Nash PoV:
Nagising nalang ako sa kaingayan ng ka roommate ko, hayst. Sabado ngayon at may pinag-usapan kami ni Natalie na pupuntang mall ngayon para bumili ng gagamitin namin para sa paparating na pasukan..dinumi mo naman ‘yang utak mo!
“ Natadecoco ano ba! alam ko namang may lakad tayo pero pwede bang another 5 min— dgsjaksi! ” bwesit na babae to may patakip takip pa sa bibig ko gamit ang kamay e napaka baho naman! ano kayang hinawakan nito? bakit amoy tae..
“ kakayapos ko yang tumae mabaho ba? syoyi ” lumaki ang mata ko sa sinabi niya kaya agad ko namang siyang sinipa dahilan para mahulog siya sa kama.
“ a..ayay takit non Nash.. ” aba’t ilang taon na ba ‘tong babaeng to!? hindi pa rin marunong mag salita!
“ nako! ilang taon ka na ba!? bakit ganyan ka pa rin mag salita? ” taka kong tanong sakanya, tulala naman itong naka tingin sa akin.
“ bata pa ato Nash ano ba.. t-twenty three pa ato.. ” sambit nito at hinimas himas ang pwet, syempre masakit yan hindi siya sa carpet bumagsak, deserve.
“ ewan ko sayo! anong oras na ba’t bakit mo ako ginigising? ” tumayo na ako at naglakad papuntang kitchen maliit lang ‘to..wag kayong mag expect masyado.
“ 8..8am Nash anong oyas ka ba natuyog? ” pinilit kong huwag mainis dahil sa pag-sasalita nito ayaw kong manakit eh..
Kumuha lang ako ng gatas sa ref at ‘yon na ang ininom ko, kawawa naman ‘tong babae na to.
“ ayos ka lang? bakit mo naman kasi tinakip sa bibig ko ang kamay mo? ”
“ akaya ko kati na hindi ka maniniwala..natipa pa tuyoy ato takit mo tumipa.. ” pag papacute niya sa harapan ko
“ talaga ba? atsaka bihis na bihis ha..ayaw mo atang malamangan ngayon ” sambit ko habang inuubos ang gatas, nag mamadali ako baka aabutan nanaman kami ng gabi sa mall.
“ tyempe ato na to Nash ” sambit niya sabay flip hair, aba aba aba kalbohin kita jan eh.
“ osya, jan ka lang maliligo lang ako ” hindi ko na hinintay ang sagot niya kasi nakaka bingi ang boses niya for the true na to.
.
.
.
.
pag katapos kong maligo ay dinampot ko lang sa cabinet ang susuotin ko, suot suot ko na ang dinampot ko sa cabinet.“ not bad ” bulong ko sa sarili
ang suot ko lang naman ay White Croptop na may naka sulat sa bandang dibdib ko ‘ Her ’ nakss sa pang ibaba naman naka Black Trousers ako sapatos.? syempre white shoes estitik tayo ngayon.
lumabas na ako ng kwarto dahil naririnig kong may kausap si Natalie.
“ Nata?? sino yan? ”
lumingon siya sa direction ko agad naman ako nitong inirapan.
“ delivery rider..paya tayo daw ” abot niya sa akin sa isang box na may kalakihan.
“ ay gagi ka ibalik mo yan wala akong inorder tsaka wala akong pera! ”
*Paaak!*
“ a-aray ko bakit naman nananampal ” sambit ko habang hawak ang pisngi
“ you don't have to pay na daw ” pagtataray niya sa akin
bakit nananampal!?
“ ‘kay. ” tipid kong sagot at binuksan ang box na nakalagay sa table
dahan dahan ko itong binuksan at laking gulat ko sa nakita
“ a fucking official photocards!? ”
sa nag bigay nito sana bigyan ka ni Lord ng mahabang buhay!
Twice, Straykids, Bts, Blackpink, Itzy, TxT, Seventeen...