01

7 0 0
                                    

"Ma! Aalis na po ako!" Sigaw ko nang makitang nasa banyo si mama.

First day of class ko ngayon as grade 11. Nakakaloka ang orientation day sa dami ng mga students na mayayamaning nakikita ko. Nakakagaan sa loob na isang school year lang ako dito.

"Good morning, I am Michelle Adlawan and I will be your teacher in Oral Communication. I am 4 years na dito sa STI and I am happy to meet new students like all of you. Welcome to STI College of Las Piñas..." Madami pa siyang sinabi ngunit hindi ko na maintindihan ang iba pa.

Nang marinig ang hudyat ng pagsisimula ng 'introduce yourself' ay doon na natuon ang atensyon ko. Napangiwi ako nang makitang ako na ang susunod. Bumuntong-hininga muna ako bago tumayo nang matapos ang nauna sa akin.

"Good morning everyone, I am Brianna Avrielle Sudalga. 17 years of age, living in Ocampo Avenue but came from Davao." Lahat ay nagulat nang marinig nilang galing akong Davao at isa na doon ang subject teacher namin.

"Tell us about Davao, miss Sudalga."

"Davao is a nice place with its nice environment to live in. Mababait ang mga tao doon pero minsan ay hindi, depende sa kung paano sila tratuhin ng mga nakakasalamuha nila." Sabi ko.

"Oh, that's nice. Thank you for sharing, miss Sudalga. Next please."

At nagtuloy-tuloy lang iyon hanggang matapos ang period niya.

Ganoon lang ang nangyari buong araw. Naninibago ako sa environment at nahihiyang makipag-usap sa mga bagong kaklase dahil sa environment. Hindi sa nahihirapan akong magtagalog, sadyang ayaw ko lang muna magsalita.

Kahit noong lunchtime ay hindi ako gaanong nagsasalita. Politika kasi ang topic, ayokong makisali kaya tahimik lang akong kumain.

Nang makauwi ay agad na tinanong ni mama kung kamusta ang first day ko. As usual ay nagkwento ako sa kaniya sa mga nangyari at nang matapos ay nakipagkwentuhan ako sa long-distance boyfie ko na si Ashton Kalixto Fernandez. First year college sya sa De LaSalle–College of Saint Benilde at nakakaproud kasi nagkaroon ako ng boyfriend na isang Lasallian.

Nagkakilala kami sa facebook lang din, hindi ko alam na magtatagal kami ng ganito at plano naming magkita bago ako umuwi ulit ng Davao.

Palagi kaming magkausap na kahit nasa school ako ay nakikipag-usap pa din ako sa kaniya through chat. We've been having this kind of relationship ever since December 2021. Mag-iisang taon na kami this December, sana mabisita niya ako kahit bago magpasko, 'yon kasi ang plano.

Mabilis na lumipas ang mga araw at palapit na ng palapit ang PE Day kaya puspusan ang pagpapractice ng section namin ng sayaw. Nakakgulat nga dahil isa ako sa mga nagtuturo at palaging nasa unahan dahil na din sa height.

Napabuntong-hininga ako nang makitang mali-mali ang steppings ng iba. Agad akong nagtawag ng break at namili ng mga kaklaseng tuturuan ko. Ginaya 'yon ng apat na kasamahan kong nagtuturo din.

"De Castro, Gonzales, Dela Cuesta, Tyrone, Shin, Janna, at Mary." Pagtawag ko sa mga pangalan nila at kaagad na sumenyas sa kanilang sumunod sa akin sa gilid ng ground.

"Patingin ng galaw ninyo." Utos ko at pinindot ang play button sa cellphone ko na nakaconnect sa bluetooth speaker na maliit, na dala ko para sa kanila. Nang makita ang kani-kaniyang pagkakamali ay agad ko silang tinuruan kung paano gawin ang mga steppings na nahihirapan sila.

Lumipas ang halos isang oras na ganoon lang ang ginagawa namin ng mga kasama kong nagtuturo. Nang ipaulit sa lahat ang sayaw ay medyo hindi na ganoon kagulo. Nang sumali na kami at nakitang na-perfect namin ang buong sayaw ay nagdesisyon na agad kaming lima na umuwi na at ang iba naman ay nag-ayang tumambay sa mga bahay nila kasama ang kani-kaniyang mga circle.

That Ex-Boyfriend of MineWhere stories live. Discover now