Chapter 07

1.7K 42 3
                                    

Malapit lang sa isang shopping mall kami pumunta, may isang coffee shop kaming pinasukan at doon nalang kami nagdesisyong kumain. Habang naghihintay kaming tawagin para sa order ay umupo kami sa isang lamesa sa gitna. Binaba ko lang muna ang pinamili ko sa tabi kong silya.

Paitaas na nakatukod ang dalawang braso ni Oxford sa lamesa. He clasped it together, he rested his chin on it while looking around the uncrowded room.

"Hindi ka ba mahuhuli sa flight mo?" Nanhahalukipkip kong tanong.

Binalik niya ang tingin sakin at binaba ang braso. "No, mamaya pa naman." sagot niya at chineck ang relong suot sa bisig.

Kung makapagsalita siya ay parang hindi busy. Nakuha niya pang magmall kanina nang makita ko siya pero wala siyang dala na kahit anong binili maliban nalang sa telepono niya na sinuksok sa bulsa.

"Yung mga lalaki kanina... mga kaibigan mo ba sila?" tanong ko pagkatapos ng tatlong segundong katahimikan.

Nagtaas siya ng kilay at nangalumbabang nakatingin sakin. "I knew them."

Napangisi ako. "Hindi mo talaga inaanim na may mga kaibigan ka. Pwede kang umamin, huwag ka lang mahiya sakin."

He tsk-tsked but he grinned. He crossed his arms against his chest. "They are. But will warn you that they're the worst men in the universe." he said, lifting the corner of his lips.

"Bakit naman?"

He lifted his shoulders and brought down for a second. Ayaw niyang sabihin sakin pero okay lang dahil siguro may mga lahing hindi magandang ugali ang mga kaibigan niya pero base sa nakita ko kanina sa mall ay parang tinutukso siya ni Noe. At yung Phoebian ay mukhang mabait naman pero para sakin ay hindi siya approachable kasi mukha ding masungit.

Ako ang kumuha ng inorder namin kasi ako naman nagyaya na kumain sa isang malapit na coffee shop. Nagsimula na kaming kumain, nakayuko akong sumubo dahil panay ang tingin niya sakin pero patuloy lamang akong kumain hanggang sa matapos.

"Ang tahimik mo." sambit niya nang punasan ko ang aking bibig gamit ang tissue.

"Ganito lang talaga ako kapag kumakain." sagot ko pero ang totoo niyan ay nag-aalangan ako dahil panay ang tingin sakin.

"Hmm? Takot ka ba sakin dahil kanina?" Bigla niyang tanong, mabuti nalang at tapos na akong uminom kundi ay baka nabilaokan na ako.

Agad akong umiling na nakatingin sa kanyang mga mata. Oxford had the pair of familiar chocolate eyes. "Hindi, bakit naman kita katatakutan?" sagot ko.

He shrugged his shoulders and wetted his lips. "I don't know. Dahil sa inugali ko kanina kay Noewe?"

"Hindi naman. May mga kaibigan din akong kagaya niya pero hindi ko sinasaway kasi kapag mas lalong sinasaway ay nagiging pasaway."

Napahalakhak siya sa sinagot ko. Ganun ako sa mga kaibigan ko kapag makulit sila kaya bakit naman ako magagalit sa kanila?

"I really like you, Billie Areizaga, you're express a lot even though it doesn't to be heard. But I quite like that attitude of yours." he expressed and so my face turned on like a heater. Lalo na ng pasadhan niya ako ng inaantok niyang tingin, para siyang palaging nang-aakit.

Tipid lang akong ngumiti dahil nahihiya ako.

Hindi kami nagtagal ni Oxford sa coffee shop pagkatapos namin. Siya ang nagbayad ng kinain namin bago niya ako ihatid sa apartment. Todo sorry ako sa kanya kasi ang dami kong dala at naistorbo ko pa siya dahil hinatid niya naman ako. May driver siyang kasama sa kotse niya para kapag umalis siya ay maiuwi ang kanyang sasakyan sa bahay niya.

Oxford Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon