Prologue

3 0 0
                                    

Have you ever experienced dreaming that feels like real? 

"ahh!!"

"Nako late nanaman siya"

or seeing the same person in every dream that you have?

[Bilisan mo na, anong oras na? mag Fo-four Thirty na hoy! magbrobroadcast pa tayo]

Weird....

"HOY! SCARLLET GAIL VILLAFLOR IBALIK MO YANG SAPATOS KO!"

sigaw ni ate ng makapasok sa kuwarto ko

"Anong nagkapalit eh hindi ko naman ginagalaw yung sapatos mo?!" Singhal ko

"Anong hindi?! Kita mo to?" Duro niya sa likuran ng sapatos " May yupi yung likuran eh hindi ko naman tinatapakan to kapag nagtatanggal ako ng sapatos?!" Saad niya

"Aba malay ko! basta akin to! Ito yung sapatos ko eh may marka ko to!" sagot ko at mas niyakap pa ang sapatos ko

"Anong sayo? Amin na yan!"

"Bakit mo ba kinukuha eh akin to!"

"Ibalik mo na yan"

"Manahimik ka na late na ako!"

"Ibalik mo muna yang sapatos ko!"

"Ayoko nga!"

Naghatakan pa kami ng sapatos, feeling ko nga mapupunit na eh kaso..

"MGA BABAITA KAYO!" sigaw ni mama at pumunta sa direksyon ni ate. Hinatak niya ito

"Ikaw lea alam mo ng malalate tong kapatid mo ginugulo mo pa" kinuha ni mama ang bag ko at sinabit sa balikat ko

"Iwan mo muna yang sapatos mo, yung isa muna gamitin mo ah para maano ng ate mo kung asan yung sakanya" saad ni mama at inayos ang buhok ko

"Ayaw mo pa kasing magpaawat" singhal ni ate

"Lea"

"Sorry na po" sagot naman niya

"I'll leave it here na po, mama, sorry magbabaon nalang po ako ng niluto niyo malalate na po kasi ako. Aalis po yung bus mga 5:30 eh" sabi ko

"Sige nak ayusin ko na yung lunch box mo" tinapik niya ang balikat ko at oumunta na ng pinto "walang magaaway ah" saad niya at isinara na ito

"Ito kasi eh" singhal ko

"Bleh"pangaasar naman niya " magingat ka sa fieldtrip niyo ah, eto extra mo" dagdag pa niya at inilagay sa kamay ko ang 500 pesos

"Thanks"

Bumaba na ako pagkatapos kong ayusin ang buhok ko at ang damit ko

4:20 am

Hays masasapak talaga ako ni marie neto

"Ma alis na po ako!" Sigaw ko at dumiretso na ng pinto

"Oh nak baon mo" saad niya at binigay sa akin ang lunch box ko "magingat sa biyahe, wag magpaulan, kung mainit naman suotin mo yung sumbrero mo, tapos wag lumayo kay marie" bilin pa niya

"Opo, dito na po ako ma at hinahantay po ako ni marie" saad ko

"Bay~bay~" paalam naman sakin ng baby boy namin

At umalis na nga ako

Nine minutes lang naman ang papuntang school kaya saktong sakto sa start time ng broadcast ang pasok ko

[Paalala, isiping mabuti kung may nakalimutan ba o nasalising gamit sa inyong bag, siguruhing may mga dalang gamot ang mga nagsusuka o madaling mahilo sa bus, Huwag kalimutan ang bus no. ,  Huwag lumayo sa mga kaklase o guro upang hindi mawala sa ating pupuntahan ]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 06 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

If Dreams becomes TrueWhere stories live. Discover now