staying at the library or going to different bookstores to buy another book to read.
Pero tangina, I can really sense na may nakatingin sakin sa aking gilid. At lumingon ako.
"Just finished reading your book."
"K-Klein?" I stuttered.
Oops! Stop tayo diyan. Si ante niyo nag Wattpad moment! Before we continue, let's take a little trip nung college pa ako para maintindihan niyo kung ba't ganyan ang reaksyon ko.
This is the story of us.
• • •
The Story of Us
Creative Commons (CC) Attribution
YOU ARE READING
The Story of Us
Teen Fiction𝙆𝙞𝙨𝙨 𝙢𝙚, 𝙗𝙚𝙣𝙚𝙖𝙩𝙝 𝙩𝙝𝙚 𝙢𝙞𝙡𝙠𝙮 𝙩𝙬𝙞𝙡𝙞𝙜𝙝𝙩 𝙇𝙚𝙖𝙙 𝙢𝙚 𝙤𝙪𝙩 𝙤𝙣 𝙩𝙝𝙚 𝙢𝙤𝙤𝙣𝙡𝙞𝙩 𝙛𝙡𝙤𝙤𝙧 𝙇𝙞𝙛𝙩 𝙮𝙤𝙪𝙧 𝙤𝙥𝙚𝙣 𝙝𝙖𝙣𝙙 𝙎𝙩𝙧𝙞𝙠𝙚 𝙪𝙥 𝙩𝙝𝙚 𝙗𝙖𝙣𝙙 𝙖𝙣𝙙 𝙢𝙖𝙠𝙚 𝙩𝙝𝙚 𝙛𝙞𝙧𝙚𝙛𝙡𝙞𝙚𝙨 𝙙𝙖𝙣𝙘𝙚 𝙎...