Chapter 1: Bestfriend

59 4 0
                                    


Chapter 1

Bestfriend

~~~~~

"Hoooy Pan-duck!"

Tss! Eto na naman 'tong lalaking 'to. Kasisimula palang ng pasukan, pang-aasar  na kaagad ang ibubungad sa akin.

"Oh bakit na naman bakulaw?" Bati ko naman sa kanya pagpatong palang ng braso niya sakin.

"Wala naman. Na-miss ko lang kasi yung BEEESTFRIEND ko."

Ay! Ini-emphasize pa talaga ung Bestfriend ha! Oo na! Hanggang bestfriend nalang talaga. Kainis! Bakit kasi sayo pa ko nagkagusto eh! Kahit alam ko naman na malakas kang mang-asar, nagustuhan pa rin kita. At lalo na nung naging bestfriend pa kita at mas nakilala. Kainis lang talaga. Barilin nyo na nga ko sa puso ng matapos na ang pagtibok nito para sa kanya. Ahaha. De joke lang. Mahal ko pa naman sarili ko, kahit papaano. Pero mas mahal ko na ata siya.

Right-side: Hoy! Maghunos dili ka Krisha! Wala kang mapapala jan sa bestfriend mong asungot!

Left-side conscience: Meron kaya, antali-talino  niya kaya, pasado na ako kaagad pag katabi ko siya. xD

Right-side conscience: Ibang usapan yan. Ibang usapan din sa pag-ibig Krisha. Kaya pigilan mo na yang nararamdaman mo hanggang maaga pa! Baka mas masaktan ka lang pag pinalalim mo pa yan.

Left-side conscience: Lagi mong tatandaan, nasa huli lagi ang pag-sisisi. Wala sa umpisa. Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Minsan kailangan mo rin magsakripisyo, para sa ikakasaya mo at ng mga tao sa paligid mo.

"Pandak! San ka pupunta? Dito na ung classroom natin oh."

Bigla akong nabalik sa realidad. Oo nga, sabi ko nga eh. Lagpas na ko sa classroom namin. Buset kasi tong lalaking to eh. Pinabayaan lang akong magdirediretso. At napakalaking utang na loob pa ang pagtawag niya sakin kung hindi baka nakaabot na ko sa kabilang dulo ng hallway. Archi-A1 kasi ang section namin, so it means unang classroom kami. Eh ten rooms pa man din dito sa Ground floor kaya malayo-layo din yun. At maganda nun, tinawag ako nung bakulaw nung nasa pang-6th room na ako.

"Ah eh tiningnan ko lang naman kung may mga nagkaklase na sa ibang section. Hehe. Wala pa kasi tayong teacher eh anong oras na." Sabay tingin sa relo ko. "Hehe. Maaga pa pala."

"Nakuu. Palusot ka pa pandak. Sinilip mo lang yung crush mo dun eh, sa Archi-A6 ba yun?"

Umupo ako sa tabi nung bakulaw. "Crush na naman daw eh." Samantalang ikaw nga yung crush ko eh, matagal na.

"Pakilala mo naman sakin yung crush mo pandak ano?" Sabi niya sakin pero di ko pinansin.

"Sige na kasi pandak. Sige na sige na." This time naman tinutusok-tusok nya ung tagiliran ko. Ang kulit naman nito. Pano ko naman ipapakilala yung sarili niya sa kanya, aber? Sige nga, pa-explain.

May kanya kanyang kwentuhan pa sa loob ng room ng biglang pumasok yung teacher namin. Math ang first subject, isa sa paborito kong subject pero hindi naman ibig sabihin nun lagi ko ng perfect ang exam. Hindi ganun, paborito ko siya kasi pag nagsosolve ako ng problem nakakawala ng stress lalo na kapag nakukuha ko ung tamang sagot. Sinasuggest ko rin ito sa mga kaibigan ko pag may problema sila, kaso ang sabi nila sakin mas nakakadagdag lang daw ng stress sa kanila, sabi pa sariling problema nga daw hirap na sila tapos bibigyan ko pa ng isa pang problema. >. < Seriously? Bakit sakin gumagana naman ito. Subok na subok na nga sakin kaya ko ini-advice sa kanila. -.-"

"Good Morning Class!" sabi nung teacher pagkapatong ng gamit niya sa table.

"Good Morning Sir!"

Naku, mukhang maeenjoy ko ang pakikinig every Math time ah. Pogi kasi nung teacher mwahaha!

"Archi-A1, tama?"

"Yes Sir!"

"Okay, may nakakakilala na ba sakin dito?" I-open niya ung marker at nagsulat sa white board. So, Tristan Clifford Acosta pala ang name ni sir, mai-add nga sa Facebook mamaya.

"I am Tristan Clifford Acosta, you can call me Sir Tris or Sir Cliff or Sir Acosta or which you prefer okay lang."

Pwede ba sir tawagin kitang heart o love, okay lang? Ay landi ko! Hahaha yaan na nga lang, di naman kasi napapansin nitong bakulaw nato na may gusto ako sa kanya ayan tuloy kung ano ano naiisip ko.

Kinalabit ko ung katabi ko, sino pa nga ba? Edi ung bakulaw. Lumapit siya sakin ng bahagya tapos may binulong ako. "Best, ang pogi ni sir." Tapos bumulong din siya. "Kaso ang balita ko, bakla daw yan."

"San mo naman napulot yang balita mo na yan?"

"Haha joke lang! Magkasalubong na naman yang kilay mo oh. Ang cute mo talagang bwisitin." Sabay patong ng kamay sa ulo ko at saka niya ginulo.

Argggh! Wala ka talagang ibang alam kundi busitin ako, pero teka.. sabi niya c-cu-cute daw ako? Lalo na pag naiinis? Ay, ano ba yan! Sa halip na magagalit sana ako sa kanya at di ko siya papansinin, nawala nalang bigla un. Bat ba kasi ang sweet ng bestfriend ko sakin? Kaya ko siya lalo nagugustuhan eh. :(

May kumalabit sakin. Ah, si best pala.

"Bakit?"

"Tayo ka na, ikaw na magpapakilala."

Ay, oo nga pala. As usual dahil first day, ganito lagi ang gawain after nun, discussion ng grading system at pag mabait ang teacher, magbibigay kaagad ng assignment.

Tumayo na ako at nagsimulang magpakilala.

"Hello classmates, good morning! My name is Krisha Isabel Villaroel. I'm 17 years old turning 18 this September. And I came from the province of Aurora. I hope we can all be friends."

Pabalik na ako sa upuan ko tapos tumayo na si Drake papunta siya sa harap. "Kulang pa, ng height." Sabi nung bakulaw pagkasalubong niya sakin.

Oo na, kulang ang height ko, nahirapan ang magulang ko sa pagpapalaki sakin, kasi hindi naman talaga ako, literally, lumaki, in short pandak! Buset talaga, kung ibigay niya kaya sakin ung kahit konting katangkaran niya. Hindi ung minamaliit ako, eh maliit na nga ako.

"Good morning classmates! I am Drake Anthony Delgado. I'm 18. I'm from Aurora. I hope we, guys, will be in good terms until the end of this semester."

Pagkatapos niya magsalita, ngumiti siya at naglakad na pabalik sa upuan sa tabi ko. Di ko maiwasang titigan ang mukha ni best. Ang gwapo-gi niya kasi, lalo na pag nakangiti. Lumalabas tuloy ung dimple niya sa kaliwang pisngi. >. <

~~~~

AN: Waaaa!! Hindi ko na talaga maisip kung paano ko pagsasama-samahin ang mga details ng story na 'to.. Nakakabaliw pala. :3 Sorry guys. :(    

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Best Of BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon