CHAPTER 1:
DEAN'S POV:
Hello. Ako nga pala si Hendrick Dean C. Joe (a/n: Dean is pronounced as De-yan) , American-Spanish-Chinese-Filipino dami noh? United nations. Haha. 15 yrs. old 4th year na ako sa pasukan sa Princeton University isang exclusive school. Tahimik akong tao maliban na lang sa bestfriend ko at sa mga kaibigan ko. Wala na akong ama, namatay siya nung 6 yrs. old pa lang ako hindi naman kami nahirapan financially dahil masasabi kong nakakaangat kami sa buhay. Matalino ako (hindi naman sa pagmamayabang)1st ako sa'min pero hindi parin ako ganun kasaya. Mahilig akong magbasa, kumain, matulog, maggitara at marami pang iba malalaman niyo na lang. Haha. Gwapo daw ako, perfect guy daw. Sabi nga nila na sa'kin na daw lahat mabait daw kasi ako. Matangkad, maputi, matangos ilong, katamtaman lang katawan, blonde, etc. in short gwapo nga. Pero ni minsan di pa ako nagkaroon ng girlfriend.
Ayan na, naging nobela na. haha. Okay, back to reality!
-----
HOY HENDRICK DEAN JOE! -Lystra
Natauhan ako bigla. Ang bestfriend ko talaga napaka-ingay! Hayyy, siya nga pala si Lystra Sison. Ang baliw kong bestfriend.
Bakit babs? Problema mo? -ako
Babs tawag ko sakanya, babs=baboy. Di naman siya mataba pero anlakas kumain! Dinaig pa akong lalaki. Pero bilib ako kasi di siya tumataba. Haha
Kanina pa kaya kita kinakausap, tulala ka lang jan! -Babs
Boses mo naman! Magkatabi lang po tayo. -ako
Tse :P Di ka pa nasanay. Gutom na 'ko libre mo 'ko. -Babs
Sige na nga ng manahimik ka. Ano gusto mo? -ako
Kahit ano. Bahala ka. Sabihin mo pa demanding ako. -Babs
Sus. Nahiya pa. - Bulong ko sa sarili ko.
Anong sabi mo?! -Babs
Wala sabi ko bibili na ako. Hintayin mo 'ko jan.-ako
Bibili na 'ko ng pagkain namin ni babs, Shawarma na lang tas frap. Takaw talaga niya. Nasa mall pala kami ngayon, wala lang nabore kasi kami pareho kaya naisipan namin pumunta dito. Bakasyon kasi di bale malapit naman na pasukan 3 days na lang.
Habang nakapila ako, naalala ko bigla yung sinabi ni babs, tulala daw ako kanina. Bakit nga ba? Ahh, naalala ko kasi yung narinig ko kagabi. May kausap si mommy sa phone at di ko sinasadyang marinig yun.
Sir, your order please. -yung nagtitinda
Oh, sorry. 2 large shawarma with cheese please. -ako
300php. sir. - yung nagtitinda
Inabot ko yung bayad at inabot niya na din yung order ko. Tinamad na din ako bumili ng drinks namin ni babs kaya bumalik na 'ko sa kinaroroonan niya. Gusto ko na umuwi, di pa rin kasi natatanggal sa isip ko ang mga salitang narinig ko. Hindi ako makapaniwala.
Oh pagkain mo. Tara uwi na tayo. -ako
Tss. Aga aga pa. -Babs
Bahala ka basta ako uuwi na. Tawagan mo na lang si Liam. -ako.
Fine fine. Shuuu alis! -Babs
Tinawagan ko na yung driver ko at umuwi na ako. Hindi ko alam kung nagkamali lang ako ng dinig, pero di maari. Tss. Ayoko na nga isipin. Matutulog na lang ako.
Matutulog na sana ako ng biglang tumunog phone ko na nasa table sa tabi ng kama ko. Si Steve nagtext, isa sa mga kaibigan ko.
From: Steve
DEAAANNN! MALAPIT NA PASUKAN! YES!
-end of text message-
Akala ko naman kung ano. Tss. makatulog na ngaaaa.
LYSTRA'S POV
Ang weird ni Dean ngayon ah. Di naman siya ganun. Problema nun? Ako nga pala si Lystra Sison bestfriend ko si Dean. Netong 3rd year lang naman kami naging close niyan ni Dean e. Siya kasi yung kaisa-isang taong tumulong sakin nung down ako. Nagkasabay sabay kasi mga problema ko nun. Niloko ako ng boyfriend or should I say EX-boyfriend ko nun tapos yung parents ko naman eh muntik maghiwalay ng dahil sa'kin.
*Flashback
Nandito ako ngayon sa Junior's park sa school. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang sakit sakit. Ang bigat bigat sa dibdib! Di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Tapos may biglang tumabi sakin.
Lystra, right? Ayos ka lang ba? Eto oh. (sabay abot ng panyo) -Stranger.
Hindi ko inabot yung panyo. Niyakap ko nalang siya at umiyak ng umiyak. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun, alam ko nagulat siya pero eto lang magpapagaan ng damdamin ko ngayon.
Pasensya ka na huh? (inayos ko ang sarili ko)-ako
Ayos lang. (sabay ngiti ng nakakamatay. haha naisip ko yun? watebuuurr) -Stranger
Ano nga palang pangalan mo?-ako
Seryoso di mo ko kilala?-stranger
Hindi. Gwapo ka nga pero di kita kilala.-ako
Tumawa siya bigla.
Hahaha. Classmates tayo. ^-^ -Stranger.
Oh? talaga? Ba't Di kita kilala? -ako
Ewan. Hendrick Dean Joe. (sabay abot ng kamay) -Stranger
Ah oo, ikaw pala yung first ng class. -ako
*end of flashback
Simula nun naging close na kami. Mabait kasi siya sobra. Siya na naging sandigan ko sa tuwing may problema ako.
Kaya nga
Hindi na
bestfriend ang tingin ko sakanya
KASI
MAHAL NA MAHAL KO NA SIYA
______________________________________
A/N: PASENSYA NA PO. DI KO ALAM KUNG PAANO KO SISIMULAN EH. Haha. Maganda naman pero yung plot na naiisip ko kaya keep reading! :D Maga-update ulit ako mamaya.
COMMENT
VOTE
Become a fan :D
BINABASA MO ANG
Boundary Between Us
Teen FictionSi Dean ay isang simpleng lalaki kahit na matatawag na siyang "perfect guy." Hindi pa kailanman nagmahal ng ibang babae si Dean bukod sa kanyang ina. Subalit nabago ang lahat ng iyon nang may makilala siyang isang imperfect girl. Akala niya noong un...