Chapter 1: day 2
Elaine is known for being beautiful, she's a well known model and she loves cooking something. One day she woke up from a familiar voice.
ELAINE'S POINT OF VIEW
"Girl, wake up! Ano ka ba?! Ikaw pa ang nag-plan ng 7:30 andoon na tapos nakahiga ka pa rin pala dito sa condo mo ng 10:30?!" dahan dahan kong kinusot ang mga mata ko at hangang sa dinilat ko ito ay nakita ko ang dalawa kong close friends. It's Ivy and Gail.
"Hi?" I awkwardly smile at them, kitang kita ko sa mga mata ng mga 'to ang inis hehe. Ang sabi ko kasi e 7:30 kami aalis for jogging but now andito sila sa condo ko and nakahiga pa rin ako ng 10:30..
"Seriously, Ell? Hi?" Ivy just rolled her eyes "sorry, It feels like heaven kasi ang ma-late na magising. You know me, busy sched this past few weeks dahil sa photoshoots ko!" Dahan dahan akong tumayo at kinuha ang hair clip ko para itali sa buhok ko.
"Edi sana, hindi ka na lang nag-aya ng jogging. Duh!" Inirapan rin ako nito ni Gail na agad ay nginitian ko na lang.
"Paglutuan ko na lang kayo ng breakfast hehe" agad akong kinurot ni Gail at Ivy "duh, 10:30 breakfast?" natawa na lang ako sa mga reaction ng mga 'to na agad ay sinundan ako palabas at papuntang kitchen.
"Paano niyo pala nalaman passcode ko?" Tanong ko sa kanila na ikinatawa ni Ivy habang nag-sscroll through her phone "Girl, I suggest na palitan mo ang passcode mo kung ayaw mong malooban!" Napatango si Gail sa sinabi nito "True, so easy! Birthday and age? shunga talaga!"
"ay oo nga pala, may new conference ngayon ang mga Juarrez. Guess what? Ang pogi ni Tyron with his new hair cut!" Dali dali ako na napatigil sa ginagawa ko t dumeretso sa phone ng kaibigan ko, Tyron is not the type who use social media kaya nga siguro hindi pa nyan nasusubukan ang magselfie sa sariling camera.
"Ang matangos na ilong na napaka-gwapo kasi bagay na bagay ang pagka pungay ng mata na sinamahan pa ng clean cut ngayon?!?" Inirapan ko agad ito si Gail dahil aware itong mega ultimate crush ko si Tyron Juarrez! Akin lang siya! Akin!!
"Ang epal naman, panira ng araw!" Inirapan ko nga ito na agad ay natawa sa ginawa ko "so selosa, Elaine! Syempre, ang bet ko dyan ay si Shawn!" I still rolled my eyes at ibinalik ang tutok ko sa pagluluto ng itlog with bacon.
AFTER a few minutes of cooking my breakfast ay natapos din ako at agad ko kinuha ang sariling phone habang pinapanood ang conference nitong si Tyron..
"He's so handsome talaga!" Ngiti ko habang kumakain "Girl, 3 years ka ng patay na patay dyan at puro parinig sa social media accounts, nag-ggmail and whatever pero still he doesn't give a fuck." I gave Ivy a death stare. Ano naman ngayon? I like him! At siya lang, siya lang ang papakasalan ko!
"Siya lang--" naputol ako sa pagsasalita ng biglang sumingit ito si Gail. "Siya lang ang aasawahin, ang pogi sa mata ko at sa kanya lang ako magpapaanak." Natawa kami ni Ivy sa sinabi ni Gail, hilig ko kasi talaga sabihin iyon kada sasabihin nilang tigilan ko na si Tyron.
YOU ARE READING
TOO HARD TO LOVE
RomanceElaine Diaz is deeply inlove with Tyron Juarrez. Elaine is known for being daddy's girl, her dad can do everything for her daughter's happiness until her dad founds out that Elaine loves Tyron Juarrez the son of the owner of the biggest hotel in the...