CHAPTER 02

9.7K 100 13
                                    

This will be the last chapter of My hunky uncle here on wattpad. This is on completed and pay to read on Patreon and vip. To join on vip message me on my fb page!




Napatingin na lang si Lhaika sa kanyang cellphone na 5% na lang ang battery, paano siya ngayon maghahanap ng matutuluyan kung pa-dead battery na din ang telepono niya? Wala pa naman siyang dalang powerbank kung saan puwede sana siyang mag-charge habang naglalakad at hindi din naman niya kabisado ang pasikot-sikot dito sa Baguio. She shouldn't be careless like this, dapat talaga kapag pupunta ka sa isang lugar ay meroon ka na agad tutuluyan or atleast nakapagpa-book ka hindi katulad ngayon na sa tabing kalsada pa yata siya magpapalipas ng gabi. 

O baka naman galit pa din sa kanya ang Daddy ng best friend niyang si Britanny? Dahil noon akala talaga nito ay kasama siya nito habang nagmamaneho ito dahil 'yon pala ang sabi ng kaibigan niya dito. But she was not with her when he had her accident dahil nasa trabaho siya ng gabing 'yon. Buti na lang din at inimbestigahan ang car accident ng kaibigan niya at nalaman naman ang totoo na ito lang talaga ang nagmamaneho at sakay ng sasakyan nito noon. 

Samantalang napaisip na lang si Mason sa kaibigan ng anak niya na nagpunta dito sa bahay niya, that girl still knew his house. Ilang beses na din kase itong sinama ng namayapa niyang anak dito sa bahay nila kapag umuuwi ito ng Baguio. Kung noon siguro very open siya sa pakikipag-usap sa mga naging kaibigan ni Britanny ay naiba naman 'yon ng mamatay ang anak. At ang makita kanina ang dalaga ay naalala niya lang tuloy ang sarili niyang anak na halos kaedad lang nito. But what if something bad happen to her? Madami pa namang bogus din dito sa Baguio at maloko dito sa High trees chateau, oo hindi siya mapapano dito sa lugar nila dahil kilala siya pero ang mga bagong mukha at katulad ni Lhaika ay puwede lalo pa at madaming grupo ng gang dito. Idagdag pa na araw ng Biyernes kaya marami talagang turista na umaakyat kaya siguro nasabi nito kanina na fully booked na nga ang mga inn at hotel na pinuntahan nito siguro. Kaya saan ito magpapalipas ng gabi?

Kaya naman muli niyang binuksan ang gate at sumakay ng sasakyan niya, baka maabutan niya pa ang dalaga na naglalakad sa loob ng subdivision at patutuluyin na nga lang muna niya siguro ito dito sa bahay niya ngayong gabi. 

"Shit!" Muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko ng may biglang bumusina sa likuran ko. Pero nawala ang inis ko ng mapag-sino ang driver ng sasakyan. "Uncle.."

"You can stay in my house until tomorrow." 'Yon lang ang sinabi ni Mason at binuksan na ang locked ng pintuan ng sasakyan niya. 

At parang bumalik lang ang masaya kong energy noong nasa bus pa ako kanina at papunta dito. "Thank you Uncle!" At binilisan ko din talaga ang pagsakay sa kotse niya dahil baka magbago pa ang isip niya. 

Mason ordered food for her, malamig ang klima ng panahon ngayon dito at kahit hindi na nga sila magbukas pa ng aircon ay ayos lang dahil malalaki ang bintana sa bahay niya. 

"I'm full.." I even burped after I ate the one bowl of beef mami, buti na lang at may puwede pang pag-orderan ng pagkain kahit gabi na. It's passed ten in the evening and 24 hours naman ang karamihan ng kainan dito sa High trees. Kaya nga kami noon ni Brittany ay madalas lumabas ng gabi dahil aside sa may puwede ka pang puntahan ay may mga tauhan din itong si Uncle Mason na sumama sa amin at pinagda-drive pa kami.

"You can use the guest room, matutulog na ako dahil may pasok pa ako bukas sa ospital." Ani ni Mason matapos kumuha ng isang basong tubig. He checked first all the doors and the gate if it's  close. Wala namang nagtatangkang pumasok dito sa bahay niya dahil maliban sa mga cctv ay mero'n din siyang alarm. Isa pa may baril din siya at hindi lang siya basta mero'n no'n dahil marunong talaga siyang gumamit no'n. 

Alam ko ang sinasabi niyang kuwarto dahil nasa second floor din 'yon ng bahay na 'to. I been here countless time with Brittany basta kapag umuuwi siya dito sa Baguio ay sumasama talaga ako sa kanya. Pero ang huling pagpunta ko dito ay noong namatay ang kaibigan ko, sa Manila man nangyari ang aksidente ay inuwi pa din dito ang bangkay niya. Dito kase siya cinrimate at binurol din naman siya ng dalawang araw sa isang chapel dito pero sinara ang kabaong niya at pagkatapos nga ng dalawang araw na burol ay sinunog din siya.

"Sige po Uncle thank you po." Parang labag pa yata kase sa loob niya na dito ako magpalipas ng gabi pero kase fully booked na talaga 'yong mga pinuntahan kong inn at hotel dito. Pero mamaya bago ako matulog ay titingin ako ulit kung mero'n ng available na puwede kong tuluyan ng ilang araw dahil 'yon naman talaga ang plano ko.

"Ligpitin mo na lang 'yang pinag-kainan mo at magpahinga ka na." Sabi pa ni Mason na hindi na nagpaalam at umakyat na sa sarili nitong kuwarto. 

Bitbit ang isang malaking bag ay umakyat na din si Lhaika sa ikalawang palapag ng bahay kung saan naroon ang guess room. The Banderas house is huge, at parang county style ang design ng bahay na 'to. May parte na naka-semento pero mas madami ang kahoy, and this house looks like the houses in Europe too. Apat na malalaking kuwarto ang mero'n dito at ang makita ang nag-iisang kulay pink na pintuan ay parang hindi ko maiwasan malungkot dahil 'yon ang kuwarto ng kaibigan ko. And her room is very spacious, ang laki din ng kama niya sa loob kaya nga tabi na kami matulog kapag nandito kaming dalawa. And she have lots of stuffs, siya 'yong tipong mayaman naman pero napaka-down to earth na tao. They own the biggest hospital here and Uncle Mason is a doctor too pero mabait talaga si Brittany at wala akong ibang masabi. 

"Don't open it." Malakas na sabi ni Mason ng sa paglabas niya ng kuwarto ay makita niya na nakahawak ang kamay ni Lhaika sa pintuan ng kuwarto ng anak niyang si Brittany na para bang bubuksan ito.

"S-Sorry, I just want to see Bri--"

Napahawak si Mason sa kanyang batok habang nakatingin sa dalaga na nasa harap niya. She looked smitten when he caught her though. "Just don't, I never opened her room since she passed away and alam mo naman kung saan ang guess room dito diba." Ito na nga ba ang sinasabi niya kanina kaya ayaw niya din talaga ito patuluyin dito, hindi sa iniisip niya na may kukunin ito sa bahay niya pero magkaibigan kase ito at ang anak niya. And he saw her eyes looked longing into something when he caught her opening the door of his daughter room. 

"I-I'm sorry Uncle, g-goodnight po." At binilisan ko talaga ang pagbukas ng guest room dahil sa sobrang kahihiyan. 

While Mason shook his head, dahil mas naalala niya lang ang anak niya dahil nandito ngayon ang kaibigan nito. 

#maribelatentastories

My hunky UncleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon