It’s all in the Past
written by: CrazyLittleFaithy
This is the story of how my heart died. I loved him with all my heart but he gave me pain in return. Well, I can’t blame him; there are a lot of pretty girls than me.
But before I start my story, I want to introduce myself. I am Daniella Drei Corpuz, average height, fair skin, and curly hair. I’m not pretty, but I am not ugly. Hindi ako kasing bongga ng ibang mga babae, simple lang ako, pero pinaniwala nya ako na hindi yun hadlang para mahalin nya ako ng totoo. But he lied.
So here it goes, this is how it starts….
~
Academic year 2008-2009: Senior year in high school. I met him. He’s a transferee. He’s not that handsome during that time but that doesn’t stop me from falling in love with him.
Niligawan niya ko. Sinagot naman siya ng lola mo. First boyfriend ko siya. He’s caring, sweet, and thoughtful, he’s Luis Lazaro. Masaya ako pag kasama siya. Pag nag uusap kami, parang may sarili kaming mundo. Lahat na yata nasa kanya. Sobra yung mga effort niya, lahat ginagawa niya para sa ikaliligaya ko. Akala ko okay na lahat. Inakala kong forever na tong relationship na to pero hindi. Nagkamali ako. Dumating yung point na nagbago lahat.
After semestral break, nag decide syang maging varsity, napasali siya sa basketball team ng school namin. He became very popular. Naging habulin siya ng babae. Nagseselos ako, pero nahihiya akong aminin sakanya. Nabawasan yung time niya sakin. Naging sobrang busy siya.
One time, pumunta ako sa practice nila. Nabagot ako sa paghihintay na matapos yung practice kaya pumunta muna ako sa washroom, baka haggard face na ko eh. :P
So ayun na nga, habang nasa loob ako ng cubicle, I heard two girls talking.
“I have major chika to you!”
“Ano yun teh?”
“Last week, someone asked me on a date.”
“Really? Who?”
“Luis Lazaro”
“Huwaaaat! Emergersh! Luis lazaro? The basketball guy?”
“Yes darling! Super mega kilig nga ang lola mo eh!”
That broke my heart, gusto kong lumabas ng cubicle para awayin yung dalawang babae na nagkwekwentuhan pero nanghina ako ng sobra. Wala na akong ibang nagawa kundi makinig sakanila.
“tsaka diba last night I was sick, my parents are not around so he volunteered himself to take care of me! Kilig daba?”
“OH MY G! Haba ng hair atey, kaso diba may girlfriend siya? Wala na ba sila?”
“Don’t care, Mas maganda naman ako dun noh! HAHAHAHAHA!”
Sobrang sakit na ng mga naririnig ko . Lumabas ako ng cubicle, tinitigan ko lang babae, oo nga, mas maganda nga siya sakin. Hindi ko na nagawang magsalita, tumakbo na lamang ako. Bumalik ako sa gym para kunin yung gamit ko. Kaso nakita ko si Luis na nakaupo dun sa inupuan ko kanina. Kumaway siya sakin habang papalapit ako, pinahid ko yung mga luha ko at nginitian ko siya ng parang okay lang ang lahat.
“Hi babe. Musta”
He asked.
“I’m fine. Ikaw kamusta kana? I was so worried, di mo sinasagot yung phone calls ko last night.”
Lets see how good you are when it comes to lying.
“Sorry ha? I was sick last night, maaga ako nakatulog kaya di ko nasagot mga tawag mo.”
Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Infairness, magaling mag sinungaling. Kundi ko lang alam ang totoo baka naniwala na ako sakanya.
“Bakit ka tumawa? Don’t tell me natutuwa kang may sakit ako?”
He pouts. Pss. Nagpacute pa ang loko.
Nakita ko sa gym yung dalawang babae na narinig ko sa washroom kanina. Tinuro ko yung isang babae.
“Kilala mo siya?”
I asked him
“No, why?”
“Hahahahahhahahahahah!”
Pilit kong tawa.
“Alam mo ba babe narinig ko silang naguusap kanina sa CR, alam mo ba sabi nung isa dun niyaya mo daw siyang mag date tapos may sakit daw siya kagabi kaya inalagaan mo siya. Grabe nakakatawa noh? Di yun totoo diba? Kasi may sakit ka sabi mo eh? Diba diba”
Tuloy tuloy kong sabi at hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Gusto kong sabihin niya na hindi totoo yun, na ng iimbento lang yung babae. Pero hindi. Imbis na itanggi nya lahat, nag sorry siya. Matagal na daw niyang gusto yung babae na yun. Hindi lang daw niya masabi sakin kasi ayaw niyang masaktan ako. Grabe diba? Ang sakit sakit. That day, I ended our relationship. Gumraduate kami ng Highschool ng hindi nagpapansinan. Naging bitter ako dahil sakanya. Nung nag college ako, naiisip kong sa wakas makakapag move on na ko, dahil hindi ko na siya makikita, pero mali nanaman ako. Naging classmate ko yung bago niyang girlfriend. Kaya ayun, nagkita nanaman kami.
Academic year 2010-2011 Second year college.
Umamin siya na nagkamali siya na pumayag siya sa break up namin. Naniwala naman si tanga. Aminado naman kasi akong mahal ko padin siya. Naging third party pa ako sa relationship nila ng classmate ko. Sa loob ng tatlong buwan naging kuntento ako sa ganung set up kasi panatag ang loob ko na kahit may girlfriend siya, ako pa din yung mahal niya. Pero dumating yung time na nalaman nila yung sikreto namin. Nakipag break si Luis sa classmate ko pero di to pumayag. Tinakot niya pa si Luis na magpapakamatay siya pag nangyari yun. Syempre natakot ang abnormal sa banta ni Classmate ko kaya mas pinili nya yun at heto ako, naiwan nanaman mag isa. Ang tragic diba? Nag transfer ng school yung babae. Di nanaman kami nagkita ulit ni Luis. Nawala ulit lahat ng connections namin. Ang sakit sobra, umasa nanaman ako. Kahit ganun, patuloy ko pa rin siyang minahal. Tanga tangahan ang peg ko. Nakalimutan ko palang sabihin na ang kwentong ito ay kwento ng katangahan.
Year 2013 : College graduation ko
May lumapit sakin na lalaki, may dalang roses, syempre kilala nyo na kung sino, kasi isang lalaki lang naman ang pinag uusapan natin dito eh. Sino pa? Edi siya nanaman. >.<
Wala na daw sila ni Ex classmate. Nung narinig ko yun, may dalawang bagay na nagtatalo sa isip ko: Una, Siguro nga kami talaga sa isa’t isa.kasi sa sobrang dami ng napagdaanan namin, ilang beses na kaming nagkahiwalay pero bumabalik pa din kami sa isa’t isa. Yung pangalawa naman, nagsasabi na Tama na, masyado na kong nasaktan. May posibilidad na mangyari ulit yung nangyari dati. Hanggat di ko pinapakawalan ang sarili ko sakanya, paulit ulit lang ako masasaktan.
Alam nyo ba kung sino ang nagwagi? Yung pangalawa. Naisip ko na ito na yung time para paganahin ko yung utak ko. Nung sinabi niyang single na siya ulit, aminado pa din akong siya pa rin ang laman ng puso ko. Pero napagtanto ko na hindi porket gumagawa ng way ang tadhana para magkita kami ulit eh ibigsabihin nun na soulmate na kami. MInsan tini-test lang talaga ng tadhana kung gaano ka Katanga.
Nginitian ko lang siya ng panahon na yun at nakipag shake hands as a sign na friendship na lang ang kaya kong i-offer sakanya. Nirespeto niya naman ang naging decision ko.
Nakakatuwang isipin na naikwento ko ang lahat ng iyan ng magaan sa aking loob. Sa wakas, kaya ko na ring sabihin na NAKAPAG MOVE ON NA KO. :D
Hindi puro puso ang pinapagana sa pag ibig. Dapat sinsamahan din yan ng utak. I realized that there are things that are not worth fighting for. Mahirap mag base sa emotions. Madalas pinag lalaruan lang tayo niyan. Emotions can lead us into confusions. Di lahat ng bagay na nagpapasaya satin ay tama. Sa ngayon, mamahalin ko muna yung trabaho, pamilya, kaibigan at sarili ko. Life is not a fairytale, di lahat ng bagay aayon sayo. We should be wise when it comes to decisions. Lagi tayong may choice, depende na sa atin kung ano ang pipiliin natin. :))))))
“When God knows you’re ready for a commitment, he’ll reveal the right person, under right circumstances”
-Anonymous

BINABASA MO ANG
It's All in the Past (One-Shot Story)
No FicciónLife is not fairy tale. This is REAL Life. It's not about happy endings, its about the lessons that you learned. Read and appreciate. ;)