2

17 0 0
                                    

Hershey's POV

Afer one year..

Araw ng Linggo, isang celebration na naman ang mangyayari kung saan nandito na naman ang mga kaibigan nila Mommy at Daddy.

Dahil kaarawan ngayon ni Tito Carlos, ang pinsan ni Mommy.

Wala naman problema sa'kin kung magsama-sama sila, pero ang makasama ang anak nina Tito James at Tita Phenelope ay ayaw kong mangyari talaga.

"Hershey,"

"Hershey,"

Napalingon ako sa pinto ng aking k'warto, sila Kuya Kyle at Kuya Dwayne. Ngumiti sila sa akin bago tuluyang pumasok ng k'warto.

"Ahm, you want to join us?" sabi ni Kuya Kyle na patuloy na sinisiko ni Kuya Dwayne.

"I thought you want to say something to her," bulong ni Kuya Dwayne kay Kuya Kyle. "Just what you've told me earlier."

"Huwag mo akong pangunahan, okay?" sitang sabi ni Kuya Kyle kay Kuya Dwayne na ikinangiti ko.

Ang cute kasi nila palagi kung magtalo..

"I'm sorry for being a rude elder brother, I promise to not control you for everything you want." sabi ni Kuya Kyle while looking at my eyes.

I smiled. Alam ko namang ginawa lang niya iyon for my own safety.

"No problem Kuya," nakangiting saad ko bago tanggapin ang kamay niya na nakalahad sa harapan ko.

"See, that's Hershey! Even she's just seven years old, she easily understand your immaturity." ani ni Kuya Dwayne bago siya kutusan ni Kuya Kyle.

"Enough with this, let's go! We need to buy a gift for Tito Carlos." sabi ni Kuya Carlos na binuhat ako.

"Hey, bro! She's not baby anymore so stop tha---"

"She's still our baby sister," sabi ni Kuya Kyle while continue walking to get out in my room.

"Kuya, nandito rin po ba mamaya si Kaori?" tanong ko sa dalawang Kuya ko habang pababa kami sa hagdan.

"Of course, she's the child of our Tito James and Tita Phen." ani ni Kuya Kyle.

"Don't worry, kapag sinaktan ka ulit non pag-untugin ko sila ng Kuya Ashton n'ya." sabi naman ni Kuya Dwayne na pinasadahan ng tingin ni Kuya Kyle.

"Wow, ang cute naman tignan ng mga anak ko," si Mommy na bakas sa mukha ang kasiyahan nang makita kami.

Naka-piggy back ako kay Kuya Kyle habang si Kuya Dwayne naman ay naka-hawak sa damit ko, upang alalayan kung sakaling ako man ay mahulog.

"Where's Dad, Mom?" tanong ni Kuya Kyle bago ako ibaba upang makalapit kay Mommy.

"May flight ang Daddy n'yo today pero hahabol siya mamaya para sa party ni Tito Carlos n'yo." sabi ni Mommy habang inaayos ang dress na suot ko. "Ang ganda-ganda naman ng prinsesa ng Mama."

"But Mom, Dad already told me that he will bring me in his work. Did he forgot?" tanong ni Kuya Dwayne na inabot kay Mommy ang pony tail ko.

De Sampere High: Ang Boyish ng Drexel ClanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon