Friend Request

40 0 1
                                    

Hi, ako nga pala si Jun, at nasa ospital ako ngayon, dinadalaw ko yung kaibigan kung naka confine. Nabulag sya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Gusto nyu malaman ang kwento?… mabuting wag mo nalang basahin ang mga susunod kong sasabihin.

Nangayari ito ng mag-isang naiwan sa bahay ang kaibigan ko, dahil umalis ang kanyang tatay at pumunta daw sa kanyang malayong kamag-anak, sila nalang lang dalawa ng tatay nya ang nakatira sa bahay dahil iniwan na sya ng nanay nya nung sya’y bata pa. Hating gabi na pero hindi pa inaantok ang kaibigan ko kaya't nag facebook muna sya. Pag ka login ay napansin nyang meron syang isang friend request…. , chineck nya muna ang profile nito, pero wala syang nakitang pictures, tanging logo lng ng facebook ang kanyang profile picture. Natuwa sya sa apelyido nito dahil weird, kaya’t inaaccept nya nalang ito. Mga ilang minuto ay nag message sa kanya ito, at sinabing “Thanks for the accept” . sakto at naka online pa ito… kaya’t naisipan ng kaibigan ko na kausapin yun, tutal hindi pa naman sya inaantok.

Sumagot ang kaibigan ko ng “welcome" naisipan ng kaibigan ko na itanong ang apelyido nito… “totoong surname mo ba yang “Baboycar?” hahaha .. sorry ah nagtatanong lang”…. sumagot naman ito .. “ah hahaha uu totoong surname ko yan.. ewan ko rin kung bakit ganyan eh” …. Sumunod nun ay nagtanungan na sila kung anung edad, at kung taga saan sila. Nagkasundo naman sila sa kanilang mga napaguusapan tungkol sa kanilang mga buhay buhay. Di namalayan ng kaibigan ko na halos 3 oras nya na palang kausap si Baboycar kaya’t naisipan nya ng ipag pa bukas nalang ang pag uusap nila at mukang tinamaan na rin sya ng antok. “Ay, inaantok na ko, bukas nalang ulit, tulog na ko.. tulog ka na rin.. haha.. thx ah, sarap mo palang kausap.” .. sumagot naman ito pero.. nagtaka ang kaibigan ko sa sagot ni Baboycar. “Ay sayang, papunta na ako sa inyo eh, wag ka muna matulog..” … sumagot naman ang kaibigan ko “ ha? Hahaha.. pupunta ka ngayon? Madaling araw na...!” ….

Maya maya ay sumagot kaagad ito… “Nandito na ko… nandito na ko sa harap ng bahay nyo” ….. nagulat ang kaibigan ko sa sinabi ni Baboycar.. “Ha?… panong nangyari yun.. eh hindi mo naman alam address ng bahay namin?” natatawa lang ang kaibigan ko habang binabasa ang sinasabi ni Baboycar.....pero sumagot ulit ito “Nandito na ko sa loob ng bahay niyo..” … sinasakyan lang ng kaibigan ko si Baboycar .. “hahahaha, oo na, oo na… pano bukas nalang ah?” … mag lologout na sana ang kaibigan ko ng biglang sinabi ni Baboycar na…. “Teka, laro muna tayo” . . . . hindi na sana papansinin ng kaibigan ko ang sinabi ni Baboycar, pero nagsimula ng matakot ang kaibigan ko sa mga sumunod na nabasa nya.

“Nasa likod mo na ko” .. . napatulala nalang ang kaibigan ko sa screen… sa sumunod na sinabi ni Baboycar. “laro tayo ng… “wag kang lilingon” .. hanggat di kita nahahawakan sa balikat.. wag kang lilingon sa likod mo.. ok?.”… nagsimula ng kabahan ang kaibigan ko… lilingon na sana sya sa kanyang likuran ng may narinig syang naglalakad sa kanyang likuran… at mukang dahan dahan itong putungo sa kanya… natakot na ang kaibigan ko, dahil sya lang mag isa ng mga oras na iyon, kaya’t imposibleng magkaroon ng tao sa bahay. Naka lock din ang mga pintuan at bintana kaya’t imposible ring may makapasok ng basta basta sa loob.

Rinig na rinig na ng kaibigan ko ang yabag at lakad ng mga paa sa kanyang likuran.. … takot na takot na ang kaibigan ko at napaihi nalang sa kanyang inuupuan. Nararamdaman nyang malapit na ito sa kanya….papalapit ng papalapit… haggang sa… napalingon sya bigla sa kanyang likuran sa sobrang takot …..pero paglingon nya'y.. wala syang nakita. takang taka ang kaibigan ko dahil … walang katao tao sa kanyang likuran… nilibot nya ang tingin sa buong kwarto pero walang tao……. Medyo nawala ang kaba nya.. … napatingin sya sa monitor at nagulat sa nabasa nya sa sinabi ni Baboycar… “SABI KO WAG KANG LILINGON!!!!!”….. sabay may bigla nalang tumusok na matulis na bagay sa mga mata ng kaibigan ko… hindi nya alam kung saan galing iyon…. Nagdugo ang kanyang mga mata…. At napasigaw nalang sa takot “WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!”…. Nang mga oras na iyon ay hindi pa tuluyang nabubulag ang kanyang mata , may nakikita pa kahit papaano ang kanyang kaliwang mata…….nailibot pa nya ang tingin sa kwarto at may nakitang nakatayong tao sa harap ng computer,.... na nangingisay ….halos pula na ang balat nito sa sobrang daming dugo, hindi nya matukoy kung babae ba ito o lalaki dahil hanggang baywang lang ang nakita nya. Mula noon ay wala na syang maalala.

Tamang tama, kinaumagahan ay nakauwi na ng bahay ang tatay nya at naidala kaagad sya sa ospital. Yan ang kwento ng kaibigan ko sa tatay nya nung nagkamalay sya. O, edi alam nyu na kung bakit?. Oh sya paano, salamat sa pakikinig sa akin, ako nga pala ulit si Jun Baboycar. Add ko nalang kayo, pa accept na lang.

The END

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friend RequestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon