22: Again
Hindi ko alam kung ano pang hinihintay ko at hindi pa ako pumapasok. Hinatid pa ako nila Scarlett papunta dito. Hindi nga lang nila ako hinatid nandito sila. Gusto nilang makita si Casey. Nagtatago lang sila, hindi ko nga alam kung saan sila nagtatago. Siguro sa mga halaman na kung saan mahahalata pa rin sila.
Gumising lang sila ng maaga para sa akin.
Nang bubuksan ko palang ang pinto ay nagulat ako nang bumukas ito bigla. Dapat nga hindi na ako nagugulat dahil hindi naman ako solo sa room ko. Pero ang nakakagulat dahil si Casey ang bumukas ng pinto.
She stared at me just for a second and she quickly looked away.
Handa na rin siguro siyang pumasok dahil nakaayos na siya.
"Ah...Casey." Pagtawag ko palang sa pangalan niya ay bigla siyang lumabas at lumakad palayo.
Hindi niya ako pinansin.
Agad na tumulo ang mga luha ko.
"Sis! Okay lang 'yan kasalanan mo eh." Niyakap agad ako ni Scarlett.
"Okay lang 'yan," sabi ni Elodia habang hinahaplos ang buhok ko.
"Siguro napahiya mo talaga siya, okay lang 'yan," sabi ni Scarlett. "Kasi kung gusto ka talaga hindi naman titigil 'yan."
"Wag ka ng umiyak may pasok pa tayo."
Hindi ko mapigilan ang iyak ko dahil nandon na eh. Bakit kasi kailangan kong mag-react ng ganon? Ang sakit tuloy.
"Pwede ba akong makitulog sainyo mamaya?" tanong ko kay Scarlett. Sabay pa silang pinupunasan ang luha ko.
"Sige," sagot ni Scarlett. "Kawawa ka eh."
Pagkatapos ng kadramahan ko ay umuwi na rin sila dahil kailangan pa nilang mag-ayos. Ako naman ay agad na naligo at nag-ayos.
"Oh prinsesa, bakit ang lungkot ng mukha mo?" Napalingon ako kay Max at umiling lang ako bilang sagot.
"May problema ba kayo? Grabe namang problema 'yan. Si Casey rin umuwi kagabi lasing tapos ngayon ayaw ako pansinin haha umalis nga agad eh. Naabutan mo ba? Tsaka ikaw anong ginawa mo kagabi bat hindi ka umuwi?"
"Ang daldal mo eh 'no?" sagot ko sa kanya.
"Woah galit?"
Huminga ako ng malalim at itinuon nalang ang pansin ko sa pagpapatuyo ng buhok ko. Babalik ba ako sa zero or step one nito? Hindi ko nga natapos ang mga step to get my crush's attention tapos ito ang nangyayari.
"Sorry na, I just don't like this kind of presence guys." Rinig kong sabi niya sa likuran ko.
Ngayon paano ko 'to aayusin? O aayusin ko pa ba? Kailangan pa ba? Pagkalabas ko ng room at habang naglalakad ako palabas na ng dormitory ay binuksan ko ang sociant ko at marami ng messages sa group chat namin.
Scarlett: girl! May rumors na kumakalat sa school!
Elodia: OMG! ANG CRUSH KO! NOOOO!
Kumunot ang noo ko. Bakit ganito ang mga sinasabi nila? Kailangan ko pang mag-back read.
Scarlett: May boyfriend na raw si Casey!
Elodia: at ang boyfriend niya ay yung crush ko!
Scarlett: so bakit ka pa niligawan? Well chika lang naman. Asan ka na ba?!
Boyfriend? May boyfriend na si Casey?! Sino?! Eh bakit niya ginawa 'yon para sa akin kagabi?
Elodia: Remember Steven? One of the hottest guys in our school? Siya daw T_T
Alessia: Teka! Nalilito na ako!
Scarlett: Honestly, last week ko pa 'to naririnig sa iba. Syempre hindi ko pa naman nakikita kaso nakikita sila namin ngayon!
Alessia: asan na ba kayo?
Scarlett: Sa University, sa coffee shop!
Hanggang sa makasakay ako ng bus ay napapasapo ako sa noo ko dahil sa sakit ng ulo ko. Wala nga akong ayos na tulog kagabi. Iniisip ko pa nga kung paano ko kakausapin ulit si Casey tapos ngayon may ganito?
Ayoko na! Akala ko ba pag-aaral ko lang ngayon ang proproblemahin ko?
Kailangan kong itatak rin sa isipan ko na Architect student ako, paano kung bumagsak ako dahil kaka-crush ko. Kasi naman andon na eh! Andon na!
Nang makarating ako ng University ay agad akong dumiretcho sa coffee shop.
"Girl! Kakaalis lang nila," sabi ni Elodia nang makarating ako. They also ordered coffee for me.
"Sila?" I asked.
"Si Casey mo at si Steven ko," sagot niya.
"Wait, boyfriend niya talaga?"
"Sabi nila, pero parang hindi naman. Pero most of their friends are teasing them," sabi ni Scarlett. "Kaya we don't know."
"So anong sinasabi niyo ngayon?" tanong ko.
"Pero alam mo hindi naman kami naniniwala dahil niligawan ka nga diba, kaso...parang ang labo rin yata na magkagusto siya sayo? Dahil I mean, she's gorgeous tapos ang gwapo ni Steven."
"Oo na!" sigaw ko sa kanilang dalawa. Tinakpan naman agad ni Scarlett ang bibig ko.
"Umaga pa lang ang daldal mo na," sabi niya sa akin. Tinanggal ko naman ang kamay niya sa bibig ko.
"Girl, may mas malaki pa tayong problema kesa diyan. Halika na, pasok na tayo," sabi ni Scarlett at kailangan pa nila akong hilain para makatayo lang ako at makaabot sa mga classes namin. Marami pa kaming gagawin sa class and I'm distracted.
--