Ang Boyfriend Ng Bestfriend Ko (1)

4.1K 52 1
                                    


PART 1






"Besssss!!.." isang sigaw ang narinig ni Clarissa mula sa sala ng kanilang boarding house.





Dali dali namang napabangon si Clarissa matapos niyang marinig ang boses ng kanyang bestfriend at pinuntahan ito agad agad. Pagkarating nito sa sala ay nandun nga ang kanyang bestfriend at may kasama siya na isang lalaki na hot and yummy.





"Akala ko naman kung ano na ang nangyari sa'yo Bianca.. kung makasigaw ka naman para kang nasunugan.." pagrereklamo naman ni Clarissa sa kanyang bestfriend na ikinatawa naman nina Bianca at ng kanyang boyfriend.





"Ciempre naman bes, kailangan ko talagang gawin yon noh.. alam ko kasing hindi ka agad-agad lalabas ng kwarto mo kapag simpleng tawag lang sa pangalan mo ang gagawin ko.." natatawa pa ring sagot ni Bianca kay Clarissa.





"Whatever.. siya nga pala.. napaaga ang balik mo sa boarding house ah.." tanong naman ni Clarissa sa kanyang bestfriend.





"Eh kasi bes, biglaan ang pagbisita ni Andrew.. ay siya nga pala.. bago ko nga palang boyfriend, si Andrew.. Andrew Tenorio.. sorry bes ha?? Ngayon ko lang siya ipinakilala sa'yo.. hindi pa kasi official that time.. hehe.." pagpapakilala naman ni Bianca sa kanyang boyfriend kay Clarissa.





"And babe, siya si Clarissa, Clarissa Molina.. pero don't be deceived dahil kahit mukha siyang babae, dati mo yang kumpare.. charot.. transgender siya.." pagpapakilala naman ni Bianca sa kanyang bestfriend kay Andrew sabay halakhak nito.





"Hi Clarissa.. nice meeting you.." nakangiting pakipag kamay ni Andrew kay Clarissa.





"Hello Andrew.. nice meeting you too.. gaga ka talaga Bianca.." pakikipagkamay din ni Clarissa sa boyfriend ng kanyang bestfriend.





"Dito pala muna siya titira bes ha kasi alam mo na.. bawal siya sa bahay eh.. strict ang ama at ina natin.." sambit naman ni Bianca kay Clarissa sabay tawa nito.





"Oh sige.. mabuti nga yon at may kasama tayong lalaki dito.. at least.. secure ang boarding house.." nakangiting sagot naman ni Clarissa sa kanyang bestfriend.





➖➖➖✖️✖️✖️➖➖➖





Magandang araw po pala sa inyong lahat, ako nga po pala si Clarissa Molina, 18 na taong gulang at nag aaral sa isang university na exclusive for girls nung una pero kalaunan ay tumanggap na rin sila ng transgender woman. At dahil malayo ang bahay ng aking mga magulang sa paaralan ko ay napilitan akong mag boarding house na malapit lang din sa university na pinapasukan ko. Sumalang ako sa operasyon na pagpapalit ng aking pagkatao sa edad na kinse (15) dahil yun yung minimum age para makapag undergo ng ganyang surgery.

At this age... I already had a lot of experiences pagdating sa s*x but I only one boyfriend and after that hindi na nasundan. I really hate commitments na after that... what I mean is... nung una ay gustung gusto ko talaga na maranasan na magkaroon ng boyfriend na pang matagalan pero palaging nauuwi sa lokohan so I decided to stop all these bullsh*t at mag stay na lang as single forever... hanggang hookups na lang ako kasi natrauma na ako sa relationships na yan eh.

And regarding naman sa bagong jowa ng bestfriend kong si Bianca... pang pitong boyfriend na niya itong si Andrew. Ewan ko ba kung bakit hindi pa rin nadadala itong bestie ko sa mga past experiences niya. Baka ini enjoy niya na lang ang mga nangyayari sa buhay niya... I may be her bestfriend pero I have limitations pagdating sa panghihimasok sa kanyang buhay.








Itutuloy...








---@spicelopez---

Ang Boyfriend Ng Bestfriend KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon