TUMATAKBO ako papalayo mula sa aminong sumusunod sa akin. Gabi na at inabot pa ako ng malakas na ulan mula sa labas. Dumadagundong ang paligid dulot ng malakas na kulog na siyang sinamahan pa ng kidlat. Natatakot ako na baka hindi na ako abutan ng bukas dahil sa nilalang na humahabol sa akin.
Ulila na ako at isa akong scholar ng paaralang pinapasukan ko. Isa akong part-timer sa isang café na siyang pagmamay-ari ng kapatid ng professor ko. Ni minsan ay hindi ko pa nakakasalubong ang mismong may-ari ng café dahil sa madalas raw itong nagkukulong sa kanya’ng opisina.
Nakapangigilabot ang gabi dahil sa naririnig ko ang nakaririnding iyak ng uwak. Kahit na sumigaw pa ako ay walang tutulong sa akin dahil walang tao sa paligid dahil sa mga sarado na ang mga tindahan at establisyimento. Parang nawala ang aking boses dahil sa takot na pumipigil sa akin.
Desperado na ako sa aking sitwasyon. Humarap ako kinuha ko ang dos por dos na siyang nakasandal sa pader ng eskinitang dinadaanan ko.
“Ano bang kailangan mo sa akin?” ang sigaw ko.
Lumabas ang isang uwak na tila gawa sa anino. Halos maihi ako sa takot dahil ngayon lamang ako naka-engkwentro ng ganitong klaseng nilalang.
“Hindi pa ako p’wedeng mamatay! Pay day ko bukas!” ang sigaw ko at hinampas ko siya ng dos por dos na siyang hawak ko.
Tumagos lamang ang dos por dos na siyang hawak ko. Halos mapagod lamang ako sa aking pinaggagawa. Nagulat ako nang biglang nagsalita ang uwak sa aking harapan.
“Dapat kang mawala sa mundong ito! Ikaw ang dahilan kung bakit malapit niya na akong malimutan!” ang sigaw ng uwak na siyang humahabol sa akin.
Napaupo ako sa aking kinatatayuan dahil sa takot na baka gawin akong hapunan ng uwak na nasa harapan ko. Napapikit ako dahil sa hindi ko kayang tingan ang sarili ko bilang isang barbecue na kinulang sa laman.
Wala akong naramdaman na kahit ano sa aking katawan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at unang nakita ko ang paglalaho ng uwak. Sa paglalaho nito ay siyang kasabay ng paghina ng ulan at ang pagtigil ng kulog at kidlat.
Napatingin ako sa taas na bahagi ng establisyimento at nakita ko ang isang babaeng tila nagco-cosplay dahil sa kanya’ng kasuotan. Hawak niya ang isang itim na balahibo na marahil ay nagmula sa uwak. Tumalon siya sa aking kinatatayuan at matiwasay siyang lumapag sa lupa. Tila hindi tao ang aking kaharap ngayon.
“Maswerte ka at napadaan ako. Muntikan ka na sa Malheur na iyon. Teka ayos ka lang ba?” ang tanong niya sa akin.
Tumango naman ako at tinulungan niya akong tumayo. “Ang mabuti pa ay sumama ka sa akin. Mahirap na baka lagnatin ka,” ang sambit niya.
Para siyang manika sa Victorian Era. Ang pagkakaiba wala siyang headdress. Tuwid na tuwid ang itaas na bahagi kanya’ng buhok na dinaig pa ang nagparebond.
Tila hindi siya nagmukhang basang- sisiw dahil sa hindi man lang naglamutak ang kanya’ng make-up. Sa ilang minutong paglalakad ay nakarating din kami sa aming pupuntahan. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong nasa Raven’s Café kami. Ang Raven’s Café ang tinutukoy kong pinagtatrabahuhan ko.
Pagpasok namin sa loob ay tumambad sa amin ang mga kaluluwang ligaw na siyang nakapila sa loob ng café. Sinalubong kami ng isang pamilyar na tao kaya binati ko siya.
“Magandang gabi po, Sir Freyr.”
Napatingin sa akin ang taong binati ko at bakas sa mukha niya ang pagkadismaya. “Hindi ako si Freyr. Pero kakambal ko ang tukmol na iyon,” ang paliwanag niya sa akin.
Tiningnan ako ng babaeng kasama ko at bakas sa mukha niya pagtataka. “Bakit kilala mo si Kuya Freyr?” ang tanong niya sa akin.
Napakamot na lamang ako sa aking ulo dahil wala ata silang ideya na isa ako sa mga part timer nila. “Part-timer po kasi ako ng café na ito tuwing umaga at sa university naman ay estudyante niya ako sa isang subject,” ang paliwanagko sa kanila.
YOU ARE READING
The Raven Seeker
ParanormalEulalia Ashford is a twenty-year-old girl with the ability to see misfortune by seeing a raven spirit near a person. One day, her life changed when she encountered Ulysses Wendell Veluz, the son of a renowned archaeologist. The adventures begin as t...