05

2 1 0
                                    

“Talk to me, ” napatigil si Dyessa sa pag lalakad ng makita niya si Calvin na papalapit sakaniya.

“Bakit?” tanong ni Dyessa, Naka kunot agad ang noo niya na para bang naiinis siya sa presensya ni Calvin.

Huminga ng malalim si Calvin saka tumingin kay Dyessa, Nagulat pa siya dahil hindi niya mabasa ang mga nasa mata nito.

“Nasa clinic ka kahapon? ” dahan-dahan na tanong ni Calvin.

Hindi alam ni Dyessa kung anong mararamdaman niya sa oras na yon dahil gulong gulo din siya.

“Yon lang ba tanong mo? ” naiirita niyang tanong, Halatang nag titimpi si Calvin dahil sa mga pag hinga niyang malalim.

“I'm dead serious Blain, ” seryosong saad ni Calvin.

Nagulat naman si Dyessa dahil sa tono ng boses ni Calvin, “Yeah. why don't you care? ” mataray na tanong niya.

Tumingin ng matalim si Calvin ngunit hindi ito nag tagal ay lumambot ito at umalis ng walang paalam.

what's with him?!

“Kyahhh! Roosu mahal kita! ”

“Ang pogi mo Taller! ”

“Pakasalan mo'ko Jes! ”

“I love you sobra sobra Min! ”

Iritang irita na si Dyessa dahil sa mga sigawan ng mga student, Opening ng intrams nila at kakatapos lang nilang mag parade at ngayon ball games na kaya ang wild ng mga babaeng student.

She have no choice kundi umupo sa belcher nila dahil meron ang adviser nila nag lilibot ito at nag checheck ng attendance.
Kaya hindi din siya umaalis dahil mag pe-perform na si Krizana.

“Let's welcome, LUC cheerdancer s! ” malakas na ani ng isang guro sa may stage.

Napatingin si Dyessa at nilabas ang cellphone niya upang kuhaan ng picture at video ang kaibigan niyang si Krizana.

“Shet pre ang hot ni Krizana, ”

“Don't talk to her like that, Don't you dare Santos. ”

“Yeah, Yeah you like her anyway. ”

Narinig ni Dyessa bulungan sa likod pero hindi siya lumingon dahil busy siya sa pag pipicture sa kaibigan niya.

After sumayaw ng mga cheer dancers ay may mga ssg na emce na lumalapit sa mga student para mag tanong at makikita ito sa big screen sa Gym nila.

Nasa ibabang parte siya ng belcher kaya hindi rin siya makaalis dahil na rin kitang kita siya, nagulat siya nang biglang tumapat sakaniya ang camera at nakita niya sa screen ang mukha niya.

“Hello pretty girl, ” nagulat si Dyessa ng lumapit sakaniya ang ssg officer nila.

Agad namang lumipat ang tingin sakaniya ng mga istudyante kaya naman kinakabahan siyang ngumiti, “May tatanong lang po,” sabi ng president nila.

“What is it?” pinipigilang mag taray ni Dyessa dahil naiinis siya sa mga tingin ng iba.

“For you what is the main problem of our campus po?” tanong ng lalaki.

Saglit na napa isip si Dyessa, “Well, The other teachers. simple as that, Wag na tayong mag lokohan kapag hindi ka gusto ng teacher may posibilidad na hindi ka ipasa, Favoritism.” lakas loob niya sagot.

Saglit na natigilan si Jae ssg president saka ngumiti, “Well said, Miss.” saad niya saka sila nag pasalamat saka umalis.

Nag palakpakan ang mga ibang student kaya naman napairap sa hangin si Dyessa, Nang ilibot niya ang paningin niya ay nakita niya si Calvin sa isang gilid kasa ang nurse at ibang red cross officers.

Take A Chance With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon