Prologue

22 0 0
                                    

"Hindi kaya siya magtaka?" Tanong ko kay Hannie.

"Hindi naman siguro. Bakit mo ba kasi ginustong mangyari 'yong ganiyan sa inyo kung natatakot ka naman pala sa magiging reaksyon niya?" Naiinis na tanong niya.

"H-hindi ko alam.." pahina ng pahinang sabi ko.

"Alam mo ba'ng may posibilidad na magalit 'yon sa'yo, Bria?" Bigla ay tanong niya. Napatingin ako sa kaniya ng may pag-aalalang makikita sa aking mga mata.

"Hindi ko... naisip 'yon, Hannie." Natahimik ako saglit at natulala kakaisip kung ano ang gagawin ko ngayong nagawa ko na ang isang pinlano ko anim na taon na ang nakakaraan.

"Akala mo ba'y madali lang magtago ng anak, ha? Hindi ganoon kadali 'yon lalo na't hindi mo pa naman kayang buhayin 'yan." Panenermon niya sa akin. Napatingin ako sa kaniya.

Ilang taon na akong nagtatrabaho at may ipon ako kada planong binabalak kong gawin, at isa na ito sa pinag-iipunan ko na ako lang ang nakakaalam. Simula nang maghiwalay kasi kami ni Ashton ay hindi ko pa din binago ang mga planong nabuo ko sa loob ng relasyon namin.

Hindi na lamang ako umimik at nagpatuloy na lang sa pagsubo ng pagkain. Sayang naman kasi kung hindi uubusin, mahal ang pagkain dito sa Starbucks. Napabuntong-hininga nalang ako nang hindi na niya ako kausapin matapos ang mahabang katahimikang namayani sa amin.

"Hannie, uuwi ka na ba?" Tanong ko sa kaniya nang makalabas kami ng café. Tumango siya at nagpara ng taxi.

Akala ko'y hindi niya na ako isasama kaya nagulat ako nang bigla niya akong hinawakan sa palapulsuhan ko, at marahang hinatak ako papasok sa loob ng taxi.

Nang makasakay ay bigla siyang nagsalita habang may tinitipa sa cellphone niya.

"Kung ako sa'yo ay lilipat ako ng tinitirhan kung gugustuhin mo talagang ituloy 'yang binabalak mo. Lalo na't ayaw mong magpahanap sa tatay niyang ipinagbubuntis mo."

Tumango ako at nag-isip kaagad ng mga lugar na maari kong tirhan na malapit lang sa pinagtatrabahuan ko.

"Puwede bang sa condo mo nalang muna ako hanggang sa makahanap ako ng matitirhan?" Napalingon siya sa akin at tinitigan ako ng mabuti. Ngumiwi siya at kapagkuwan ay tumango.

Napangiti ako nang makita ang pagtango niya at masayang niyakap siya na ikinatawa niya. I giggled in excitement.

"Kalma buntis." Tumatawang sabi niya. Maya-maya ay bigla siyang sumeryoso at tumingin sa akin. "Mag-grocery tayo maya buntis ha, sama ka para makabili ka kung anong gusto mo. Ako na ang bahalang magbayad kaya wag ka na mag-abala, okay?" Kinilig ako sa sinabi niya.

"Yieee, o' sigiiiiii." Excited na sabi ko.

Lumipas ang ilang oras simula nang makarating kami sa condo niya, at makapagpahinga ay nagluto ako ng kakainin namin bago kami pumunta sa grocery store. Nang makarating kami sa grocery store ay kumuha agad ako nang malaking cart dahil for sure, magiging extra na naman itong si Hannie.

Habang namimili ng mga bibilhin ay tanong nang tanong si Hannie kung gusto ko ba ang mga iyon. Tango lang ako ng tango at nakakahilo 'yon kaya tinulungan ko na siyang mamili.

Nang nasa meat section na ay hinayaan niya akong mamili dahil alam ko raw kung ano ang bibilhin sa hindi. Napangiwi ako habang namimili at iniisip 'yon.

"Ito po kuya." Sabi ko sa lalaking magtitimbang ng karneng nasa supot at lalagyan ng price tag. Pagkatapos niyon ay namili naman ako sa chicken section kaya naghintay ulit si Hannie sa labas ng pila.

Napalingon-lingon ako nang may maamoy akong pamilyar na pabango, at agad na pinagsisihan nang makita ang taong pinagtataguan ko. Ashton.

Agad akong nag-iwas ng tingin at nagmamadalinh pinagpatuloy ang ginagawa ko. Nang matanggap ang manok na napili ko ay agad akong umalis sa pila. Nang malagay sa cart ang balot ng manok ay nakita kong nakatitig lang sa akin si Hannie at parang tumatagos ang tingin niya sa likuran ko. Nagtaka ako kaya nilingon ko ang likuran ko ngunit nagsisi din agad nang makita kung ano ang naroon.

That Ex-Boyfriend of MineWhere stories live. Discover now