REED’s allegiance, Amber’s predicament
Chapter 1
When Amber first saw Reed Dacer, she thought he was the most beautiful creature she ever laid her eyes on. Padaan siya noon sa library nang makitang nakapamulsa ang binata habang masayang nakikipag-kwentuhan sa isang grupo ng kalalakihan. Maganda ang mga mata nito na tila laging nangungusap at punong-puno ng kapilyuhan, binagayan iyon ng matangos na ilong at sensuwal na labi. Matangkad din ito sa karaniwan. He must be around six feet or so. He was well built and oozing in male sex appeal. Kahawig nito ang foreign actor na si Chase Crawford. Almost instantly she had a crush on him.
Hindi niya hiniwalayan ng tingin ang binata sa loob ng ilang sandali, marahil napansin nito na may pares ng mata ang nakatingin dito ay agad na hinanap nito iyon. Agad na nagtagpo ang tingin nilang dalawa. She saw how his face lit up in surprise then a slow sexy smile form on his lips before he winked at her.
Alam niyang pinamulahan siya ng mukha sa ginawi nito. Kaagad ay namatay ang nararamdaman niyang paghanga para dito. She didn’t like the idea that this conceited jock is making a fool out of her! Hindi siya sanay na siya ang nagso-swoon sa lalaki. Kahit gaano kagwapo ang kaharap niya ay never siyang napatunganga sa harapan ng isang lalaki. Alam niya kung paano tumakbo ang mga utak ng mga ito. They all think that they were all God’s gift to women. Marami na siyang naka-encounter na mga ganitong lalaki sa labing-walong taon na pamamalagi niya sa mundo. Marahil ang isang Reed Dacer ay isa rin sa mga ito.
Sa halip na ipahalata ang nararamdamang pagkapahiya ay muli niyang hinuli ang tingin nito. Hindi naman siya nabigo sapagkat mukhang hindi pa rin naalis sa kanya ang mga mata ng binata. Sinalubong niya ang tingin nito bago niya ito pinagtaasan ng kilay at inirapan. Nakita niya ang matinding pagkasopresa sa mukha nito sa ginawa niya.
Serves you right, yabang!
Bago tuluyan lumampas dito ay nakita niya kung paano ito muling ngumiti habang napapailing nanagkamot ulo.
Napangiti siya sa itsura nito. Masaya ang pakiramdam na pumasok siya sa unang klase. She taking up Business Management at nasa sophomore year pa lang siya since kailangan niyang tumigil ng isang taon dahil sa financial problem. Luckily ay nakapasok siya sa school Foundation na sumusuporta sa kagaya niyang mag-aaral na kaiangan ng financial assistance. Ang unibersidad na pinapasukan niya ngayon ang pangalawa sa may pinakamataas na matrikula sa bansa. It is also one of the prestigious schools in the country. She very happy to even set a foot in the campus. Karamihan kasi ay may mga kaya sa buhay ang nag-aaral doon. Samantalang siya ay galing lamang sa hindi man mahirap subalit hindi rin mayaman na pamilya. Ang tatay niya ay may ari ng isang di kalakihang talyer at ang nanay naman niya ay tagapamahala ng isang kantina malapit sa talyer ng kanyang ama. Mababait at masisipag ang magulang niya.
Ang tanging panghihinayang nya lang ay hindi na sya nagkaroon ng kapatid. Nagkaroon kasi ng deperensya ang nanay niya sa matris pagkatapos siyang ipanganak. Gayunpaman sa kabila ‘non ay hindi iyon naging hadlang upang hindi sila naging masaya. Sobrang spoiled siya sa kanyang magulang lalo na sa kanyang tatay. Mabait ito at handang ibigay ang mga gusto niya kung kaya lang din naman nito. Ang nanay niya na bagaman abala rin sa pagtatrabaho sa Canteen ay hindi pumapalya na asikasuhin silang mag-ama.
Nagbalik ang huwisyo nya ng may maramdaman na may katabi na siya sa kabilang upuan. Pinili niya ang pinakadulo at nasa sulok na upuan sapagkat ayaw niyang may mga nakamasid sa likuran niya. Muntik na siyang malaglag sa upuan nangg mapagtanto kung sino ang katabi niya. Pakiramdam niya ay kinulang ng supply ng hangin ang dibdib niya ng makilala ang katabi.
“Hi, ang galling mong mang-irap kanina, ah. Problema mo?” wika sa naninitang tinig.
She was speechless for awhile. Mukhang badtrip nga sa kanya ang kausap dahil sa pang-iirap niya dito. Nag-alala siya na baka pag-tripan siya nito sa campus tiyak na wala siyang kalaban-laban dito. Nakakunot noong hinarap niya ito. She was about to say how sorry she was when she noticed his eyes dances in amusement. Tinignan niya ito ng masama.
BINABASA MO ANG
Ang Selosong Nagmahal sa Akin...
Romance"Saan ang punta mo? Nagmamadali ka yata?" nakunot noong tanong sa kanya ni Reed. Simula ng maging magkaibigan sila ay nabatid nya na may tendency din pa lang maging sumpungin ang binata paminsan-minsan. Hindi nya nga lang masyadong pinagpapansin ito...