38.

25 4 0
                                    

I spent the day with Lola Beth, Janus, and Remus. Napakasigla ni Lola Beth kaya ang dalawang apo ay halos hindi na makaupo dahil sa pagbabantay sa Lola nila.

"Lola, 'wag po kayong magpakapagod. Baka mahilo na naman po kayo," saway ni Janus nang magpresinta si Lola Beth na magluto ng meryenda para sa amin.

"Kaya ko, apo. Maupo na lang kayo riyan at malapit na itong matapos," malumanay nasagot ni Lola Beth sa nag-aalalang apo.

"Tulungan na namin kayo, 'La," ani Remus pero, mariing umiling si Lola Beth at pinaupo ang apo.

In the end, the two boys let their grandmother. Natatawa na lang ako dahil sa sitwasyon. Two grown ass man, watching their hyped grandmother softly and strictly. Si Lola Beth naman ay enjoy na enjoy lang sa ginagawa na parang walang pakealam sa dalawang apong tutol sa pagkilos niya.

Mabilis kumilos ang dalawa nang matapos magluto si Lola. Pinaupo na agad nila ang Lola nila.

"Kayo na po ang nagluto, kami naman ang maghahain," ani Janus. Bumuntonghininga na lang si Lola Beth at naupo sa tabi ko.

"Ito talagang mga apo ko, hija, parang ang Lolo lang nila. Bantay-sarado ako," sabi sa akin ni Lola Beth at humawak pa sa kamay ko.  "Kaya sigurado ako, Yara hija, aalagaan ka ni Janus nang mabuti. Hindi ka niyan pababayaan," nakangiting sabi sa akin ni Lola Beth na nagpatunaw ng puso ko. Humawak ako pabalik sa kamay ni Lola at ngumiti. Sinulyapan ko ang magpinsan na nag-uusap habang nakaupo sa upuan.

"Ang tagal kong hinanap si Janus. Mula nang mawala ang anak ko, kasabay na nawala si Janus na apo ko. Sobrang nalumbay ang puso ko no'n. Dala na rin ng kalungkutan, namatay ang asawa ko. Naiwan akong nagluluksa sa pagkamatay ng magulang ni Janus, ng asawa ko, at sa pagkawala ng apo ko..." Inilipat ko ang mata ko sa magpinsan na pinapanood na pala kami. 

Agad nagtama ang mata namin ni Janus. Like what he always do, he smiled at me. Softly and lovingly.

"Si Remus ang naiwang kasama ko. Lumipat pa siya rito dahil gusto niyang may kasama ako rito. Nang minsang maikwento ko sa kaniya si Janus na nawawalang pinsan niya, naging interesado rin siyang hanapin ang pinsan niya pero, hindi na kami pinahirapan ng tadhana..." she stated and I remembered Janus' story about how he found his grandmother. That's the same thing Lola Beth told me and it still feels the same. Nakakatuwa pa ring malaman na nahanap na nila ang isa't isa.

"Ngayon, ibinalik sa amin si Janus. Kumpleto na ulit ako at alam kong masaya na ang anak ko at asawa niya. Masaya na kami."

Indeed, there's always light after everything. A light at the end of the tunnel. Kahit gaano pa kahirap o kadilim ang pinagdaanan ng isang tao, sa huli, kung pinili niyang lumaban at 'wag sumuko, mararating din niya ang ginhawa at saya.

When night time came, Remus assisted their grandmother to her bed to rest. Parang ayaw ko pa nga umuwi dahil masiyado akong nag-enjoy kasama sila pero, alam kong kailangan nang magpahinga ni Lola Beth.

"Gabi na. Gusto mo bang i-text ko si Sir Yuri para hindi ka pagalitan pag-uwi mo? O kaya sama na lang ako sa 'yo para mapaliwanag ko kung ba't gabi ka na nakauwi," he blabbered while I just remained staring at him. Amazed how this guy's the one who loves me. Amazed that I have someone like him in my life.

"Wait, text ko na lang sina Sir Yu—"

He was stunned and caught off guard because I pulled him back when he was about to go back inside their house. I pulled him to face me and without hesitation, I planted my lips against his.

Parang may kung anong sumibol sa loob ko nang maramdaman ang labi niya. His lips are soft and warm. My first kiss.

Naramdaman ko kaagad ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko at paghapit niya palapit. My arms encircled around his neck and I contributed for us to get closer.

I didn't know that kissing the man I love will be this fulfilling. So soothing.

He pulled a bit, panting. Kumalabog ang dibdib ko nang makita ang mga mata niyang pawang inaantok. Ang labi ay mas mapula kaysa kanina.

He stares at me with nothing but, love in his eyes. Hinding-hindi ko maipagkakaila ang kasiyahang nararamdaman ko dahil sa kaniya.

"Janus..."

Inilapit niya ang mukha sa leeg ko't sumubsob doon. Mahigpit ang yakap niya sa bewang ko at damang-dama ko ang paghinga niya sa leeg ko. The night wind blew so cold but with his hug, with his presence, I feel so warm.

"Mahal kita, Yara. Hindi ko alam kung paano pa makakaahon pero, wala akong balak. Among my falls, this is my favorite fall because, it's you who I'm falling with," he whispered and it went straight to my heart.

"I missed you, Janus," bulong ko at pumikit. Sumandal ako sa balikat niya at huminga nang malalim. "I regret every single word I threw at you before. Kung hindi ko pa maririnig na... na nawala ka, baka habang buhay kitang kinamuhian," bulong ko.

Inangat niya ang ulo't sumulyap sa akin. "Ibig sabihin, kung hindi pa ako nagpanggap na patay, hindi mo ako mapapatawad?" he asked with one brow raised.

I stared at him, determined to make things right and favorable for us. "Wala talaga akong balak patawarin ka dahil sa nasirang tiwala. I hated you back then. I despised you but... when I heard about that... I started despising myself..." his eyes softened. Nang akmang magsasalita siya, umiling ako't nagpatuloy.

"Galit ako, tinaboy kita pero, hindi ko rin pala kaya. Saka ko lang napagtanto na biktima ka rin. I was just too blind to realize it," nagbaba ako ng tingin at huminga nang malalim nago muling sinalubong ang mata niya.

"Hindi lang ikaw ang may kasalanan, Janus. Ako rin, may kasalanan sa 'yo at sana hayaan mo rin akong bumawi. Hayaan mo rin akong iparamdam sa 'yo na... na mahal na mahal din kita."

His eyes went wide and his lips parted. Titig na titig ang mata niya sa akin. Ngumiti ako at sinapo ang pisngi niya.

"All those years, I remained loving you. I yearned for you. Ikaw ang unang lalaking minahal ko pero dahil sa mga bagay na hindi natin makontrol, nagkasakitan tayo." I caressed his cheeks and stared at his loving eyes. "Gusto ko ring bumawi sa 'yo, Janus. Alam kong nasaktan din kita, naghirap ka rin.  You can hate me for that—"

"No, Yara," he immediately shook his head. "Hinding-hindi ko magagawa 'yon," he stepped closer to me and buried his face on my neck again. "I can never hate you, baby."

My heart melted as I hugged him tighter. This time, no more worries. No more wasted chances. No more letting go.

I planted a kiss on his ear and slowly, lovingly whispered.

"Mahal na mahal din kita, Janus."

This time, I would show him how much I want him in my life. That I don't wanna lose him again.

Been Through (SCS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon