Haligi

39 2 0
                                    

Ako si Erlane, isang spoiled bratt, mainitin ang ulo at laging galit sa mundo. Ang kasama ko sa bahay ay ang aking ama pero wala kming ibang ginawa kundi mag-away, kung turingin ko sya ay hindi parang tatay...ni hindi ko nga sya tinawag na "daddy" "papa" o "tatay." "HOY" lang ang tawag ko sa kanya.

Hanggang isang araw, may nakilala akong isang lalaki. Siya si James. Niyaya niya akong manuod ng sine. Pumayag ako pero ayaw ng tatay ko. Hindi ko pa daw gaanong kilala si James. Baka daw mapahamak ako, pero nagpumilit ako. Panibagong away naman namin iyon. Umalis ako sa sala ng galit sa aking ama.

"Ang pangit ng umaga!!" Matapos kong sabihin ito umakyat ako sa kwarto para maghanda sa panunuod ng sine kasama si James.

Pagdating ko sa mall, andun na sya. Ang saya ko talaga! Nasabi ko sa sarili ko..."Siya na nga!!! Ang mamahalin ko.."

Habang naglalakad kami ni James, may isang lalaki ang tumawag sa akin at ang inis ko ng makitang ito ay ang aking walang kwentang ama.

"Erlane, andito pala kayo..siya ba si James? Ako nga pala ang ama ni Erlane.."

"Huh?? Anong ama ka dyan?? Sino ka ba?! James tayo na nga! Baka may masamang balak siya sa atin.." sabi ko..na para bang totoong hindi ko sya kilala.

Iniwanan namin ang ama ko na parang may lungkot sa mukha. at umuwi ako sa amin ng inis na inis at umusok ang tenga bat ba kasi nagpakita pa sya!! Pagpasok ko sa pinto.

"Oh? Maganda ba ang sineng pinanood nyo ni James?"

"Pakialam mo ba!! Umalis ka nga sa harapan ko! Baka kung ano pang magawa ko sayo! Grr...."

Dumaretso ako sa kwarto ko at bubulong-bulong pa ng nakakasakit na salita. Hindi ko na napansin na napaluha pala ang aking ama. Kinabukasan, pagbaba ko galing sa kwarto, nakita kong maraming pagkain sa lamesa..

"Oh gising ka na pala!! Sabay na tayong kumain. Ako ang nagluto nito..."

"Hoy ikaw!! Hindi mo ba talaga makuha?? Ayoko sayo! Wag ka na ngang magsumiksik sa buhay ko! Dapat kasi hindi mo na ako kinua kay mommy! Mas masaya pa nga ako nung hindi pa kita nakikilala! Ayoko sayo! AYOKO!!" aalis na dapat ako pero bigla syang nagsalita....

"Hindi kita kinuha sa mommy mo! Siya mismo ang nagbigay sayo.. Kaya nga ginagawa ko ang lahat para tanggapin mo ako.. BILANG AMO MO..."

"Sinungaling!! Dahil sayo namatay si mommy! Namatay sya sa lungkot! Dahil kinuha mo ako! Mamamatay tao ka!!"

"May sakit ang mommy mo! May cancer sya! Kaya nga ibinigay ka niya sa akin..."

"Hindi ako naniniwala sayo! Salot ka sa buhay ko!! SALOT!!!"

Kinabukasan, umalis ako ng maaga upang hindi na siya makita pero paglabas ko ng bahay, nakita ko si James, may kasamang ibang babae, magkaawak kamay at naglalampungan sa gitna ng kalsada. Kaya sinugod ko sila...

"Sino siya!!! Akala ko ba, ako ang mahal mo??"

"Huh? Niyaya kitang manood ng sine pero wala akong sinabing mahal kita.."

Halos gumuho ang mundo ko. Wala akong nagawa kundi umiyak habang bumabalik sa kwarto ko. Pagbalik ko sa bahay maghapon akong nanatili doon. At nakita ang aking amang WALANG KWENTA pero inamin ko, kulang yung araw ko.

Kinagabihan, mag-isa lang ako sa bahay.

"Nasan na kaya yung lalaking yun!! Pambihira!! Hindi man lang ako iniwan ng makakain bago sumama sa kabit niya!! Kung andito lang si mommy!!"

Maya-maya'y tumawag si James. Laging gulat ko...nang sagutin ko.

"Wag ka nang magpaliwanag! Kung ano ang nakita ko! Yun ang paniniwalaan ko!!"

Pero tahimik si James at mababa ang boses...

"Hindi ito tungkol sa atin Erlane.. Naaalala mo ba ang lalaking nagsabing ama mo daw siya? Yung nakita natin sa mall..."

"Well I don't care about him."

"Nasa ospital sya ngayon... Sinagip niya ako... Muntik na ako mabangga ng trak kanina, pero tinulak nya ako at sya ang nasagasaan.."

Nangilabot ako sa sinabi niya. Hindi ko namamalayang tumulo pala ang luha ko. Kaya pala hindi ko siya nakita magapon. Napagpasyaan namin ni James na pumunta siya sa ospital... Ang nakapagtataka pa, Bakit nya ginawa yun?

Pagdating naming sa hospital, gising pero nanghihina. Pinilit nyang iabot ang kamay nya sa kamay ko at pinilit magsalita.

"Anak..A-alam k-kong mas m-mag-gi-ging mas-saya ka s-sa piling ni J-james kes-sa sakin.. M-mag-iingat ka pa-lagi a.. A-alam k-ko, kung m-mamatay ako nga-ngaun. Si-siguro mas sa-saya ka pa.. M-mahal na ma-hal kita-a.."

Nanginig ako at napilailing.

"Papa! Wag mong sabihin yan! Hndi ka mmatay!" hinigpita ko ang hwak ko sa kanyang kamay. Luhaan, nakaluhod ant nanginginig pa.

Ngumiti sya.. " S-salamat na-m-man at t-tinawagm-mo din akong p-pa-pa..Ang t-tagal ko n-ng g-gustong m-marinig yan m-mula sa'yo.. Pasen-sya ka na kung ma-di-dis-apoint na n-nman kita p-pero..h..hi..n.d..i ko..n..a k..a..y..a...."

Pumikit na ang kanyang mata, bumagsak ang kanyang kamay mula sa akin, ntahimik ang paligid.. maya-maya'y narinig naming ang tut-tut-tut-tut."

Nanghina ako at npayakap kay papa. "HINDEEE!!!!!"

"Bakit ganoon? Kung kelan ko siya natanggap, saka pa sya kinua sa akin? Pwede bang ibalik ang pnahon? Sana malaman nya na nagsisisi na ako at kung nasaan man siya, sana mapatawad pa nya ako."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HaligiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon