Reconciliation

142 6 0
                                        

Becky's POV


Sa bar counter ako deretsong pumunta pagkalabas ko ng VIP room.

Hinanap ko kung nasaan sina ate. Kilala naman ako ni Billy, ang barestang naka duty ngayon.


"Punatahan nyo nalang daw po sila sa office nila maam Becky bilin ni maam Faye kanina."sagot niya sa tanong ko.


Tumango ako at akmang tatalikod na ng muli siyang magsalita.


" Sorry po pala sa nangyari kay Freen. Wala po akong balak na lasingin siya. Ayoko po sana siyang bigyan ng alak kaso nambabanta eh kaya tinawagan ko ang boss ko para ipaalam sa kanya na andito si Freen sa bar."nakayukong hingi niya ng tawad sa akin.


"Naah, it's ok. No worries.But next time be firmed sa kung anumang utos ng amo. Puntahan ko lang amo mo sa office."sabi ko saka tumalikod na.


" Tawagin nyo lang po ako pag may kailangan kayo maam. "habol pa niya sabi sa akin.



Nasa harap na ako ng opisina nila.

Kinakabahan ako.

Kumatok muna ako sa pinto ng opisina bago pinihit ito ng makarinig ako ng tinig na nagsasabing pwede na akong pumasok.

Pagkapasok ko nakita kong nakasalampak ng upo si ate Tina sa sofa nang office niya while ate Faye is standing infront of her.


They're like arguing on something pero tumahimik lang sila pagdating ko.

Napapahimas pa sa kanyang sinitido si ate Tina palatandaang tumatalab na ang ininom nitong alak dahil sumasakit na ang ulo nito.


"Nakatulog na ba siya?" tanong ni ate Faye sa akin pagkalapit ko.


"Opo". maikling sagot ko sa kanya saka yumuko.


Nakaka intimadating talaga pag siya kaharap ko.


"Saan ko kayo ihahatid?" kapagkuway tanong niya na nagpa angat ng aking ulo.


Nakatitig lamang siya sa akin.

Kaya umiiling ako bilang pagtanggi sa plano niya.Masyado na namin silang naabala.


"A-ako nalang po ang magdrive ate." nauutal kong sabi pagkatapos.


Napalingon silang dalawa sa akin.


"Are you sure?" may halong pag-aalala sa boses nito.


Alam rin kasi nila ang sitwasyon ko. Di ko itinago sa kanila kahit di kami masyadong malapit sa isat isa.

Pero simula nung makarecover ako galing sa aksidente lagi na niya akong kinakamusta kaya alam niya yung nangyayari sa akin.


"Ihatid mo nalang sila Hon, bukas nalang natin ipakuha ni Freen ang sasakyan niya or ako nalang maghahatid sa sasakyan niya bukas. "ani ni ate Tina na halatang ayaw sa gusto kong mangyari.

HEAVEN KNOWS (GL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon