"Ms. Simmone!"Napatingin ako sa harapan nang biglang sumigaw si Ms. Chin.
Napalunok na lang ako at sinalubong ang tingin ni Ms. Chin. Sobrang kaba ang nararamdaman ko dahil lahat sila ay nakatingin sa akin.
"Umagang-umaga hindi ka nakikinig ano ba yang pinagkaka-abalahan mo?", galit na tanong ni Ms. Chin.
"It's nothing ma'am. I'm sorry makikinig na po ako".
Kabado bente-bente na toh jusko.
"Answer this question then", Ms. Chin looked at me while scanning her book.
Napatingin ako sa kaibigan ko. Tumatawa pa hayssss. Inirapan ko na lang siya.
"What's the largest organ that human have?", Ms. Chin asked.
"Skin", proud na sagot ko. Kahit na hindi ako nakikinig may alam ako noh.
Hindi ako brainless. Lutangness lang.
I'm Kim Simmone Clemente and Summer was my nickname. Studying at Trensworth Academy.
"Okay good you may sit".
Agad akong umupo at binuklat ang aking libro . Nag- lecture pa si Ma'am hanggang sa mag alas dose na. Inaayos ko ang aking mga gamit nang biglang lumapit sakin si Marie.
"Summer lutang moments", pang-aasar nito. Inirapan ko na lang at wala ako sa mood makipag-asaran. Napatingin ako sa labas hayss.
The sun shines so brightly and the sky is clear. The white clouds are like marshmallows...
"Bakit ka ba kasi nakatingin sa labas?", tanong ni Marie.
"Ewan".
I saw a man earlier... Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.
"Hoy tara na lunch. Huwag ka na mag imagine dyan maubusan pa tayo ng bicol express", pag-aaya ni Marie habang tinutulungan akong ayusin ang mga gamit ko.
Malapit na kami sa cafeteria nang bigla akong akbayan ni Justine. Justine was my friend since grade school. Sobrang close namin like magkapatid. Ginulo niya ang buhok ko. Inirapan ko na lang siya at dumistansya.
"Wow, mukha ba akong germs para dumistansya ka? Wala ka sa mood no Sum?", tanong nito. Alam niya na ang sagot kaya hindi na ito umimik at nag-aya nang pumasok sa cafeteria. Mahaba ang pila sa cafeteria kaya siya na ang pumili ng kakainin ko. Ibinaling ko na lang ang aking tingin sa labas. A man caught my eyes. He's the guy I saw earlier kaya ako napagalitan.
Matangkad at nakasuot ng itim. Hindi ko makita ang kanyang itsura dahil nakamask rin ito ng itim. Ewan ko ba kung bakit trend ngayon ang all black na outfits. Muli kong ibinalik ang tingin ko kila Justine. Sakto naman na pabalik na sila dala ang tray ng pagkain.
"Here", sabay abot ng pagkain ko.
"Teka... bakit ang dami naman ng ulam ko", napatingin ako kay Justine.
"Mukhang pagkain na nga ito ng limang tao eh?".
"Kumain ka na lang para tumaba ka naman. Pumapayat na yang pisngi mo eh", nang-aasar na sambit nito sabay kurot sa pisngi ko.
"Yiee may kinilig", pang-aasar ni Marie.
"Duh ulo mo", naiinis na sambit ko.
"Walang pasok bukas", pagputol ni Marie sa katahimikan.
"Weh?", sabay na sambit namin ni Justine.
"Saan mo nanamn nakuha yan?", tanong ko.
"Hehehe narinig ko lang kila Bern", naiilamg na sagot nito.
"Ayan hilig mo maniwala sa FN kaya ka laging naloloko eh. Uto-uto ka kasi", pang-aasar ko.
Pagkatapos naming kumain agad kaming lumabas para bumili ng ice cream. Habang naghihintay sa bench nakita ko nanaman siya. I saw the guy again. Pang-ilan na ito ah. Sinusundan ba niya ako?
Medyo nag-aassume na ako eh. May lumapit sa kanyang babae.
Ms. Chin?
"You're favourite".
"Uy saan ka nanaman nakatingin?". Marie
"Wala", sagot ko.
"Weh? Diba si Ms. Chin yon? Boyfriend ba niya yon?", tanong nito.
"Baka siya 'yong transferee na tinutuloy ni ma'am kanina", patuloy pa nito.
"Transferee?".
"Ayan, Sum hindi ka kasi nakikinig kumain na nga tayo".
Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa ice cream
Hmmm rocky road...
Transferee? Sino kaya 'yon?
"So how's your class?", tanong ni Justine.
"Hay nako napagalitan. Lutang nanamn kasi eh", sagot ni Marie. Ito talaga walang preno 'yong bunganga kulang na lang ipalunok ko ng buo sakanya 'tong ice cream.
"May iniisip lang naman. Atleast nasagot ko yung tanong diba", mahinahon na sagot ko.
The bell rang. We attended our classes.
Discussed. Discussed....
"Uy Sum pakopya naman ng assignment", pabulong na sabi ni Marie.
"Yoko nga", masungit na sagot ko sa kanya.
Magkaibigan na kami ni Marie simula elementary. I think we became friends n'ong lumipat sila rito sa ilocos. My mother and her mom were besties. Kaya siguro nagkalapit rin kami. She was the type of friend na talagang makakasundo mo. Maingay nga lang.
"Marie mauna na ako", pag papa-alam ko.
"Sigeh ingat. See you bukas", sambit nito.
Lumabas na ko at nagmamadaling naglakad. I want to see the sunset. The last day of July.
Naisipan kong takbuhin na lang papuntang dagat dahil malapit na rin naman.
Malapit nang bumaba ang araw.
The smell of the ocean....
Ang pinong puting buhangin at mala-gintong karagatan.
The sun reflects to the ocean water. It's so beautiful.
The sound of the waves, it's like a music to my ears. My favourite....
Peace.
I stand and watch the sun set.
"Ang ganda noh?", isang malumanay na boses ang aking narinig kasabay ng mahinahong alon ng karagatan.
Napalingon ako sa tabi ko. I was mesmerized. He's so handsome. Ang maitim nitong buhok at ang mata nitong asul tulad ng karagatan. His rosy lips and his pointed nose. Nagsalubong ang aming mga mata. Halos mawalan na ko ng hininga. Everything stops when our eyes met.
Am I dreaming?
Is this what we call perfection?
"Ok ka lang?",he asked.
"Uhmm yah", sagot ko sabay tingin sa karagatan. Mabilis ang pagtibok ng puso ko kasabay ng pagbaba ng mala-gintong araw.
Ang malakas na alon ang nagpaingay ng kapaligiran habang ang mga mata namin ay nakatutok lamang sa palubog na araw.
Walang imikan hanggang sa tuluyan nang lumubog ang araw at kasabay nito ang pagdilim ng paligid. Ayoko rin naman magsalita at baka sabihin niya na feeling close ako diba. Pero gusto ko lang malaman ang kanyang pangalan.
Pero bago pa man ako makapagsalita...
"What's you're name?", malumanay na tanong nito. Sheesh ang lamig ng boses niya.
Lumipas pa ang sampong segundo bago ko masagot 'yon.
"I'm Summer".
"August".
And that's the day we met.
YOU ARE READING
Summer and August
Teen FictionA girl who loves the sea meets the guy who love summer. She is Kim Simmone Clemente and Summer is her nickname. He is Augustine Sage Rowan and August is his nickname. What if they met? What if you trust that person but have secret that can ruined...