It's been a while since that happen pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko, medyo iniwasan ko si Kris dahil sa mga sinabi niya, tao lang din naman ako nasasaktan.
Ang tagal ko na rin pinipilit na kalimutan "siya" kaso ewan ko ba
Isang beses tinuon ko na lang ang pansin ko sa classmate ko na crush ko din kasi parang mas may pag asa ako dun pero mas lalo lang akong na "brokenhearted" kuno kasi paasa si guy tapos nanlalandi siya ng ibang babae.
Ilang beses ko ring isinumpa sa isip ko ang mukhang intsik na lalaking yun ang masaklap pa hulaan mo kung sino ang nilalandi niya tama ka ng iniisip
Siya nga ..ang babaeng nagbibigay sakin ng insecurities si Kris ewan ko ba
Sabi kasi ni intsik kamukha daw ni Kris si Janella . Ay ewan kaya mas lalo akong naging ilag kay Kris kaso nung natauhan ako naisip ko wala naman talagang kasalanan si Kris eh kaya bakit ko siya iiwasan,,
Real talk ang dami dami kong insecurities kay Kris simula dati pa.. Pero ewan ko ba ,hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin na unti unting nagbabago si Kris sa tuwing pinupuri siya parang lumalaki ang ulo niya.. well praning lang ata talaga ako.
Gusto kong makita si c2 ,kaso pauwe na ako at hindi ko pa din siya nakikita sa school ang alam ko naman medyo gabi na yung uwi nila sa araw na yun .
Lilinawin ko lang hindi ako stalker alam ko lang na ganun yung uwe nila sa araw na yun kasi isang beses may nakausap ako na kaklase niya at ang sabi niya ee may p.e sila at hanggang 7:30 pa sila.Hanggang sa makauwe na ako wala pa din hinayang na hinayang ako kasi 2nd na siya at 2year course lang yung kanya at ggraduate na siya in two months .
Nagugutom na ako at wala akong stock na pagkain sa boarding house kaya lumabas ako para bumili ng pagkain .Malapit lang sa boarding house ko yung school kaya napadaan ako hindi ko maiwasan na hindi mapatingin kasi baka sakali na nandun siya kaso wala kaya nag diretso na lang ako..
Pabalik na ako ng boarding house dahil busog na ako. nang medyo tanaw ko na ang school may nakita ako na kaklase niya at dun pa lang pinagdasal ko na na sana wag ko siyang makita kahit kabaligtaran talaga ang gusto ko,,pero yun ang pinagdasal ko kasi ang pangit ng hitsura ko naka short lang ako at tsinelas at suot ko din yung shirt ko na may nakasulat na EXO tapos gulo gulo pa ang buhok ko,,
kaso mahina ata ang dasal ko kasi nakita ko siya na patawid ng kalsada at makakasalubong ko na siya
Yuko yuko wag mo kong titingnan c2
Please naman kaso pag tunghay ko omyG nakatingin siya sa akin.
Oh please sana lamunin na ako ng lupa ngayon din
BINABASA MO ANG
The guy in the black jacket And nerdy glasses
Teen FictionTungkol po ito kay Kaye at sa kanyang misteryosong crush na hindi nya kilala .